Chapter 22

426 11 0
                                    

22

Sa mga sumunod na mga araw ay hindi ako nagkamaling hindi titigil ang taong iyon. Gaya ng una ay masasarap din ang mga pagkaing pinapadala niya. Pinagsasabihan ko din si Manong Nan na kung pwede ay pag-antayin niya ito at haharapin ko ngunit tumatanggi. Ganon ang eksenang gumaganap sa loob ng limang buwan. But I don't have any chance to know who sent me that foods.

Seven months of being pregnant is getting harder, dati ay maliit palang siya pero ngayon ay parang lobo na ipinasok sa aking tiyan. Araw-araw na din akong nakakaramdam ng pagkainis at si Loren ang palaging tumatanggap non.

"What? Sabing wag mo akong sunduin mamaya! Ayokong makita pagmumukha mo!" singhal ko sa kaniya. Today is Nika's Birthday at invited kami sa kunting handaan nila. Loren keep on asking me kong anong oras ako uuwi kaya ayun nainis lang ako sa kaniya.

He chuckled. "Chill, Ence. Sa susunod na buwan pa tayo luluwas ng Maynila at baka mapaaga tayo."

After he mentioned that biglang nakaramdam ko ng hindi maganda. I don't want to come back to Manila because the memories I left there is still fresh. Lahat ng sakit na nararamdaman ko ay naiwan ko doon. How can I come back if all I would feel is pain? I missed Mommy and Paps too pero hindi ko parin tanggap hanggang ngayon ang mga sinabi nila. At nag-aalala din ako sa magiging kapakanan ng anak ko.

"Wala na bang ibang lugar?"

"You'll be safe there, wag kang mag-alala Ence. Hindi ka lalabas sa condo kapag hindi mo pa due, ok? Don't think of it much."

Mila said na ok daw pag doon na ako manganak para hindi mahirap para sa kaniya. And also the equipments are complete there. Hindi na din ako nagreklamo pa basta't safe lang ang magiging anak ko. It's not impossible that I won't see him there since iisang lugar nanaman ulit ang iikutan namin. Sana lang ay wag na niya akong guluhin pa.

Lumabas ako sa sasakyan ni Loren at tumungo sa bahay nila Manong Nan, pagdating ko doon ay sinalubong agad ako ni Iya na may hawak ng plato sa kamay.

"Where's Nika?" I asked.

"Nandoon, sa loob, kanina kapa nga hinahanap. Pumasok kana at samahan akong kumain dito." sagot niya at naglakad papalapit sa bakanteng mesa para kumain.

I walked towards the door and readied myself to greet Nika.

"Ate Ence!" tumatakbong sigaw ni Nika sa pagsalubong sa akin.

"Happy Birthday, Nika!" I said and gave her the gift from me and also from Loren. Hindi siya sumama dahil may gagawin daw siya sa bahay. He's here the whole five months so dito niya na dinadala ang trabaho at ipapadala nalang sa pamamagitan ng internet.

"Bakit po dalawang paper bag?" kuryusong tanong niya.

"The other one is from Kuya Loren, baby." ngumiti ako ng matamis at pinasadahan ang pag hawak sa kaniyang buhok.

"Ate?" tawag niya sa akin. "Si Kuya Loren po ba ang father ng baby sa tummy niyo?"

Muling natawa ako sa tanong niya. Hinila ko siya ng marahan at naupo kami sa bakanteng upuan. "No, Nika. Do you want me to tell you who's the father of my baby?" tumango naman siya sa akin at umupo ng tuwid na parang gustong-gustong makinig sa akin.

"Ok, first, he's handsome and rich. Una naming pagkakilala ay dahil sa kaibigan ko, I don't know why but the next day naging driver ko siya." natatawang pagsabi ko, "then after non ay sinundo niya ako sa school ng nagabihan ako, hindi ko inaasahan na siya ang makakatulong sa akin sa mga oras na iyon."

"He's like batmam po? Your hero?" she asked that make me chuckled.

"I don't think so, he doesn't look like batman, he's more handsome, baby. But yeah, I can say that he's my hero because he saves me from sadness and dark, but only... in that time."

The Doctors Undiscovered Child (The Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon