Chapter 13

99 9 12
                                    


Jaki's PoV

It was Monday today and I'm on my way sa shop. For sure, madami ang customer today kasi Monday, though araw-araw naman sa shop namin maraming customer, iniisip ko lang na baka mas marami ngayon


Iniisip ko lang din yung nangyari kagabi. I didn't expect na hindi din siya sumama sa treat ni Sir Billy kagabi kaya nagpasama na lang siya sa coffee shop

Nagulat nga ako kasi parang kagabi ko lang siyang nakita na ganun. Ano naman kaya ang nakain nun?

Ilang sandali pa ay nakarating na rin ako shop at naabutan ko si Ate Madc

"Aga mo aa" sabi ko

"Hindi naman, kararating ko lang din" sagot naman niya

Tumango naman ako saka nagtungo sa pwesto ko at agad ko na ring sinuot ang apron ko. As a florist kasi, may sinusuot talaga kaming apron


"Kamusta naman yung inom niyo kagabi?" tanong ko pa kay Ate Madc

"Ayos naman. Pero sa susunod, sama ka na aa" sagot ni Ate Madc


"Oo na. Eh sinong naghatid sa'yo pauwi?" sambit ko


"Sila, Sir Billy. Eh ikaw? Diba hindi rin sumama si Sir Viceral, nagkasama ba kayo kagabi?" sagot naman ni Ate Madc


"Oo, nagpasama kasi siya kagabi sa isang coffee shop, edi sinamahan ko" sagot ko


Hindi naman ako makapaglihim dito kay Ate Madc kasi kahit anong tago ko, malalaman niya rin. Ewan ko dito, detective ata ito


"Aww, how's sweet naman pala. Pero sure akong nagtalo kayo" saad nito


"Oy, yun nga yung nakaka-panibago ee, for the first time, hindi kami nagtalo" sagot ko naman


"Ay wow naman. Ano kayang nakain ni Sir at biglang bumait sa'yo" sabi pa ni Ate Madc


Nagkibit-balikat na lang ako sa kanya at ilang sandali pa ay sunod-sunod na dumating si Sir Viceral at Sir Billy tsaka si Kid


"Later before maglunch, may sasabihin ako, it's all about the Debut ng isa pa nating customer" sabi ni Sir Viceral bago siya nagtungo sa office niya


Nagtinginan naman kami ni Ate Madc. Nakakagulat naman itong amo namin


"Bumalik na siya dati. Bipolar ata ee, hahaha" nakaka-lokong sabi ni Ate Madc

"Loko ka talaga, baka mamaya marinig ka nun, lagot ka" sabi ko naman sa kanya


Ilang sandali pa ay may dumating ng mga customer at agad din namang inasikaso ang mga orders nila


"Have we met before?" tanong ng customer namin na nahuli

"H-Ha? Ah, h-hindi ako sure ee. Ano bang name mo?" sagot ko naman sa kanya

"Yah! I'm right. I'm absolutely right. Jaki, right?" sabi pa niya

"Ah oo ako nga yun. P-pero I'm not sure ee, ano ngang name mo?" sabi ko sa kanya


"Patrick. Yung ka-batch mo, grade school" nakangiting sagot nito


Wait. Parang naalala ko na siya. Sa dami ba naman kasi ng tao na nakilala at nakasama ko noon tapos ngayon ko lang ulit makikita, syempre yung iba nakalimutan ko na


"Patrick. Hmm, Pats?" sagot ko


"Tumpak! You remember me" masayang sabi niya


Malay Mo, Tayo Hanggang DuloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon