CHAPTER 2

0 0 0
                                    

MADISON POV

"Maddy, gumising kana pinapatawag ka ng Daddy at Mommy mo." Pikit pikit ang mga mata na nagtakip ako ng mukha. Madaling araw na akong nakatulog at hindi  pa nakakabawi ng tulog.

"Maddy," tinanggal ni yaya ang nakatakip sa mukha ko kaya nasilaw ako sa liwanag na nagmumula sa bukas na beranda.

"Bakit daw yaya?" Tamad na tamad kong tanong saka naupo sa kama habang nagkakamot ng ulo.

"Hindi ko alam. Basta ang sabi gisingin na daw kita at may paguusapan kayo. Kaya sige na kumilos ka na." Sinimulan nitong ayusin ang kama ko kaya napilitan na akong tumayo. Nagpunta ako sa banyo at nagsipilyo. Matapos noon ay nagsuklay lang ako ng buhok at nagpalit ng damit. Balak kong bumalik sa pagtulog kapag natapos ko na silang makausap.

Nagtungo ako sa office ni Daddy sa bahay. Ang sabi kasi ni yaya ay nandoon daw ang mga ito at umiinom ng kape. Kumatok ako at saka ko pinihit ang doorknob.

"Goodmorning mom, dad." Bati ko matapos humalik sa pisngi ng mga ito. Saka tamad na tamad na naupo sa sofa. Nakatingin lang ang mga ito sa akin at hindi ko maintindihan kung bakit parang pakiramdam ko ay may nagawa akong kasalanan sa mga ito.

Si mommy ay nakaupo sa kabilang sofa habang may hawak na magazine. Si daddy naman ay nasa swivel chair niya na may hawak naman newspaper. Tumayo lang ito at saka lumipat sa sofa sa tabi ni mommy.

Narinig kong bumuntong hininga ito saka iniabot sa akin ang cellphone. Napatitig naman ako dito dahil hindi ko alam kung para saan ang cellphone na binibigay nito. Tumango ito bilang sinyales na kuhanin ko ang phone.

Kaagad na nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang video sa cellphone ni daddy. Video iyon ng pangyayari kahapon pinindot ko ang play botton at hindi nga ako nagkamali may kumuha ng video sa akin kahapon. Buong buo at walang kulang.

Kaagad na dumagsa ang kaba sa dibdib ko para ding nagising ang buong ugat ko dahil sa nakita. Ang kaninang inaantok kong katawan ay parang binuhusan ng malamig na tubig. Napapalunok na humarap ako sa kanila matapos ilapag ang phone.

"Sinong kumuha niya?" Mahinang tanong ko.

"It's that important?" Tanong ni daddy sa seryosong tono.

"Pinapasundan niyo po ba ako?"

"Ofcourse not. Isang kakilala namin ng mommy mo ang kumuha ng video na iyan."

"Napanood niyo naman po diba. Wala akong kasalanan sa nangyari. I did nothing." Kinakabahan ako sa pananahimik ni mommy. Kilala ko ang mommy ko kaya nililingon ko ito. Kakampi ko ito pero kapag may gusto si daddy na hindi nito makontra ay nanahimik ito.

"You did nothing, but what you told to that girl is too much."

"Too much?" napailing siya sa narinig at hindi makapaniwala. "Dad what do you want me to say to her? Thank you, after what she did to me." Iniwasan niyang magtaas ng boses dahil alam niyang lalong magagalit ang mga ito.

"Madison, its an accident you don't need to react like that." Galit na sabi ng daddy niya. Napailing na lang siyang muli dahil sa narinig. "You don't need to insult that crew. And also you don't need to ask the manager to fire her. Thats too much Madison. What happend to you?"

"What do you want me to do now? Say sorry to her?" Pabalang na sagot ko kay daddy at doon ko pa lang narinig si mommy na magsalita.

"Maddy." Saway nito sa akin.

"Hindi kita pinalaki nang ganyan Madison. Hindi dahil nakukuha at nabibili mo ang lahat ng gusto mo ay manghahamak ka na ng tao ng dahil lang sa nadumihan ang gamit mo." Galit na talaga anito sa kanya.

PUNISHMENT and LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon