4

14 2 0
                                    

Matapos ang nangyari sa clinic mas naging malapit pa siya sa akin. Kaya lang di ko naman kayang maging ganoon sa kanya. Ayaw kong malaman niya ang aking sekreto.

Ayaw ko kasi dahil madali lang kasi akong  mahulog sa babaeng nagiging malapit sa akin. Di ko kasi kayang pigilan ang aking damdamin na mahulog sa oras na nagsimula ito.

Kaya simula ng araw na iyon naging mailap na ako sa kaniya. Napansin naman ng mga kaibigan ko ang ginagawa ko pero naiintindihan naman nila. Si Ashley naman panay lapit sakin at nagtatanong kung anong nangyari sakin.

"Leon, galit ka ba sa akin? May nagawa ba akong masama sayo?"tanong niya sa akin habang nakasunod sa aking naglalakad sa canteen papunta sa table namin.

"Leon naman ehhh... Nagdadrama ka Lang naman diba? Pinaprank mo ba ako?"tanong niya sabay ngisi ng di ko siya sinagot sa una niyang tanong.

"Wala sa dalawa."maikli kong sagot. Saka umupo sa upuan dahil nauna ako ngayon at nakabuntot sakin si Ashley.

"Eh ano ba kasi dahil naguguluhan na ako sa mga ginagawa mo. Sagotin mo naman ng maayos ang mga tanong ko sayo."Sabi niya pagkatapos ay ngumuso sabay upo sa upuang nasa harapan ko.

"Gusto mo talaga malaman?"Sabi ko sa kanya habang tinitigan ko siya sa kanyang mga mata.

"Oo, gusto."Sabi niya sabay yuko.

"Well, it's because I'm weak."Sabi ko sa kanya habang tinitigan ko siya ng seryoso.

"Yun Lang?"tanong niya sabay angat ng tingin.

"Takot ako kaya ko ginagawa ko sayo ang mga bagay na iyon."Sabi ko sabay yuko at kamot saking ulo.

"Saan ka takot? Di naman ako nangangain ng tao ahh..."Sabi niya sakin habang may ngiti sa kanyang mga labi.

"Basta sakin nalang yun. So ano di pa ba tayo oorder?"tanong ko sa kanya sabay angat ng aking tingin.

"Kung di mo sasabihin sa akin iisipin kong takot kang mahulog sakin."Sabi niya sabay ngiti ng napakatamis.

"Sus, Kung alam mo-"Hindi na natapos ni Melvin ang kanyang sasabihin na kakarating lang at sasagot pa sana dahil nagsalita na agad ako. Hindi ko na namalayang dumating na pala ang mga kaibigan ko at kaibigan niya sa mesa namin.

"Vin paki orderan mo naman ako at si Ashley ng pagkain at inumin, isali mo na rin yung sayo sa babayaran ko libre ko sayo. Pwede ba?" Sabay bigay ko sa kanya ng pera. Tango Lang ang naging sagot niya at umalis kasama ang iba tiningnan ko namang umalis sila.

"Di naman ako ganito dati pero ngayon feel ko nagbago na ako dahil sayo. Simula ng maging kaibigan kita."Sabi ni Ashley ng maiwan kaming dalawa sa mesa kaya napalingon ako sa kanya.

"Bakit ayaw mo ba sa akin?"tanong ko sa kanya kaya napapikit siya at napakamot sa kanyang noo.

"Hindi naman sa ganoon gustong gusto ko nga pero di-"di siya nagtapos nagsalita dahil nagtanong muli ako sa kanya.

"So may gusto ka sakin o gusto mong  tayo na?" tanong ko sa kanya habang nakatitig sa kanya. Namula naman ang kanyang mukha kaya nag iwas siya ng tingin. Di naman ako ganito ka straight noon kung magtanong bakit parang ramdam kong naging aggressive na ako sa kanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 23, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

FondnessWhere stories live. Discover now