3

13 2 0
                                    

Isang linggo ng lumipas isinasali na ang mga kaibigan ng pinsan ni Melvin sa barkada at group chat namin. Pero ako ay laging umiiwas o nag wawalkout tuwing sumasama sila samin tuwing recess o lunch time.

Kaya isang gabi ng linggo ay nagulat ng nainis nalang ako bigla ng nabasa ko ang tanong ni Ashley sa group chat. Nainis lang naman ako dahil tinawag niya akong "kuya" sa gc namin.

"Bakit laging nagwawalkout si Kuya Marc?" - Ashley.

"Tanongin mo nalang siya pag nakita kayong dalawa sa paaralan." - Melvin

"Natatakot kasi ako kay kuya Marc ehhh... Di ko kayang lumapit sa kanya." - Ashley

Kaya noong di ko na kayang kimkimin ang inis ko ay nagsend ako ng message sa gc namin.

"Ashley Sofia Martinez, I'm not your brother so don't try to call me KUYA again. Understand?"

"Himala! Ang seener nag message sa gc natin guys, Pero ba't parang wala sa mood?" - Melvin

"Mabuti pa si Ashley minention nya." - Jeric

"Sorry, Marc." - Ashley

"Ganyan ba talaga si uhmm... Marc?" - Ghen

"Hala ba't nagsosory si Ashley? Wala namang masama sa pagtawag sayo na kuya ahhh..." - Troy

"Okay lang naman, Kuya Troy." - Ashley

"Troy Alam mo naman na kapatid na ang turing niya kay Cassy diba at siya lang ang babae na maaring tumawag sa kanya ng kuya." - Calvin

"Wag nyo na ungkatin ang nakaraan mahirap na baka maging emosyonal na naman Yan. Si Cassy lang Ang maaring tumawag sa kanya niyan so don't event try again." - Melvin

"Ayyy... Di parin pala nakakapag move on kaya ganyan. Ilang taon na pala niya yung gusto si Cassy?" - Chloe

"Hindi niya gusto pero siya lang ang babaeng itinuring niya na parang kapatid. Simula pagkabata hanggang ngayon kaya lang natakot siya na baka makalimutan siya dahil pinatransfer si Cassy upang masamahang magpagamot ang kanyang ina." - Melvin

"Kailan pala siya pinatransfer?" -  Xyle.

"Noong nakaraang apat o limang taon na Ang nakakaran." -  Calvin.

"Wow meron pa palang ganyang tao sa Mundo? Kahit Hindi niya kadugo? Sana pala siya nalang naging kuya ko." - Kath

"Kung ayaw niyo pang matusta dahan - dahan sa inyong mga salitang binibitawan." - Troy

"Bakit magmomove on? Hoy tinuring Kong kapatid pero di ko naman inibig. Pero minahal ko siya na parang kapatid kaya wag niyo siyang madamay damay dito mga walang alam."

Pagkatapos ko sa kanilang nagmessage ng di ko napigilan ang sarili dahil ipinaalala na naman niya sakin ang tinuring kong kapatid noon. Kahit Hindi kami masyadong nagco communicate ay mahal ko parin siya bilang kapatid.

FondnessWhere stories live. Discover now