Jaki's PoV
Ngayong araw, maaga ako ulit pumasok kahit na ayaw kong pumapasok ng maaga. Eh kasi naman lagi akong nasasabihan ng Boss namin
Andito na ako ngayon sa shop at hinihintay yung dalawa kong kasama. Ngayon lang ako pumasok ng maagang-maaga, naunahan ko pa sila
Inaayos ko lamg yung mga Bulaklak para mamaya kapag may mga customers, madaling makapili
"Hi Jaki aga natin ah" rinig kong sabi ni Kid
"Ewan ko sa iyo, dami mong kuda dyan" sabi ko naman
"Sige na. Pero tapos mo na ba yung pinagawa sa iyo ni Sir Viceral?" sambit niya
"Oo naman, kagabi pa ano" sagot ko
"Nice naman" sabi naman ni Kid
Di ko na siya pinansin at mas nagfocus sa pag-aayos ng mga bulaklak. Ilang sandali pa ay dumating na rin si Ate Madc
Kasunod nito ang pagdating ng ilang customers
"Andami na nating customer pero yung Boss natin wala pa" sabi ni Kid
"Oo nga eh, baka na-late ng gising" sagot ko naman
Ilang sandali pa ay nagsi-alisan na rin ang mga customers at siya namang dating ng Boss namin
"Sabi sa iyo, na-late ng gising" sabi ko
Tumango na lang si Kid sa akin saka binati ang Boss namin ngunit hindi siya pinansin nito
"Sana hindi na lang siya nagising" sabi ko pa
"Ang sama mo. Grabe sa kanya ah" sambit naman ni Kid
"Oh bakit? May masama ba sa sinabi ko?" sabi ko
"Wala naman. Pero grabe ka ah" sabi pa ni Kid
Nagkibit-balikat na lang ako sa kanya at nagfocus na lang sa pag-aarrange ng Bulaklak. Habang nag-aayos kami ay siya namang dating ni Sir Billy
"Magandang umaga po Sir" sabay na bati naming tatlo sa kanya
"Wow, sabay-sabay ah" saad naman ni Sir Billy
Tumawa lang naman kami sa kanya at ilamg sandali pa ay pumasok na rin siya sa office niya
Habang wala pang customer ay tinawag ako ni Sir Viceral. Kaya naman agad kong kinuha ang report na pinagawa niya sa akin at agad na nagtungo sa office niya
"Sir, ito na po yung report na pinagawa niyo sa akin kahapon" sabi ko sabay abot ng report na yun
Tinanggap niya ito at agad na binasa. Sana tanggapin niya yun at huwag ng ipa-revise, eh kasi naman ang arte-arte niya, akala mo kina-gwapo niya yun. Pati yung font, font size ng report kailangang sang-ayon sa gusto niya
"What kind of report is this?" saad niya sabay lapag ng report sa table niya
Sabi sa inyo eh. Ginawa ko lang naman kung ano yung alam ko. Tama sila, hindi ko trabaho ang paggawa niyan pero sa akin niya pa din pinagawa
Napasapo siya sa mukha niya at marahang hinimas ang sintido niya
"Eh Sir, ginagawa ko lang naman po kung ano yung alam at kaya ko" sagot ko
"Yeah, alam ko yun. Sana nagconsole ka sa iba para nalaman mo yung paggawa ng report for me" sagot niya
"Eh Sir, sa akin niyo po pinagawa yan, ni ayaw niyong tulungan ako ni Sir Billy, anong gagawin ko?" sagot ko naman
BINABASA MO ANG
Malay Mo, Tayo Hanggang Dulo
FanfictionSabi nila, kapag mahal mo ang isang tao handa kang gawin ang lahat. Pero paano kung ang taong gusto mo ay matigas ang puso at ayaw aminin ang totoong nararamdaman para sa iyo? Ano ang gagawin mo? Mamahalin mo pa rin ba siya? And what if you try, bak...