2

15 2 0
                                    

Ito ang unang araw ng balik eskwela na nakakatamad gawin. Kay hirap panatilihing masigla ang katawan kakapasok sa paaralan ng maaga. Nakakatamad man pero kailangan ko paring mag aral dahil para rin naman ito sa aking kinabukasan.

Bigla nalang akong natigil sa aking ginagawa ng hablutin ni Melvin ang aking earphones sabay upo sa upuang nasa tabi ko at nagtanong.

"Anong drama mo?"tanong niya sakin habang nakakunot ang noo.

Napa "tss" nalang ako sa kanya habang inilalagay Ang earphones at cellphone ko sa bulsa.

"Ano nakita muna siya? Maganda diba?diba?"tanong niya sakin sabay ngisi.

"Sino?"tanong ko na parang naguguluhan.

"Si Ash-"di ko na siya pinatapos dahil ako na ang nagpatuloy sa kanyang sinasabi.

"Si Ashley kamo pangit yun di ko nalang tiningnan Sayang ang oras ko."Sabi ko sabay tingin sa kisame.

"Ganito nalang pustahan tayo pagmaganda panalo ako pag hindi talo ako, game?"Sabi niya na nakaagaw sa aking atensyon. Kaya nilingon ko siya sandali para tignan ang kanyang mukha.

"Ano naman ang ipupusta ko?"tanong ko sa kanya habang naka kunot ang aking noo.

"Simple lang pag ako nanalo kailangan gusto ko ang masusunod, pag ikaw naman syempre ikaw ang masususnod ano game?"tanong niya habang nakangisi sa akin na parang may plinaplanong kakaiba.

"Ba't ba bigay na bigay ka sa babaeng yan?" tanong ko na parang nakucurious.

"Syempre manok ko yun kaya ibibigay ko lahat manalo lang siya at saka maganda naman talaga siya ahhhh... Hindi cute pala ahhh.... Hindi iwan ko, basta sigurado na ako sa pusta ko."sabi niya na parang naguguluhan.

"Pano kung ayaw ko?"tanong ko habang inililibot ang paningin sa silid.

"Edi sa ganong sitwasyon ay tanggap mo nga na maganda siya ouuhhh... Ano?"Sabi niya na parang naghahamon.

Eeehhh... Ako naman kasi itong may mataas na pride. Di ako maaring magpakumbaba kahit kanino. Di ako nagpapatalo kahit kanino palagi.

"Sige na nga basta pag ako nanalo kailangan mo makahanap ng babaeng tipo ko, deal?"Sabi ko sabay angat ng aking kanang kamay.

"Deal basta pag ako nanalo wala ka nang kailangang gawin kundi ilibre mo kami ng barkada sa snacks, lunch at snacks ulit."Sabi niya sabay tanggap sa kamay ko.

"Yun lang?"tanong ko sa kanya habang tinititigan siyang mabuti.

"Ouhhh... Narinig niyo yun ahhh... Witness kayong sampu sa pustahan namin."Sabi niya sabay tingin sa barkada na di ko namamalayang nandyan na pala sa tabi niya at nakikinig.

"Oo naman kasali naman kami sa libre pag nanalo ka, diba?"Sagot ni Troy Kay Melvin.

Si Troy ang joker sa barkada namin. Siya ay may matangos na ilong, mapupulang labi, at medyo brown na kulay ng buhok. Siya palagi Ang nangunguna sa pagpapatawa sa amin. Siya palagi ang nakapagpapagaan ng loob namin. Siya ay gumagawa ng nakakatawang bagay kahit na maraming makakakita sa gagawin niya. Siya ay isa ring matalino at masipag na estudyante.

"Teka nga, Sino ba ang pinagpupustahan ninyong dalawa?"tanong ni Calvin sa aming dalawa.

Si Calvin naman ay ang seryuso at medyo pilosopo sa barkada. Siya ay medyo maitim, may pinkish red lips, at ang kanyang buhok na itim ay may mga puti na rin. Siya ay ang laging nangunguna sa pamimilosopo sa mga tanong at sagot samin. Siya rin ang taga basag ng mga kalokohan ng barkada na ikanakasaya namin.

FondnessWhere stories live. Discover now