MADISON POV
Para akong nakalutang sa ere sa mga nangyayari. Nakasakay ako ngayon sa sasakyan ko at ito na ang huling pagsakay ko dito ngayon dahil kukunin na ito ng driver mamaya pabalik sa bahay.
Papunta kami ngayon ni yaya sa bahay na gagamitin ko habang nagtatrabaho ako bilang staff sa isang naming restaurant. Isa iyon sa mga gusto ni daddy ang tumira ako sa bahay ng ako lang at walang kasama na kahit na sino. Walang sasakyan at walang mga mamahaling gamit. Tatlong bag, cellphone at ang laptop ko lang ang pinadala nito. Kaunting damit ko lang din ang dinala ko na wala pa sa kalahati ng laman ng walking closet ko. At halos mga ordinaryo na damit lang iyon.
Mahigpit ang bilin ni daddy na walang pwedeng makaalam kung sino ako dahil kapag nagyari iyon ay lilipat ako sa ibang lugar at uulit mula sa umpisa. Hanggang sa makapasa ako bilang regular na empleyado. Mas madadagdagan ang anim na buwan kaya kailangan ko daw ayusin.
Nakatanaw ako sa bintana at tahimik na iniisip kung saan ako maguumpisa bukas. Alam ko na ang lugar na pupuntahan ko pero hindi ko alam kung paano ako makakapunta doon. Hindi ako marunong sumakay ng bus or kahit na anong pampublikong sasakyan. Napapabuntong hininga na pumikit ako sa inis. Wala na talaga akong magagawa para hindi matuloy ito.
Huminto ang sasakyan sa tapat ng isang maliit na bahay walang ikalawang palapag ang bahay at mukhang pang isang tao lang talaga.
Napalingon ako sa palagid ng lugar ng lumabas ako sa sasakyan maayos naman ang lugar at dahil nga gabi na ay wala na din akong masyadong nakitang tao. Simpleng subdivision lang ang lugar na iyon at dikit dikit ang bahay.
Kaagad na tumuloy si yaya dala ang ibang gamit ko. Ang driver naman ang nagbitbit ng iba pa. Si yaya ang may hawak ng susi kaya siya ang naunang pumasok sa bahay.
Nanlaki ang mga mata ko ng makapasok sa loob. Katulad nga ng sinabi ni daddy at mommy. Maayos na ang bahay, at hindi lang basta maayos maganda ang loob ng bahay kumpleto sa gamit na alam kong mamahalin din. Hindi mo aakalain na ganoon ang itsura ng loob ng bahay kapag tinignan mo ito mula sa labas. Para itong isang studio type na yunit sa isang condo. May glass division lang na naghihiwalay sa sala at saka sa maliit na silid kung saan nandoon ang kama at cabinet.
"Nakita mo na Maddy hindi ka talaga matitiis ng mommy at daddy mo. Napakaganda nitong bahay mo." Dumiretso ito sa silid kaya sinundan niya ito.
"Kung hindi nila ako matiis bakit hahayaan nila akong tumira dito mag-isa yaya?" Malungkot na tanong niya saka naupo sa kama.
"Hija para sayo din ang ginagawa ng mga magulang mo gusto ka lang nilang matuto." Napabuntong hininga siya sa narinig.
"I don't get it yaya. I think magsasayang lang ako ng anim na buwan sa pinagagawa nila. Sana nagenrole na lang ako sa university, doon siguradong may matutunan ako kesa sa pagiging staff."
"Maddy. Nasasabi mo lang iyan ngayon dahil wala ka pa doon. Once na maenjoy mo at makabisado ang mga ginagawa doon saka mo pa lang malalaman ang mga matutunan mo." Patuloy na pangaral nito pero hindi ko pa din talaga maintindihan.
Nagulat din ito noong una ng malaman ang pinagagawa ng daddy niya sa kanya tumutol pa nga ito dahil daw baka mapahamak siya. Ang akala niya ay makakatulong niya itong makumbinsi ang mga magulang pero kalaunan ay sumang-ayon din.
"Yaya dito ka na lang please... ayokong mag-isa dito yaya." Hinawakan niya ito sa braso habang kunyari ay maiiyak na.
"Maddy alam mong hindi pwede magagalit ang daddy mo." Maslalo siyang sumimangot sa sinabi nito.
"Pero yaya natatakot ako dito."
"Wala kang dapat ikatakot dito safe ang bahay at ang lugar alam mong kapakanan mo ang unang nasa isip ng mga magulang mo kaya gawin mo na lang ang gusto nila at para sa iyo din naman iyon." Hindi na ako nakapagsalita pa at pinagmasdan na lang ang mga ginagawa nito.
BINABASA MO ANG
PUNISHMENT and LOVE
RomansaIsang tagapagmana at lumaking parang prinsesa si Madison Hernandez na nabibili ang lahat ng gustohin niya, pero dahil sa isang video ay pinarusahan siya ng kanyang mga magulang para matuto ng mga bagay na hindi niya nakasanayan gawin. Pero ang hind...