Chapter 2

2.7K 40 0
                                    

COME BACK HOME

                      Chapter 2

Matapos mahimasmasan sa kanyang pamimighati mabilis nyang inayos ang sarili saka lumabas ng opisina ng lalaki.
Kahit tila naging malabakal sa bigat ang kanyang mga paa sa paghakbang patungo sa silid ng anak ng husband nya pinilit nyang makarating roon para silipin ang produkto ng pagtataksil nito sa kanya.
'Sana lang maganda ang naging outcome ng produktong gawa ng taksil nyang husband sa babae nito. Para nman worth it ang pagtataksil nito sa kanya!'anang isip nya habang papalapit sa pintuan.
Di nman sa pinagmamalaki nya ang kanyang kagandahan at ang malakas nyang appeal mapalalaki man o babae ngunit talaga nmang maganda sya. Dala lang ng galit nya kasabay ng naapakang pride ang pagdemand nya na maganda pa sa kanya o sa magiging anak nila ang gawang anak ng taksil na asawa.
Nasa lahi  na nila ang may magaganda at malalakas na appeal dahil na din sa mga kanunu-nunuan nila na may foreign bloods.
Maliban sa kanyang kutis na di nman masabing morena di rin maturingang maputi sya. Compared sa talagang mapuputi eh pumapangalawa lamang ang balat nya. Kapag kinumpara nman sa morena eh masasabing maputi sya. In short nasa pagitan sya ng maputi at morena.
   May mahahaba syang pilikmata na talagang natural dahil namana nya iyon sa yumaong Lola sa ama nya na may mahahabang pilantik sa mata. At may kalakihang mata na syang agaw pansin sa kanya. May katangusan din ang kanyang ilong na minana nya sa kanyang lolo sa ina.
   Di man tuwid na tuwid ang kanyang buhok pero di nya iyon ikinalungkot dahil mas gusto nya ang kanyang natural na wavy hair na hanggang sa malapit sa kanyang bewang.
  Nasa average lamang din ang kanyang taas ngunit nagagawan nya nman iyon ng paraan kapag gusto nyang maging matangkad. Dahil isa sa mga nakahiligan nyang kolektahin ay ang mga matataas at stylish na mga sandal at shoes.
  Nakabukas ng malaki ang pintuan ng silid ng anak ng husband nya. Di nya maaatim na sabihing anak nila kundi anak lang ito ng husband nya.
Di sila pinalaki ng kanilang mga mga abuelo's na Basta na lamang  pananahimik sa isang tabi.
   Huminto sya sa mismong entrance ng room nito. Nakita nya ang isang yaya na siguro ay kasamang dumating ng bata roon sa kanila. Bakit ng ba Hindi eh talaga nmang mapera ang kanyang asawa kumpara sa pamilya nila. Pero di ibig sabihin noon na pwede na syang apak apakan ng lalaki at huwag respituhin sa pamamahay nila!
"Yes?" Anang yaya ng bata ng mapansin nito ang presensya nya. Makita nyang napataas pa ang kilay nitong ginuhitan lamang ng lapis na itim! Ayaw nyang maging mukhang mapanghusga ngunit dahil sa kawalan nito ng respeto. Di nya napigilang umalsa ang tinatago nyang pagkasuplada. Yes, suplada talaga sya kapag may nag-po-provoke sa kanya.
Gemini sya at may dalawang attitude ang Gemini na lumalabas depende sa taong kaharap nila.
Nang di sya nagsalita muli itong nagbuka ng bibig nito.
"Are you a guest here in Bryce's house?" Anito sa kanya na tuluyan na syang hinarap nito.
Alam nyang gising ang batang hawak nito kaya hinarap sya nito.
"No." Tipid nyang sagot na nasa tonong tinatamad makipag-usap sa kaharap na babae.
Ganito sya kapag lumalabas ang di kanais-nais nyang attitude. Iyong side ng nga Gemini's na cold and heartless. Nature nya na iyon kapag nasa defensive mode sya.
"And so? Why are you here? I want to clean my niece!" Anitong mukha syang sasakmalin anumang oras.

'Anung tumusok sa puwet nito at ganito na lamang itong makaalma sa kanya?anang isipan nya
'Ah, pamangkin nya pala ang hawak nitong bata. So, that's explained why she's being rude to her. As if nman sasaktan nya ang batang hawak nito Sandaling pumasok sya roon.
"Kung wala ka nmang kailangan dito pwede ba umalis ka na. Nakakadisturbo ang presensya mo rito!" Matalas ang dilang saad nito.
Biglang napataas ang kanyang kilay sa pagtataray nito ng harap harapan.
Wow!sarkastiko nyang sigaw sa isip.
Naman....mabuti kung ganun at ng may mapagbuntunan sya ng inis sa mga taong naririto na syang sisira ng araw nya simula sa araw na iyon nawika nya sa isipan habang napatitig pa din rito.
Nang makitang tumalikod ito at biglang nawala naisip nyang pumasok ang dalawa sa banyo para linisin ang bata.
Di nya napigilan ang sarili ng huwag busisain ang loob ng bagong silid. Di nya alam na mabilis natransform ng husband nya ang silid na iyon para sa anak nito.
Well,marahil matagal na iyong pinaghandaan ng lalaki. Masyado lang talaga syang busy sa school activities kaya di nya napagtuunan ang mga pangyayari sa loob ng kanilang bahay.
Dalawang palapag ang bahay nila. Tatlong silid sa taas at isa sa baba na syang ginawang baby's room ng anak nito.
Baby pink ang kulay ng silid. Mala prinsesa ang team noon. Maliban sa crib nito mayroon na din iyong pangtoddle na bed na may bed curtain na white at light pink na karaniwang nakikita sa mga palace scene sa drama.
May isang malaking built in cabinet na punk ng mga bagong stuffed toys at barbies!
Wow! Talagang ginawa ni Bryce na maging totoong  prinsesa ang anak nito sa labas. Duh,as if may anak ka sa kanya anas nman ng isang bahagi ng isip nya.
Napailing iling sya habang kausap ang sarili.
Nagpatuloy sya sa pag-i-inspect ng silid na iyon.
May Barbie prints itong closet na medyo kalakihan. Di nya na pack a kabbalah and busisain pa ang nilalaman noon baka lalo lamang syang makadama ng panliliit sa sarili. Ayaw nya ng dagdagan pa ang kanyang pasakit dahil di pa sya nagkakaroon ng anak!
Napagpasyahan nyang lisanin na ang silid na iyon dahil lalo lamang iyong nagpapamukha sa katotohanang di sya magkaroon ng anak. At tila lalong sinasagasaan noon ang nalalabi nya pang pride at respeto sa sarili.
"Akala ko umalis ka na ng silid na ito matapos kitang pagsabihang lumabas!" Narinig nyang singhal ng bagong labas na babae.
Mabilis syang napalingon rito. Nasa bungad na sya ng pinto ng maabutan sya nitong nandun pa sa silid.
Tinitigan nya lamang ito ng ilang segundo pagkatapos mabilis syang  umalis at tinungo ang kanyang silid.

COME BACK HOME(Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon