CHAPTER 5

0 0 0
                                    

MADDY POV

Masakit ang katawan ko ng tumayo ako sa kama, dahil sa nagdaang araw. Unang araw pa lang ng training ko ay sobrang parusa na kaagad. Nakakainis talaga ang lalaking iyon.

Siya na ang pinaka nakakainis na Manager na nakilala ko. Sino ba siya sa tingin niya para paghugasin ako ng ganoon kadaming plato. Ni isang kutsara nga ay hindi ko naranasang hugasan sa loob ng bahay ng mga magulang ko. Tapos ito ay pinaghugas ako ng ganoon kadami.

Naiinis pa din siya dito dahil hanggang ngayon ay nararamdaman niya pa din ang pagod sa katawan. Parang hindi na niya kaya pang pumasok.

Naghilamos ako at toothbrush saka ko sinimulang pulutin ang mga nagkalat kong damit. Para ilagay sa washing machine. Closing ang schedule ko kaya may oras pa ako para maglinis ng bahay at magpahinga. Matapos kumain ay matutulog ulit ako dahil maaga pa naman. Gusto kong mawala ang sakit ng katawan ko dahil siguradong paparusahan na naman ako ng manager na iyon.

Nakahiga na akong ulit matapos kumain ng cup noodles. Papikit na sana ako ng sumagi sa isip ko ang istura ng manager na iyon. Kahit na masungit ay aaminin ko na gwapo ito at halatang maganda ang katawan.

Malaki ang katawan na halatang alaga sa exercise. Ang mga mata nito na palaging galit ay itim na itim at bilugan. Matangos ang ilong at manipis na labi. Lalaking lalaki din ang malaking boses nito lalo na kapag galit.

Pero hindi niya makuhang humanga dito dahil sa inis niya. Sobrang nakakainis talaga ito lalo na kapag inuutusan siya. Itinigil niya ang pagiisip dito at saka pumikit kailangan niyang mag recharged ng sarili.

"Wow. Grabe ang unfair naman. Bakit iba ang dating ng uniform natin ng ikaw na ang may suot Maddy." Bungad sa kanya ni Mayet ng dumating siya sa restaurant. Wala pang masyadong tao kaya hindi pa ganoon kabusy ang ilang staff.

Si Mayet yata ang pinakamatanda sa mga staff na nagpakilala sa kanya kahapon. Ang restaurant na ito ay may labing walong empleyado. Sampung staff limang babae at limang lalaki. Dalawang dishwasher, at tatlong Chef.

Sa pagkakatanda niya kahapon ay ito din ang nagpaliwanag sa kanya ng lahat bago siya pumasok sa dishwashing area.

"Oo nga, bakit ganoon? pagdating sayo mukha kang modelo samantalang kami mukhang kasambahay." Sumulpot naman mula sa likod si Dina na siya din kaagad ang nakita. Ito naman ang madalas na marinig niyang magbiro kahapon.

"Hey.. FYI. Kayo lang ang mukhang kasambahay wag niyong nilalahat." Mataray na sabi naman ni Cam. Nakataas na kaagad ang kilay nito na parang may kaaway. Grabe din ang make up na nakalagay sa mukha nito.

"Ohh...Anung meron dito?" Tanong naman ni Jayce ng mapadaan sa amin. "Woww...mukhang may muse na tayo dito sa restaurant." Nakangiting sabi nito ng tignan siya mula ulo hanggang paa.

"Sus.." dinig niyang singhal ni Cam saka umalis.

Hindi niya alam kung paanong magrereact sa mga papuri na naririnig niya. Kung alam lang siguro ng mga ito ang tunay niyang pagkatao ay baka nagyabang na siya na kahit na ano talagang suotin niya ay bumabagay sa kanya. Ang kaso ay hindi niya iyon pwedeng gawin dahil kailangan niyang magpanggap.

Ayaw na niyang may magduda sa kanya katulad kahapon alam niyang muntik na siyang makilala ng dalawang Chef sa loob ng kitchen kahapon. Mabuti na lang at hindi dahil ayaw na niyang maglipat pa ng lugar. Kahit na masungit ang manager ay okay na iyon basta matapos niya ang anim na buwan at maging regular employee.

"Naks nandito na pala ang bago kong beshie. Naunahan mo ako huh, Bagay na bagay sayo ang uniform. Ganda."

Beshie? Napatitig ako kay Joanna dahil sa tinawag nito sa akin. Kahapon pa ito dikit ng dikit at bulong ng bulong sa akin at sinasabi na ako daw ang magiging bago nitong matalik na kaibigan. Napapangiti na lang ako dito dahil ayokong umasa ito na magiging matalik nga kaming magkaibigan.

PUNISHMENT and LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon