Chapter 14

1.8K 36 3
                                    

COME BACK HOME



                         Chapter 14


Sa  wakas dumating na din si Bryce ngunit di ito nag-iisa. Nakangiting karga karga nito sa mga bisig ang bunsong anak Kay Santina habang naglalakad palapit sa kanilang mesa.
Samantalang hawak nman ni Santina ang panganay nitong anak na nakasunod Kay Bryce.

May nakapagkit na magandang ngiti sa mga labi ng babae. At lalo pang lumaki ang ngiti ng babae ng batiin iyon ng mga nadaanang waiters ng hotel.

Parehong nakasuot ng red ball dress at black sandal ang dalawang batang babae.
Nakapony tail ang bunso at nakabun nman ang panganay. Kapwa may suot na mamahaling alahas sa tainga,leeg at sa kamay ang mga ito. At ang nanay ng dalawa ay nakapostura ng pang first lady. May mamahaling bag sa kamay na hawak. At akala mo ay tila prinsesa ito kung makapaglakad at to do ngiti pa.

Playing the real wife of the man in front of her. At lahat ay napatingin ng may respeto sa babae. Kaya lalong lumaki ang ulo nito habang naglalakad.

Feel na feel na talaga nito na asawa sya ni Bryce!

Ang lahat ng iyon ay inihanda ng babae para ipakita kay Katheirain kung anu na ang narating nitong estado sa buhay ni Bryce.

Kailangan bang ibalandra  iyon ng babae sa pagmumukha ni Katheirain? Na she's been living off well under Bryce care? Kung meron man ito nais ipahatid sa kanya well, di apektado si Katheirain rito. Kung anuman ang drama ng babae wala itong mahihita sa kanya.

What did she expect?wika ng isang bahagi ng isipan nya.
Of course! Knowing Bryce, di nito mapipigilan na dalhin ang extra baggage nito at ibalandra sa harapan nilang maglolo! Sinadya man o Hindi alam ni Katheirain may impact iyon sa matanda! At sya ang nakadama ng hiya sa tagpong iyon instead na Sina Bryce at ang family nito.

Ang ikinaiinis lamang ni Katheirain ay supposed this was her welcomed home dinner! Why bring an outcast here? Are they trying to intimidate her?'saad ng isip nya.

"Hi,mama,papa. Grandma,grandpa. Lolo Marko! It's good you came too!" Masiglang bati ni Bryce sa mga ito sabay lapag sa hawak na anak sa floor. Mabilis naman itong napatakbo sa family ni Bryce at nagpakanlong sa ina ng lalaki.

Masayang kinausap at pinaghahalikan ng mga ito ang apo. Samantalang nakataas kilay lamang at tahimik na nakamasid ang kanyang lolo sa eksena sa kanyang harapan.

Kapwa nasa tabi nito ang kanyang kambal at tahimik na naglalaro ng games sa phone ni Katheirain at ng lolo nya.

Naramdaman nyang lumapit  sa kanyang  kanyang tabi  si bryce at walang babalang hinapit sya nito sa bewang saka sinakop ang medyo napaawang nyang bibig sa kabiglaan. Akmang itutulak nya sana ito ngunit ng makita nyang napatingin sa kanila ang atensyon ng lahat hinayaan na lamang ni Katheirain ang lalaki at sumunod sa agos.

Why not? Tingnan nya lang kung makakaalma si Santina sa public display of affection ni Bryce sa kanya!
He's being so affectionate to her so why would she stop him in front of his mistress eyes!

Nakita nya sa gilid ng kanyang peripheral vision na mabilis tinakpan ni Santina ang mga mata ng kanyang anak. At matalim syang tinitigan.

Lihim na napatawa si Katheirain sa ginawa ng babae.
'How childish!'nawika ng isip nya.

Nakangiti syang pinakawalan ni Bryce matapos itong makuntento sa halik na iginawad sa kanya.
"Honey why you didn't tell me we're having family dinner tonight?" Narinig nyang bulong nito sa kanyang tenga.

Kunot noong napatingin sya rito.
"How would I know?" May sarkasmo sa tinig na wika nya rito.

"They're your family. Shouldn't you're the one to know this first?" Nakataas kilay nyang tanong rito.

"And this was supposed to be my welcome party. Why did you brought an extra?" Inis nyang saad rito.

"What extra? I didn't- oh. " anito ng sa wakas ay makuha nito ang bibig nyang ipahiwatig.

"Sorry, mama ang grandmother insisted on bringing them so don't be angry with me. Its not really my fault this time. Please believed me Katheirain-" taranta nitong wika na mabilis nyang pinatikom ang bibig nito.

"Sssh..." Aniya sabay lahat ng isang daliri sa bibig ng lalaki.
"Don't talk. I'm hungry now. My twins are hungry too. Why don't you ordered now? Hmmm?" Aniya rito pagkatapos mabilis na kinintalan ito ng halik sa labi.

Hinayaan nyang si Bryce ang umorder ng pagkain nila. Dahil alam nyang di napili ang kambal sa pagkain so walang problema kahit anu ang orderin ng lalaki sa kanila.

Nang lahat ay nakaupo na at paang nakapag-order na. Tila walang gap sa dalawang pamilya na nagkwentuhan ang mga ito.

Tahimik lamang na kumain si Katheirain. Dahil mahaba ang mesa nila. Napagitnaan nilang maglolo ang kambal. Samantalang sa tabi nya Naupo si Bryce dahil bakante iyon.
At sumunod sa lalaki ay si Santina na pinili maupo sa tabi din ng lalaki.
Di iyon pinansin ni Katheirain. Hahayaan nya kung saan ito sasaya.
Sa harapan nila Katheirain Naupo ang family ng lalaki katabi ang dalawang bata. Twelve seaters ang mesa nila sa pantay lamang.
Ngunit ng magsidatingan ng pagkain na in order nila doon lang magkaroon ng problema.
Dahil ang in order ni Bryce sa kambal ay fries at nuggets samantalang sa dalawang anak ni Santina ay rice and fried chicken which is di nagustuhan ng panganay na anak ng dalawa.

"I don't want to eat this!" Nakasimangot na reklamo ng batang panganay ng makita ang pagkain nito at ikompara sa pagkain ng dalawang bata sa harap nito.

"Bakit ayaw mo na nito baby girl?" Tanong ng ina ni Bryce.

"Diba ito ang favorite food mo?" Baling nman ng Lola nito na syang umorder ng pagkain ng mga bata.

"I don't like it anymore! I want that foods!" Supladang turo ng bata sa kaharap na pagkain ng kambal ni Katheirain at bahagya pang nagdabog ng paa nito.

Napapahiyang napatingin ang dalawang babae Kay Katheirain. Lihim na nakiusap na ibigay ang pagkaing gusto ng mga ito. At dahil sa komosyon na iyon ay nabaling ang atensyon ng lahat sa kanya.

Sa una kunwari ay di naintindihan ni Katheirain ang bibig ipahiwatig ng dalawang babae at balewala sanang magpapatuloy sa pagsubo. Ngunit laking gulat nya ng magsalita si Santina at walang kagatol gatol syang pinagsabihan nito.

"Katheirain, I hope you won't make it hard for my daughter to have the food of that boy!" Anito sabay turo sa plate ni Adam.
Di agad sumagot si Katheirain kaya nman lihim syang siniko ni Bryce.
Pinanlisikan nya ng mata ang lalaki kaya mabilis itong nagsalita.
"Baby why don't we order another plates of-" Ani ni Bryce na di hinayaan ng na patapusin syang magsalita.

"No!" Sigaw nito na nag-umpisang magwala.

"I want his food!" Nag-iiyak na wika nito.

Nagkatinginan ang mga matatandang lalaki at akmang makikisali na rin ngunit Narinig nilang nagsalita ang batang lalaki na may ari ng pagkain.
"If she likes this she can have it mommy!" Anang maliit na boses Kay Katheirain na matamang napatingin sa ina.
"You sure?" Tanong naman ni Katheirain sa anak.
Di nman sa ayaw nya sanang ibigay iyon gusto nya lamang turuan ng leksyon ang anak ng dalawang taksil!

"Yes! She can have mine mommy." Sagot uli ng anak at iniusog ang Plato palayo rito.
"OK then," tanging nawika ni Kath at sinubuan na lamang nya ng pasta ang bata.
"He can have my daughter's food!" Taas noong wika sa kanya ni Santina. Halatang minamaliit nito ang anak nya.

"Don't bother. Di ko hinahayaang kumain ng pinag-ayawan ng iba ang mga anak ko!" Sinadyang hininaan ni kath ang boses. Dahil tanging para sa kanilang tatlo lamang ang sagot na iyon ni Katheirain ngunit naghatid  iyon ng insulto kay Santina.
Napailing iling ang lolo ni Katheirain ni Hindi man lang kasi nagpasalamat ang mga ito sa ginawa ng apo nya.
'They really have no shame at all!'anito sa sarili.

COME BACK HOME(Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon