Chapter 10

556 14 0
                                    

10

Naiwan akong mag-isa sa loob ng Cafe. Pagsamantalang nag close muna sila dahil sa kaguluhang naganap. Mila left me here. Pinatawag daw siya ni Ian. And yes, hindi ako kasama. It's ok though, alam ko namang mas magagabayan at mapagsasabihan siya ng maayos ni Mila.

"Grabi no? Sino kaya 'yong lalaking sinuntok ni Sir Ian? Gwapo pa naman sana kaso mukhang malaki atraso sa pamilyang Monzato." rinig kong sabi ng isang waitress.

"Ay nako, baka ang lalaki ding 'yon ang dahilan kong ba't biglaang umalis si Miss Ophe dito." pagkontra naman ng isa pang waiter.

"Korek! Hindi naman nang-iiwan si Miss Ophe kong hindi sa malalim na dahilan." sabat ng isa pa.

I sighed hearing their thoughts. Tama sila. Hindi basta bastang mang-iiwan si Ophelia sa mababaw na rason.

There's really a part in our life that we need to leave the people we used to be with in able to have the peacefulness we want. And that's what Ophelia did.

Alam kong labag sa loob din para kay Ophe ang pag-alis niya, ngunit hindi natin mapipilit ang isang tao na manatili para sa kagustuhan 'lang' natin.

Napabalikwas ako sa pag upo ng may humawak sa aking bewang. Handa ko nang buhusan ng juice na hawak ko ngunit hindi natuloy ng malaman kong sino iyon. Ilas' tired face leaned on my shoulder.

"Did you wait? Asan si Mila?" nahinahong tanong niya.

"Pinapasok ni Ian sa loob, mag-uusap siguro sila."

"Without you?"

Tumango ako "hmm, Mila can handle it. I'm not good at advices kaya wala din siguro akong ambag doon."

"Kumain kana?" tumango ako ulit. "I'm sorry, natagalan ako dahil hinatid ko pa si Rette sa kanila. Your friend is a good puncher." he chuckled huskily.

Nakikiliti ako sa hininga niya sa aking balikat. At mas lalong tumindig ang balahibo ng halikan niya iyon.

"I'm still not your boyfriend but I hate it when you're exposing your shoulders to anyone."

Nagulat ako sa sinabi niya.

"What's wrong with it? Pangit ba balikat ko?" nagtatakang tanong ko.

"If I would say yes. Will you stop wearing this kind of tops?"

Hinampas ko ang braso niya. Grabi naman. It's not the first time I wear this kind of tops at pinupuri ako ngayon lahat dahil daw maputi at tama lang ang balikat ko.

"I'm beautiful wearing this kind of tops!" pag dedepensa ko sa sarili.

"Yes you are, kahit ano pang suotin mo maganda ka. But this is too exposing."

"Edi tumigil ka sa panliligaw mo. I am comfortable when I wear this. At diba sabi mo hindi pa kita boyfriend? Kaya wala ka pang karapatang pagsabihan ako sa gusto ko."

"Then make me your boyfriend now. Para may karapatan na akong pagsabihan ka sa mga gusto mo." he said imitating my voice.

Marahang sinampal ko ang kaniyang pisngi. Nang-iinis kasi eh! May pagayagaya pa sa sinabi ko.

The Doctors Undiscovered Child (The Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon