Chapter 24

2K 42 0
                                    

COME BACK HOME

Chapter 24

The next day...
Matapos nyang masiguro na maayos na ang mood ng asawa at pwede na nyang maiwanan roon ng nag-iisa ay agad syang nagtungo sa bahay nya.

Alam nyang wala roon si Santina at tanging ang dalawang bata lamang ang naroon kasama ng yaya at kasambahay. Bago sya umalis ay tumawag muna sya roon para masigurong nanduroon ang kanyang sadya.

Sa mga nakalipas na mga araw. Simula ng magmeet at magkausap sila ni Kint ay palagian na ang pag-alis ni Santina kasama ang dalawang bata. At lahat ng iyon ay alam nya dahil lihim nyang pinasundan ang babae sa kanyang private detective.

Talagang siniguro nyang meron syang hawak na pruweba laban sa babae. Syempre Kahit na nanguko si Kint na aayusin nito ang lahat ay ayaw nyang umasa rito. Dahil sangkot ang ina ng mga anak nito at nag Naalala syang baka magbago ang isip nito at maawa sa ina ng dalawang bata.

"Good morning sir." Ang bati sa kanya ng guard ng dumating sya sa gate ng kanyang bahay.

"Whose in there?" Ang mabilis nyang tanong sa guard.

"Ang mga bata po sir. Umalis po si ma'am Santina sandali." Saad nito sa kanya.

"OK thank you manong. Let me know if your ma'am came back." Anita sa usual na tono.

"OK po sir." Anito sa kanya na bahagya pang napabow ng ulo nito.

Nasa play room ang dalawang bata ng pumasok at magtanong sya sa kasambahay na kanyang nakasalubong habang papasok sa loob ng bahay. Kaya nman may pagmamadali syang napatungo roon.

Nadatnan nyang naglalaro ang dalawang bata kasama ang yaya ng mga ito.
"Good morning sir." Mabilis na bati ng yaya ng nakita sya nito sa bungad ng pintuan.
"Go and make some snacks for the kids."utos nya sa Yaya.

"D-daddy..." Ang gulat at bahagyang napautal na saad ng panganay na bata ng mapatingin sa may pintuan dahil sa pagbati ng yaya nito.

May guilty look na nakalarawan sa mukha ng panganay at di ito makatingin ng diretso Kay Bryce. Kaya nman agad na nagsutpetsa si Bryce na may alam na ito. Sa ganoong edad ng bata ay alam nyang nakakaintindi na ito sa mga nangyayari sa kanyang paligid. At alam nyang kinausap na ito Ng ina nito.

Nang mapansin sya ng bunsong kapatid ay agad na napatakbo ito sa kanya ng marinig ang sinabi ng ate nito.

"Daddy! Daddy!" Masayang salubong ng bata sa kanya sabay yakap sa kanyang isang paa.
Kahit ayaw nyang ipakita ang affection nya rito ay di nya maiwasang lumambot Ang loob nya rito dahil likas na malambing ang batang bunso kompara sa ate nito.

Mabilis nya iyong kinarga.
"Why didn't you come home last night daddy?" Inosenteng tanong ng bata sa kanya. Tahimik lamang syang mapatingin sa batang karga nya bago ito ibinaba sa sahig.

"Do you know I was so scared yesterday night. Mommy went out and-" Anito na mabilis na nalapitan ng kapatid at tinakpan ang bibig nito para mahinto ito sa pagsasalita.

"Sheesh Mia! Mommy did not went out! She just talked someone outside that's why she left us in the room!" May galit sa tinig na saway nito sa kapatid.

"But I saw mommy went inside the car!" Protestant nito sa kapatid sabay Napa pout ng bibig nito.

"Mommy did not go out d-daddy..." May pagdadalawang isip na sabi ni Erica sa kanya ngunit di ito makatingin sa kanya ng diretso.

Tila ba napapaisip ito kung anu ang dapat nito itawag sa kanya base sa reaksyong nabasa nya sa mukha ng bata. Alam nyang di ito madaling makakapag sinungaling sa kanya. Kilala nya ang dalawang bata dahil nakasubaybay sya sa paglaki ng mga ito.
Kaya nman para maisawang maasiwa ito ay ipinukos nya na lamang ang atensyon sa kapatid nito.

"What did you do these past few days Mia? Daddy has been very busy in the office." Aniya sa bata na malumanay.

"We went out. Mommy always bring us outside to play daddy!" Excited na kwento nito.

"Really? That's good. Did you behave well while daddy's out?" Tanong nya you rito.

"I did! I did daddy!" Nakangiting saad nito. Nang may bigla itong Naalala.

"You know daddy, whenever we went out to play. There is this big mama(man) who always go with us and talks to my mommy." Sumbong nito na ikinalaki ng mga mata Ng kapatid nito.

"Mia!" Ang napasinghap na sigaw ng bata sa kapatid.

"What are you doing! " galit nitong wika sa kapatid.

"Don't listen to her daddy. Its only Mommy's friend-" mabilis na sabi ni Erica sa kanya na ikinataas nya ng kilay rito kaya lalo syang naghinala.

"No, he is not! " Protesta naman ng bata rito nanapapadyak pa ng paa nito sa sahig.

"And you know daddy,that mama wanted me to call da-" Anito na mabilis pinutol ng kapatid na panganay.
"Mia!" Galit na sigaw ng kapatid sa pangalan ng bunsong kapatid.
"You're so madaldal-"anitong pinutol ni Bryce.

"Let her finish talking Erica." Bigla nyang baling sa bata.

"Are you hiding something from me that's why you trying to interrupt your sister right now?" Tanong nya ng balingan ito. Nakabakas ang galit sa kanyang mukha.

"N-no daddy... I am sorry. I won't do it anymore" Ang sagot nito na may takot na nakalarawan sa mukha ng bata.

"OK Mia. Let's ends our chitchat here. I will do some works in my office. You play with your sister for a while." Pagkasabi noon ay mabilis na syang umalis roon at tinungo ang kanyang study room. Sya nmang pagbalik muli ng yaya dalawang bata.

Ilang sandali pa ay narinig nyang may biglang kumatok sabay bukas ng pinto ng study at hingal na tinawag ang kanyang atensyon.
"S-sir! Ang mga bata, nag-away bigla at parehong may sugat-" Anito na di na hinayaan pa ni Bryce na matapos iyong magsalita.

Malalaki ang mga hakbang na tinungo nya muli ang play room para tingnan ang mangyari sa dalawa.
Nadatnan nya ang malakas na palahaw ng dalawang bata na kapwa may sugat.

Si Erica ay may sugat sa kamay habang si Mia nman ay sa binti.
Di nman malalim Ang sugat scratch lamang dahil sa bubog na galing sa nabasag na salamin sa silid na iyon.

"Daddy....Erica pushed me. And I hurt myself..." Ang umiiyak na sumbong ng bata sa kanya ng nakita sya nito at mabilis na nagpakarga sa kanya.

Para malaman nya kung di malalim ang pinsala ng sugat ay mabilis nyang naipahid ang kanyang panyo na nasa bulsa ng kanyang pants sa sugat ng bata.

"I did not m-mean to pushed h-her! She wanted to take my barbie!" Galit na saad ng kapatid nito.

"Eh,sir....di nman sinasadya ni Erica na itulak si mia-" ang kinakabahan na wika ng yaya sa tabi nya.

"What are you doing go take the first aid kit downstairs!" Baling nya sa yaya na may galit sa tinig kahit alam nyang di nya kadugo ang mga ito ay di nya pa rin maalis na huwag mag-alala sa nangyari sa dalawa.

Pagkaalis ng yaya ay ibinaba nya ang bunso saka napalapit Kay Erica.
"Let me see your wounds" Aniya sa bata ng lapitan ito. Di ito umalis sa kinatatayuan nito. Kaya nman sya na ang napalapit sa bata.
Mabilis nyang ipinahid ang isang bahagi ng panyo na malinis sa sugat nito ng ipakita nito Ang sugat sa kanya.

Nakita nyang daplis lang din iyon galing sa nabasag na salamin ng laruan na aksidenteng na knocked out ni Mia ng itulak sya ng kapatid.
Ilang sandali pa ay dumating ang yaya dala ang box ng medicine.
Agad nyang ibinulsa muli ang panyong hawak saka nilapitan ang yaya.

Di nya akalain na seswertehin sya sa pagpunta rito. Nag-alala sya na mahihirapan syang makakuha ng blood sample ng dalawang bata para ipa DNA. Ngunit luck is on his side ng araw na iyon. Iyon pa nman ang sadya nya sa pagtungo rito. Halos sumakit ang kanyang ulo sa kakaisip kung paano sya makakuha ng blood sample ng dalawang bata na di mapapasin ng yaya. Ayaw nya namang sya mismo ang mag extract noon sa dalawang bata dahil baka biglang bumalik si Santina at mahuli sya nito.
Alam nyang ito rin ang dahilan kaya hanggang sa araw na iyon ay di pa nito naiibigay ang DNA result sa kanya. Kaya para di ito maghinala na alam nya na lahat ay sya na lamang ang gagawa ng paraan para nalaman nya ang totoo.

COME BACK HOME(Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon