Jaki's PoV
Gaya kahapon, inagahan ko ulit ang pagpasok sa shop at naabutan ko na si Ate Madc
Busy siya nun sa mga bagong dating na bulaklak kaya hindi niya naramdaman ang pagdating ko
"Aga mo ah" rinig kong sabi niya
Shootttaaa! Ano ito? Aso? Mali pala. Hahaha akala ko talaga hindi niya naramdaman ang pagdating ko
"Ano ka Ate? Aso? Akala ko hindi mo ako mapapansin eh" sabi ko naman sabay lapag ng gamit ko sa table ko
"Hindi ako aso ah. Pero bakit ang aga mo nga?" pag-uulit na sabi nito
"Wala lang. Bawal na ba pumasok ng maaga ngayon?" sagot ko nung makalapit ako sa kanya para tulungan sa ginagawa niya
"Syempre nakakapagtaka lang. Pero hayaan mo na nga. Ay teka! Tungkol sa lunch kahapon, nag-usap na naman kayo tungkol dun no? Ni Sir Viceral?" saad niya
Napasapo na lang ako ng mukha ko bago muling nagsalita
"Hay naku Ate Madc, wala akong pakialam sa mga desisyon niya sa buhay. Hindi kami nag-usap nun! Yung inabutan niya ako ng pagkain, yun lang, bukod dun wala na. Huwag ka ngang issue dyan" sagot ko
"Eh bakit ka galit?" tanong niya
"Ay, hindi ako galit. Nagtanong ka, edi sinagot ko" sabi ko naman
Habang wala pang customer ay lumabas muna ako saglit ng shop, wala lang
Habang nasa labas ako ay may napansin akong isang lalaki na papalapit siya sa shop. I know him eh, wait!
"Is this Viceral's Floral Shop?" medyo may pagka-arteng tanong nito
Oo siya nga! Yung batchmate ko nung 2nd Year College ako. Oh no! Mamaya ko siya ipakilala guys
I clear my throat first bago ko sinagot ang tanong niya
"Ah excuse me, nagbabasa ka ba? Ang laki-laki ng PostCard ng shop namin tapos nagtatanong ka pa?" sagot ko
"I want to confirm it kaya ako nagtatanong. Pero teka, familiar yung mukha mo. Have we meet before?" saad niya
Nagtataka man ako ay nagtitigan kaming dalawa para nga malaman namin kung sino ang isa't-isa
"Jaki? 'Luke' ?" sabay na sabi naming dalawa
"Batchmate" masayang sabi nito at niyakap ako kaya napayakap na rin ako sa kanya
"Hindi mo sinabi na dito ka pala nagtatrabaho" saad pa nito
"Eh hindi kita agad nakilala friend. Pero ano bang sadya mo?" sambit ko
Pumasok kami sa loob para dun kami mag-usap at nagpakilala rin siya kay Ate Madc
"Pero ano ngang sadya mo?" pag-uulit ko ng tanong sa kanya
"Ah actually nakita ko ito sa IG pero hindi ko na tinignan yung other posts kaya hindi ko nalaman agad na dito ka nagtatrabaho. Anyway, yun nga, sobrang ganda ng review ng mga tao about sa shop niyo kaya nagpunta ako, magpapa-arrange sana ako ng Bouquet eh for my girlfriend" mahabang sagot nito
"Ay ang taray. Sana all may jowa" saad ko naman
"Bakit kasi hindi ka magjowa ulit? Sana all ka dyan" sagot naman nito
BINABASA MO ANG
Malay Mo, Tayo Hanggang Dulo
ФанфикSabi nila, kapag mahal mo ang isang tao handa kang gawin ang lahat. Pero paano kung ang taong gusto mo ay matigas ang puso at ayaw aminin ang totoong nararamdaman para sa iyo? Ano ang gagawin mo? Mamahalin mo pa rin ba siya? And what if you try, bak...