CHAPTER 4

0 0 0
                                    

DAVE POV

Naglalakad ako papunta sa parking lot ng magring ang phone ko. Pauwi pa lang ako at talagang pagod na sa buong araw na trabaho. Pinindot ko muna ang susi ng kotse ko saka ako sumakay bago sinagot ang tumatawag. Si GM ang tumatawag at hindi na ako nagulat na tatawag ito inasahan ko na iyon dahil sa ginawa ko kay Lopez.

"Hello, Sir?" Bati ko dito at hinanda ang sarili ko na masermunan.

"Hello, Mr. Larsson kamusta ang interview." Napakunot ang noo ko sa tanong nito. Hindi pa yata nito alam ang nangyari kanina.

"Sir. Wala pong nangyaring interview."

"Wala? Why? Hindi ba siya dumating?" Takang tanong nito na parang nagmamadali na makakuha ng update.

"Dumating po Sir. But she's late. Sinabihan ko po siya na bumalik bukas ng on time."

"Very good Mr. Larsson. Hindi talaga ako nagkamali na diyan siya ilagay." Lalong na dagdagan ang tanong sa isip ko sa sinabi nito. Bakit imbis na magalit ay natuwa pa ito sa ginawa niya? Pero kahit ganoon ay hindi niya magawang magtanong dito.

"Thank you po Sir."

"Okay, I will call you again tomorrow. "

"Okay po Sir." Iyon lang ang sinabi niya at nawala na ito sa kabilang linya.

Ng matapos ang tawag ay muli na naman akong napaisip. Sino ba talaga ang babaeng ito at ganoon na lang kung imonitor ito ng GM.

Nagbalik sa ala-ala niya ang nangyari kaninang umaga. Alam ko na ang itsura nito dahil sa larawan na nakita ko. Pero aaminin kong nagulat ako sa ganda nito. Napakaperpekto ng mukha nito na animo isang modelo.

Mahaba ang itim na buhok nito na halatang alaga dahil sa pagkakatuwid. Ang mga mata nito na may mahabang pilikmata ay talagang kapansin pansin dahil sa pagiging brown. At ang matangos na ilong nito at manipis na labi ay bumagay sa maliit nitong mukha.

Kung magsalita at tumingin din ito ay talagang mararamdaman mo ang confident sa awra ng babaeng iyon. Hindi din ito kakikitaan ng takot sa mga mata kahit na pagtaasan ko ito ng boses. Hindi ito katulad ng ibang mga staff na nag-apply pa lang sa restaurant ay halos takot na sa kanya at hindi makatingin sa mga mata niya.

Parang wala nga din itong pakiaalam sa mga pinagsasabi ko kanina at bigla na lang umalis. Nakakapagtaka talaga pero kahit na anong isip ko ay hindi ko talaga masagot ang tanong sa utak ko.

Nagpasya akong umuwi na para makapagpahinga wala ako sa mood na magpunta sa kung saan dahil sa nararamdaman kong pagod gusto kong makatulog at mapahinga ang katawan ko.

KINABUKASAN

Napakunot ang noo ko ng matanaw ang isang babae na lumabas sa taxi sa tapat ng restaurant ng makalabas ako sa sasakyan. Hindi nga ako nagkamali si Lopez ang babaeng iyon.

Naramdaman yata nito na nakatingin siya dahil matapang na naman siya nitong tinignan mula sa kabilang bahagi ng kalsada. Napakunot ang noo niya ng tumawid ito sa kalsada ng hindi man lang inaalis ang tingin sa kanya.

Tumawid ito na hindi man lang tinitignan ang magkabilang gilid ng daan. Hindi niya alam kung bakit parang mas natakot pa siya na mabangga ito ng mga sasakyan kesa dito. Ayun na naman ang confident na dating nito ng makalapit sa kanya.

"You're Early." Bungad niya dito ng makalapit ito.

"Bawal din po ba Sir?" Nangaasar na tanong nito kaya imbis na masira ang umaga niya ay tinalikuran niya ito. Pero bago makapasok sa loob ay nilingon niya itong muli.

PUNISHMENT and LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon