Chapter 3:Flowers and Chocolates

1K 31 1
                                    

Chapter Three

Keita's POV

Kasalukuyan akong nanonood ng anime movie sa laptop ko ng biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

"Keita iha?"boses ni yaya Linda

Pinost ko muna yung pinapanood kong 'I want to eat your pancreas' para pagbuksan ng pinto si yaya Linda.

"Bakit po?"tanong ko sa kanya

"May nagpadala ng bulaklak at tsokolate para daw sa iyo iha"sabi nya, nanlaki ang mata ko at kumalabog ng pagkabilis-bilis ang ang puso ko

Hindi ako sigurado, pero may kutob akong sa kanya galing ang mga yon. Hindi ko na sinagot pa si yaya Linda kumaripas na agad ako ng takbo papunta sa sala. Sa sobrang pagmamadali ko montik pa akong madapa sa huling baitang ng hagdanan.

Natanaw ko sa lamesa sa sala yung isang bouquet ng mga bulaklak, puting mga roses at sa tabi non ay ang mga chocolates. Dali dali akong lumapit doon para kunin iyon pero napansin kong bukas na yung isang chocolate.

Seriously? Binigyan ako ng bukas na chocolate? Huh! Magilas!

Ginala ko ang paningin ko at...aha! Iba rin talaga ang katakawan ng pinsan kong ito pagdating sa chocolates. Kaya naman pala bukas e tinatalakan na ni Jem Kalvin Rivera, ang kuya kong matakaw lalo na sa mga chocolates.

Pinagkrus ko ang mga braso ko at tinignan sya ng masama. Ang loko nakangisi pa at iniinggit ako.

"KUYA!"sigaw ko saka sya sinugod, ang loko patuloy lang sa pagkagat ng chocolate

"BAKIT MO KINAIN!?"inis kong bulyaw sa kanya pero nginusuan lang ako ng lintek

"Kuya naman e, nakakainis ka!"singhal ko pa

"Sorry na, alam ko kasing hindi ka mahilig sa chocolates kaya akala ko kapag kinain ko lahat yan hindi ka magagalit"nakangusong paliwanag nya

Nasapo ko ang noo ko saka ako bumuntong hininga. Binalikan ko yung bulaklak at nakita kong may card kay binasa ko.

'Sorry pinadala ko na lang may iniutos sila mommy e, bukas babawi ako :)

-MKA_Gwapo ;>'

Uminit ang pisngi ko pagkabasa ko sa sulat. Oh my god. Magkikita kami bukas? Oh my god ulet. Kinikilig ba ako? May gusto na rin ba ako sa kanya? Isa pang Oh my god. Sino ba namang hindi magkakagusto sa isang Mart Kervin Alejandro? Gwapo,Mabait,Matipuno,Mayaman,at....Sweet. Oh my god nanaman.

Kinuha ko na ang bulaklak at mga chocolates saka ako bumalik sa kwarto. Hindi kona naipagpatuloy ang panonood ko dahil mula pagpasok ko ng kwarto ko ay hindi kona binitawan ang mga bulaklak na bigay ni Kervin. Halos isang oras akong nakangiti habang nakatitig don. Natigil lang ng mag vibrate ang phone ko. May nagtext at si......UNKNOWN NUMBER?

Lintek, sino naman kaya ito? Kinuha ko ang phone ko at binasa ang text message ng kung sino man yon.

Unknown Number:

Nagustuhan mo?

Kumunot ang noo ko. Hindi ako sigurado kung sino yung nag text kaya dinial ko ito. Nakadalawang ring bago nya sinagot.

"H-Hello?"utal kong sabi

"Heyyyy!"masayang bati nya

"Sino to?"tanong ko ulit, humalakhak sya bago sumagot

"Ako to, si Kervin"hindi ko man sya nakikita pero alam kong nakangiti sya

"Ah, ikaw pala"ngumisi ako

"Hmmm, nagustuhan mo ba?"tanong nya, uminit ang pisngi ko

"Ah, oo salamat"ngumiti ako kahit hindi nya nakikita

"Buti naman"sabi nya

"Sige, salamat ulit"

"Welcome,ah nga pala bukas susunduin kita"bigla ay sabi nya

"H-Huh? S-San tayo p-punta?"nautal nanaman ako kaya ayon humalakhak nanaman sya

"Basta, sige na may tatapusin lang ako, mag ingat ka bye"yun lang at binaba nya na ang linya

Hindi ko alam pero bigla akong naexcite para bukas. Bumaba muna ako sa sala at nakita ko si kuya Kalvin na nanonood ng tv agad akong lumapit at tinabihan sya.

"Nanliligaw sya sayo?"bigla ay tanong nya

"S-Sino?"kunwari hindi ko alam kung sino ang tinutukoy nya

"Si Kervin,"sagot nya

"A-Ano....O-Oo"nautal na naman ako

Medyo kinabahan ako kase seryoso ang mukha nya at para bang hindi nya nagustuhan ang sinagot ko. Pero ilang sandali lang ay bigla na syang ngumisi ng nakakaloko sakin.

"Sabi na nga ba may gusto sya sayo e"tumatawang sabi nya

"Wala ka namang sinabi kuya"pambabara ko sa kanya

"Tsk, noon pa lang napapansin ko na na may gusto sya sayo kase sa tuwing ikaw yung ita-topic ko bigla na lang kumakawala yung ngiti nya sa labi tsaka madalas ka nyang sundan at napansin ko rin yon, buti nga at nagkalakas ng loob e"paliwanag nya saka bumuntong hininga

"Sinabi nya nga na noon pa daw nya ako gusto, e hindi ko naman sya kilala noon sa itsura puro lang sa kwento nyo ni Kelly"sagot ko

Totoong nung nagpunta sila dito ang first meet namin. Noon ko lang nasilayan ang mukha nya. May nakita na akong picture nya kay Kelly pero bata pa sya doon kaya hindi ko sya nakilala. Sa tuwing nagpupunta naman kami ni Amber kila Kelly hindi ko naman sya nakikita. Ewan ko ba, baka pinagtataguan nya ako noon kase nahihiya sya baka ganon.

"Kapag sinaktan ka non sabihin mo lang sakin ng maresbakan"bigla ay sabi ni kuya Kalvin

"Sa tingin mo magagawa nya akong saktan?"wala sa sariling tanong ko

"Depende? Hindi naman ako ang magmamahal sayo e, kaya bakit ako ang tinatanong mo?"pamimilisopo nya kaya hinampas ko sya ng unan sa sobrang pagkainis ko

"Seryoso ako!"inis kong sambit sa kanya

"Hindi naman siguro magagawa ni Kervin na saktan ka, baka nga ikaw pa manakit sa kanya e"humalakhak sya pero hindi ako umimik dahil bigla akong napaisip

Magagawa ko ba syang saktan o iwanan? Paano kung tama si kuya Kalvin? Paano kung ako nga ang mang iwan? Paano kung sya yung masaktan ko? Pero hindi. Hindi. Sya ang magiging first boyfriend ko kung sakaling sagutin ko sya.Madami na akong nasaktan dahil binusted ko sila pero iisipin ko palang na masasaktan ko si Kervin ay hindi kona kaya. Gusto kona ba sya?

Inabot na ako ng gabi dahil sa kakaisip. Hindi ko masagot ang sarili kong tanong. Marahil ay dahil hindi ko pa sya lubos na kilala pero may tiwala ako sa kanya. Alam kong pag naging kami hindi nya ako sasaktan. Nakatulugan ko na ang sobrang pag iisip kung gusto kona ba sya. Hayst, masasagot ko rin yan pero hindi pa siguro sa ngayon.








To be continued.......

The Day She Said GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon