Vice's PoV
Nandito pa kami ni Jaki sa shop but we're preparing na kasi ngayong araw na ang Debut na ang aming customer at next week yung isang Debut naman ang aming pupuntahan pero lahat na kami ang pupunta dun
"Guys maiwan muna namin kayo nitong si Jaki" saad ko sa mga kasamahan namin ni Jaki
"Sige na, pumunta na kayo. Ako na ang bahala dito" saad naman ni Billy
"Yabang mo. Madc kapag hindi maganda ang nangyayari dito, tawagan mo agad ako. Tutuktukan ko talaga itong Sir Billy niyo" sambit ko naman
Tumango naman si Madc sa akin at ilang sandali pa ay sumakay na rin kami nitong si Jaki sa Van. Ang tahimik niya ata ngayon. What happened?
"Buti naman, this time alam mo na kung saan ka uupo" saad ko
Hindi niya ako tinignan o tinapunan man lang ng tingin. Oy! Hindi ako sanay nang hindi ito nang-aasar, ano kayang nangyari dito?
"Hoy, may kausap ba ako dito? Kung sumagot ka kaya dyan, kinakausap kita ee" sabi ko pa
Tumingin naman siya sa akin saka inirapan ako
"Hoy babaita, huwag mo akong irapan dyan, talagang dudukutin ko 'yang mata mo" saad ko sa kanya
Narinig ko naman ang pagsinghal niya saka tumingin sa akin
"Kung manahimik ka kaya dyan, nakaka-irita ka na, kung paandarin mo na ang sasakyan nang makaalis na tayo, hindi yung daldal ka ng daldal dyan. Wala naman kwenta yang sinasabi mo" mahabang litanya niya sa akin
Kakatakot ah. Sinunod ko yung sinabi niya na manahimik kaya ayan, ang awkward na naman
"Bakit hindi pa kayo umaalis? Nagtatalo na naman ba kayo?" rinig kong sabi ni Billy
"Ito na paalis na. Bahala ka na sa shop" sabi ko saka ini-start ang sasakyan
Agad naman akong kumaway kay Billy saka kami umalis
Buong byahe tahimik lang kaming dalawa. As what she said, kaya yan, ang pangit tuloy ng atmosphere dito sa loob ng Van
Binaling ko saglit ang tingin sa kanya at pansin kong nakatingin lang siya sa labas, agad ko din namang binaling ang tingin sa daan saka nagfocus
Malayo sa shop ang Casa De Viga, ito ang venue kung saan gaganapin ang Debut. Out of Manila kasi ang Casa na ito. It took a 1 and a half hour bago kami makarating dun
It's already 1 PM in the afternoon, kasi 5 PM onwards naman ang Debut pero kailangang dalian pa rin namin ang pagpunta rito
"Hindi ka ba nagugutom? May gusto ka bang bilhin or what?" I said without looking at her
Ay shocks! Nakalimutan ko, iritable pala itong si Jaki. Nagsalita na naman ako. Aish! Hahaha
Pansin ko naman na nilabas niya ang snacks from her bag. Cupcake? Mabubusog kaya siya?
"Mabubusog ka ba dyan? Hay naku" saad ko
"Ano bang pakialam mo? Naglunch naman ako bago tayo umalis sa shop. Concern ka na n'yan?" sagot nito
[ Ehem Viceral. Napaghahalataan ka talaga. Kalma ka lang kasi, hayaan mo muna siya ]
"Malamang concern ako sa'yo, empleyado kita, mamaya kung anong sabihin ng mga tao na hindi kita binibigyan ng time para kumain. Paano kung magkasakit ka? Kargo ng shop yun" sabi ko
BINABASA MO ANG
Malay Mo, Tayo Hanggang Dulo
FanfictionSabi nila, kapag mahal mo ang isang tao handa kang gawin ang lahat. Pero paano kung ang taong gusto mo ay matigas ang puso at ayaw aminin ang totoong nararamdaman para sa iyo? Ano ang gagawin mo? Mamahalin mo pa rin ba siya? And what if you try, bak...