Jaki's PoV
Nang dahil sa nangyari kahapon ay mas inagahan ko ang pagpasok sa shop. Ginanahan kasi akong pumasok dahil sa nangyari kay Sir Viceral. Syempre ngayon ko lang kasi narinig sa kanya yun at sobrang kalmado lang niyang magsalita
( Hindi mo siya crush n'yan ah. Dahan-dahan lang, baka ma-fall )
Naku! Hindi ko pinapangarap na ma-fall sa lalaking yun noh. Kung sa kanya lang din naman ako mahuhulog, sigurado naman akong hindi rin ako sasaluhin nun
Pagkarating ko sa shop ay naabutan ko ang Manong na nagbubukas ng shop namin. Si Manong, siya yung pinagbibilinan ni Sir Viceral lagi
"Magandang umaga po Manong" saad ko
"Magandang umaga din Ma'am Jaki. Siya nga pala Ma'am, ang aga pumasok ng Boss niyo" sabi ni Manong
"Po? Sino po dun?" tanong ko pa
"Ay naku Jaki ka talaga. Sino pa ba yung masungit niyong Boss" natatawang sabi pa ni Manong
"Hay!! Himala talaga Manong. Huwag ka pong mag-alala, ililibre kita mamaya Manong dahil may himalang nangyari" nakangiting sabi ko
"Salamat Ma'am Jaki. Oh siya pumasok na po kayo, baka mamaya sungitan ka na naman nun" saad ni Manong
"Manong huwag po kayong mag-alala. Mas masungit ako dun. Hehehe sige po Manong" paalam ko sa kanya sabay pasok sa shop
Pagpasok ko palang ay naamoy ko na naman yung scent na nabili ni Sir Viceral kahapon. Hanggang dito pala sa pwesto namin, pinabanguhan niya
Nilapag ko saglit ang gamit ko sa table ko at sinimulang mag-ayos ng mga Bulaklak, mamaya pala darating yung mga new set of Flowers. Ay excited ako para dun
Habang nag-aarrange ako ng Flowers ay nagha-humming pa ako ng fave song ko. Hehe wala lang, pampa-good vibes na rin
"Ay baboy na maliit ka! Ano ba yan? Nanggugulat ka ah" rinig kong sabi ni Sir Viceral
Kanina pa nga siguro siya dito. Well, nagulat na siya dun?
"Psh! Nanggugulat ba kasi ako? Ano po ba sa tingin mo yung ginagawa ko? Nagha-humming lang po ako" sagot ko sa kanya
"Tss! Ewan ko sa iyo" sabi niya sabay pasok dun sa coffee room ng shop
Inirapan pa ako ng loko. As if naman na ginulat ko siya. Halla ka, ang arte ah nagha-humming lang ako dito
Akala mo talaga ang ginagwapo niya yang pagkasungit niya. Sabagay ang gwapo niya ngayon, naka-eyeglasses kasi siya eh
( Halla si Jaki oh. Dahan-dahan lang )
Ang gwapo niya lang ngayon, hindi ibig sabihin nun ay nagkakagusto ako sa kanya
'Halla bakit ang defensive mo Jaki?' Bulong ng isang boses sa isip ko. Aish! Kakainis ka talagang Sir ka
"Aga natin Jaki ah" rinig kong sabi ni Ate Madc
Natigilan ako sa ginagawa ko at tumingin sa kanya
"Hindi ah, may mas maaga rito" sagot ko naman at pinagpatuloy ang ginagawa ko
"Mamaya na ang kwentuhan, magtrabaho muna" rinig naming sabi ni Sir Viceral
Gulat man si Ate Madc dun ay ngumisi na lang siya sa akin saka tumabi sa akin
"Bakit ang aga ni Sir? Tapos ang aga mo rin? Aminin mo nga, nag-usap kayo tungkol dito no?" nakakalokong tanong ni Ate Madc
Binitawan ko ang mga bulaklak na hawak ko saka nagsalita
![](https://img.wattpad.com/cover/232291069-288-k843828.jpg)
BINABASA MO ANG
Malay Mo, Tayo Hanggang Dulo
Fiksi PenggemarSabi nila, kapag mahal mo ang isang tao handa kang gawin ang lahat. Pero paano kung ang taong gusto mo ay matigas ang puso at ayaw aminin ang totoong nararamdaman para sa iyo? Ano ang gagawin mo? Mamahalin mo pa rin ba siya? And what if you try, bak...