MADISON QUEL HERNANDEZ
"GOOD Afternoon po ma'am. This way po." Matamis na ngiti ang sinagot ko sa babae na nasa unahan ko ngayon. Pero ang mga ngiti na iyon ay hindi para sa kanya kundi para sa bags at shoes na nakikita ko ngayon.
Ang mga iyon ang dahilan ng pagiging maganda ng mood ko sa araw na ito. Hindi na ako makapaghintay na makuha ako ang mga bangong design na bag at sapatos na nakikita ko.
Pumunta kami sa VIP room ng store na iyon, ng makapasok sa loob ay inilapag ko sa leather na sofa ang dala kong Gucci bag na wala pa yatang tatlong beses kong nagamit.
Humarap ako sa staff at kaagad naman itong kumilos. Alam na nito ang mga gusto ko at kung ano ang gagawin. Kaya nakangiting hinintay ko na lang ang pagbabalik nito sa loob ng silid.
At wala pang dalawang minuto ay nakabalik na nga ito kasama ang isa pang Staff. Bitbit ng mga ito ang lalong magpapaganda ng mood ko.
Isa isang inilapag ng staff ang mga bag at shoes na kaagad kong nilapitan at dinampian ng aking hintuturo. Napakagaganda nilang tignan nakakagaan ng pakiramdam. Pakiramdam ko ay buo na ang araw ko dahil sa mga ito.
"Miss, Ito po mga limited Edition po." Itinuro nito ang limang bag na nasa gitna at talaga namang kuminang ang aking mga mata. "Wala pa po kaming napagbebentahan ng mga bagong Limited Edition brand po na dumating."
"I'll get it." Nakangiting sagot ko dito habang tinitignan ang isa sa mga bag na tinuro nito. Itinaas ko iyon at itinapat sa liwanag napakaganda talaga at halos perpekto ang pagkakagawa.
"Lahat po ito Miss?"
"Of course." Nilingon ko ito saglit saka muling dumampot ng isa pang bag at katulad kanina ay tinitigan ko din iyon. Nakatayo pa din ang Staff sa tabi ko at nakamasid sa akin kaya nilingon ko na ito.
"Just take my card from the bag." Utos ko dito dahil hindi pa ako tapos tignan ang lahat ng nandoon.
"Po?" Nanlaki ang mga mata nito kaya natawa ako.
"Alam ko kung anong laman ng bag ko. Kaya kung may kukunin kang iba malalaman ko." Nakangising sabi ko at parang mas lalo naman itong nagulat. "Nasa Gucci na wallet ang card ko." Pagkasabi noon ay muli kong binalingan ang mga bag.
Kaagad namang kumilos ang staff dahil umalis na ito sa tabi ko. Ipinagpatuloy ko lang ang ginagawa hanggang sa matapos ako sa mga bag. Sinunod ko ang mga sapatos at isa isang sinukat ang mga iyon. Lahat ay sakto sa paa ko. Kaya mas lalo gumanda ang mood ko.
Pakiramdam ko ay ako na ang pinaka- maswerteng tao sa mundo dahil nagagawa ko ang lahat ng gusto ko. Nabibili ko ang lahat ng magustuhan ko at kaya kong bilhin kahit na magkano pa ang mga iyon.
Anak lang naman ako ng isa sa mayamang tao sa Bansa. May iba't ibang negosyo ang daddy at mommy ko. Mula sa maliliit na negosyo hanggang sa ilang naglalakihang mga five star hotel sa bansa ay pag-aari namin. Lumaki ako na nakukuha ang lahat ng kahit na anong magustuhan ko. Lahat ay binibigay ng mga magulang ko basta alam nilang magpapasaya sa akin.
Nagiisang anak nila ako kaya lahat ng hilingin ko ay binibigay nila para maging masaya ako. Sa edad na bente tres ay kumpleto na ako. May sariling mansyon at mga sasakyan. Regalo iyon ng parents ko ng magtapos ako ng kolehiyo sa America.
Hindi ako ganoon katalino pero hindi ko naranasang bumagsak at magloko sa pag-aaral. Palaging sinasabi ng mga magulang ko na lahat ng gusto ko ay ibibigay nila basta pagbutihin ko ang pag-aaral ko. Kaya iyon ang ginawa ko.
Palagi din akong tinatakot noon ni Daddy na kapag bumagsak ako ay ipapatapon niya ako sa isang school na pang publiko. Dahil sa takot ay mas lalo akong nag-aral at sinikap na wag makakuha ng bagsak.
BINABASA MO ANG
PUNISHMENT and LOVE
RomanceIsang tagapagmana at lumaking parang prinsesa si Madison Hernandez na nabibili ang lahat ng gustohin niya, pero dahil sa isang video ay pinarusahan siya ng kanyang mga magulang para matuto ng mga bagay na hindi niya nakasanayan gawin. Pero ang hind...