PROLOGUE

736 129 145
                                    

May mga bagay talaga sa mundo na mahirap paniwalaan, tulad ng multo.

Iyong tipong hindi ka maniniwala hangga't hindi mo nakikita at napapatunayan.

E, bakit 'yong mga pangako niya ang dali mong pinaniwalaan at pinanghawakan?

Pag mag-isa ako, wala akong kasama malamang. Pero wala nga ba talaga akong kasama? Oh baka naman meron 'di ko lang nakikita.

Pag malungkot ako at nasasaktan, walang nag co-comfort sa akin kun'di sarili ko lang din.

Pag nagagalit ako walang nagpapakalma sa 'kin. Wala rin akong jowa.

Ganyan ang buhay ko, hanggang sa isang araw...

"Waaahhhh!!! Multo!" napasigaw ako ng napakalakas. Pero pinigilan ko agad ang pagsigaw dahil baka magising ang mga tao dito sa mansion.

Sabi na e, may multo dito sa mansion na ito at nasa kwarto ko pa talaga.

Halos madapa ako sa pagtakbo habang habol ang hininga ko. Sanay na akong makakita ng mga multo dahil sa third eye ko, pero hindi ko alam kung bakit sobra akong kinabahan nang makita ko 'yong lalaking 'yon. Kakaiba 'yong kaba, e.

Nakarating na ako sa tapat ng hagdan at nasa punto na ako nang pagbaba nang biglang may kumudlit sa likod ko at dahil sa takot at gulat ko ay nahulog ako.

"Waaahhhh!" Ay charot 'di pala ako nahulog, muntik lang.

Kasalukuyan akong nakapikit ngayon at ramdam ko na may nakahawak sa bewang ko. Hala sino ang sumambot sa' kin? Oh my gosh! Ayaw kong imulat ang mga mata ko dahil baka 'yong multo ito.

"Hey! open your eyes Dream, you're safe now." Dinig ko ang malamig na boses ng isang lalaki. Hindi ko alam kung kinikilig ba ako o kinikilabutan sa takot. Bakit alam niya ang pangalan ko?

Hindi pa rin ako binibitawan ng lalaking sumambot sa 'kin, at alam kong 'yong multo iyon dahil ako lang naman ang gising dito sa bahay dahil tulog na sila lola.

"Please open your eyes, come on," sabi pa niya. Susundin ko ba siya? Wala naman sigurong mangyayaring masama kung susubukan ko 'di ba. Mukhang hindi naman siya nakakatakot eh.

Ito na. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at sa puntong iyon ay nakaramdam akong muli ng kaba. Ang bilis ng pintig ng puso ko. Bakit ganito ang feeling? Can someone explain?

Nakatitig lamang ako sa kanya at gano'n din siya habang nakangiti, samantalang ako ay gulat pa rin. Ang puti niya at parang wala ng dugo, natural kasi nga multo. Ang pupungay ng kanyang mga mata, tama lang ang kapal ng kilay, may maputla pero kissable lips. Ang tangos ng ilong at ang cute n'ya lalo na't naka ngiti siya.

First time kong makakita ng gwapong multo sa totoo lang. Iyong mga karaniwang nakikita ko kasi ay nakakatakot, may mga mukhang na-murder, at may mga mukhang namatay nang malungkot.

"Pwede bang b-bitawan mo na ako?" nauutal na sabi ko, at bahagya siyang natawa. Baliw.

"Kapag ginawa ko 'yon mahuhulog ka, milady." Ay oo nga may point siya, ba't di ko naisip 'yon?

Nangangalay na ako sa puwesto namin pero bakit parang okay lang ang pakiramdam? I mean, bakit parang walang reklamo ang katawan ko sa posisyong ito?.

Dahan-dahan niyang binago ang puwesto namin at sa puntong ito ay binitawan na niya ako. Nakaligtas ako sa pagkahulog dahil sa kanya, pero hindi rin naman mangyayari 'to kung 'di dahil sa kanya. E, kung 'di naman siya bigla na lang susulpot sa kuwarto ko.

"Takot ka ba sa akin?" tanong niya na hindi pa rin naaalis ang mga ngiti sa labi.

"Ha? A-ako takot s-sayo? Hahaha, of course not!"

"totoo ba?"

"Oo!"

"Eh bakit halos madapa at mahulog ka na dahil sa pagtakbo? Hindi pa ba takot ang tawag doon?" medyo natatawa niyang sabi. Napakunot naman ang noo ko do'n.

"Sino ka ba? A-anong kailangan mo sa akin? Bakit andito ka?" sunod-sunod na tanong ko, kasi gusto kong malaman kung bakit andito siya sa mansion ni lola.

"I'm Xaiviour and I need your help, Dream... Para makatawid na ako." Parang nalungkot siya sa sinabi niya.

Bakit sa'kin? Bakit ako? Anong kaya kong gawin?






That Ghost in my Room Where stories live. Discover now