CHAPTER 6

0 0 0
                                    

MADDY POV

"Iyan lang ang Lunch mo?" Napaangat ang tingin ko sa lalaking lumapit sa gilid ko. Nakatingin ito sa pagkain kong tinapay na nakapatong sa table. "Mahaba pa ang araw bakit iyan lang ang kinakain mo?" Hindi ko ito sinagot at sa halip ay ipinagpatuloy ko ang ginagawang pagtingin ng mga message sa phone ko.

Mas yumuko pa ako sa table ng umupo ito sa katapat kong silya. Ipinatong nito ang ilang pagkain sa tray ko saka inilapit sa akin.

"Hindi tatagal ang tinapay sa tyan mo lalo na kapag dumami ang mga guest mamaya. Ito ang kainin mo." Mas inilapit pa nito sa akin ang fried Chicken at rice na dala nito. Nasa isang convenience store ako at hindi ko akalain na pumupunta din ito doon. Ilang araw na akong doon nag papalipas ng break time at ngayon ko lang ito nakita doon.

Isa ito sa Chef sa restaurant. Hindi ko matandaan ang pangalan nito dahil bihira ko lang naman itong makausap. Tingin ko ay hindi nagkakalayo ang edad naming dalawa.

Sa ilang araw na lumipas ng pagtatrabaho ko bilang Staff ay parang ito ang madalang kong marinig na magsalita sa restaurant naririnig ko lang din ito kapag pumapasok ako sa kitchen.

Nag-angat ako ng tingin at napatitig dito ng ngumiti ito sa akin. Ang nakikita ko ngayong itsura nito ay malayo sa nakikita ko kapag nasa loob ito ng kitchen at nagluluto. Sa loob ay seryoso ito at hindi mo man lang makikita na ngumiti.

Natatandaan ko din na ito ang isa sa mga Chef na muntik ng makakilala sa akin ng mag umpisa ako.

"Hindi ako kumakain niyan." Prangkang sabi ko dito saka muling tumingin sa cellphone.

"Hindi ka kumakain ng Chicken? Bakit naman? Madaming tao ang paborito ang Chick-"

"Hindi ako kumakain ng mamantikang pagkain." Putol ko sa sinasabi nito saka muli itong tinignan.

"Ahhh." Tumango tango ito saka muling ngumiti. "Kaya pala ganyan kaganda ang katawan mo." Napakunot ang noo ko sa sinabi nito pero hindi ako nagsalita wala naman kasi sa tono nito ang nambabastos.

"Model ka ba?" Muntik na akong matawa sa sinabi nito pero pinigilan ko ang sarili ko. Tumagilid ang ulo nito saka seryosong nag-isip. "Sigurado talaga ako na nakita na kita sa kung saan. Hindi ko lang talaga maalala." Sumandal ito sa upuan saka pinagkrus ang dalawang braso sa harapan saka pumikit.

"Kung Modelo ako siguradong hindi mo makakalimutan kung saan mo ako nakita." Bigla itong dumilat saka kumunot ang noo. Nakaramdam ako ng kaba dahil sa itsura nito ay parang naalala na nito kung saan ako nakita.

"Sa Magazine." Ako naman ang napakunot ang noo sa sinabi nito. "Doon kita nakita, hindi ko nga lang alam kung anung magazine." Nagpeke ako ng tawa pero ang totoo ay kinabahan ako. Mukhang ang Magazine kung saan nagpakuha kami ng family Picture ang tinutukoy nito. Pero sa pagkakatanda ko ay mahigit dalawang taon na iyong nailabas sa market.

"Mukhang nagkakamali ang memorya mo Chef. Hindi ako ang tinutukoy mo. Baka kamukha ko lang." Napasandal ako sa upuan ng biglang ilapit nito ang mukha sa akin saka ako tinitigan.

"Sigurado ako Maddy, at hindi nagkakamali ang ala-ala ko."

"Tsh." Nagkibit balikat lang ako saka kinuha sa tray ang pagkain ko. Inusog ko din sa tapat nito ang dala nitong pagkain. Saka ko sinimulang kainin ang tinapay.

Matapos akong titigan ay saka lang nito kinain ang Fried Chicken. Hindi na ito nagsalita pa pero nararamdaman ko na tinitignan pa din ako nito. Binaliwala ko lang ito at saka inayos ang mga gamit ko ng matapos.

"Bumalik na tayo sa resto. Ayaw ni manager ng late." Aya nito kaya nagpauna na akong maglakad. Ramdam ko pa din ang mga tingin nito kaya binagalan ko para ito ang mauna.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 04, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PUNISHMENT and LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon