1

20 3 0
                                    


"Marc" maligayang tawag sakin ni Melvin habang naka upo ako sa baybayin.

Si Melvin Villegas ay ang aking bestfriend na maputi, matalino, makulit, mabait, gwapo, at higit sa lahat maingay.

Habang papalapit siya sa akin nilingon ko siya ng naka pokerface at itinaas ang kilay sa kanya. Nang nakalapit siya sa akin tinanaw niya muna ang dagat bago nagsalita.

"Anong ginanawa mo rito at mag isa kalang?" tanong niya habang naka ngisi.

Ibinalik ko ang aking paningin sa dagat dahil sa tanong niya at di na umimik.

"May gusto sana akong ipa add sayo sa fb." Sabi niya ng naka ngisi parin.

"Sino at bakit na naman?" Alam ko na kasi ang mga ganitong style niya, hinahanapan Lang ako ng loko ng jowa baka daw maubosan ako.

Bawat babaeng ini rerefer niya sa akin ay ini istalk ko ang account gamit ang pangalawang account ko. Sa tuwing di ko magustuhan sasabihan ko nalang siyang "study first muna ako."

"Si Ashley Martinez sana, maganda, mabait, at maputi. Transferee sa darating na pasokan kung gusto mo Lang naman." sabi niya at umupo sa tabi ko.

"San galing?" malamig kong sabi.

" Sa siyudad dito na raw mag aaral." Sagot niya habang pinapagpag ang kanyang mga kamay.

"Bakit?" Tanong Kong nako curious bakit dito siya mag aaral samantalang maganda sa siyudad.

"Anong bakit?"balik tanong niya sakin

"Bakit dito siya mag - aaral?"

" Aba't di ko alam malay ko ba. Sa lahat ng babaeng ipinapakilala ko sayo sa kanya kalang matanong. Bakit tanong ka nang tanong gusto mo?"tanong niyang may halong panunuya.

"Tss. Study first ulol." Sabi ko sabay hampas sa kanyang kanang balikat.

"Hahaha biro lang pero baka magkagusto ka talaga pag nakita mo na o baka ma love at first sight ka hahaha. Sa kagandahan at hubog ng katawan ba naman sinong lalaki ang hindi makakagusto sa kanya?" Sabi niya na parang nangungumbinsi at parang tuwang tuwa siya.

"Ako, maiinlove nakalimutan mo siguro lahat ng babaeng ipinakilala mo sakin di ko gusto." Sabi ko ng nahihimigan ang iritasyon.

"Pag ikaw tinamaan ng pana ni kupido iwan ko nalang sayo. Pero dapat pag natamaan ka ilibre mo na ako dahil ako ang nagpakilala ng tumama sayo. Pero malabo na siguro ikaw ba naman ang manhid at pusong bato? Pero Kung ma inlove ka ulit anong gagawin mo? Di ka pa normal kung umibig." Sabi niya na parang nag iisip ng mga mangyayari.

"Simple lang gagawin ko edi sisihin ka ba't mo kasi siya ipinakilala sakin kilala mo na ako." Biro ko sa kanya.

"Kalma lang e add mo nalang mamaya Kung sakaling gusto mo hahaha..."Sabi niya na ipinagdiinan ang salitang "gusto" at ngumisi ng nakakaloko.

"Sge na uuwi na ako baka hinahanap na ako sa bahay at magreready na para sa nalalapit na pasukan." Sabi ko nang tuluyan akong makatayo pero bago pa ako makatalikod ay nagsalita siya.

FondnessWhere stories live. Discover now