Chapter 5

111 27 20
                                    


¦ Lost in words, Hidden in Lies. Memories forgotten. Silent Goodbye.¦

~Imanuel


****

Tanghali na akong nagising at nakita ko na lang si Xaviour sa may bintana habang pinag mamasdan ang bonggalo house na malapit dito sa mansion.

Dahan-dahan akong tumayo at nag-inat ng katawan bago lumapit kay Xaviour. Alam kong alam ni Xaviour na papalapit ako sa kaniya pero 'di man lang siya humarap.

Umupo ako sa tabi ni Xaviour at tumingin rin sa pinag mamasdan niya.

"How's your sleep, Dream?" tanong niya pero hindi pa rin ako nililingon.

"Maayos naman." Tipid akong ngumiti. "Ikaw ba?" tanong ko pabalik.

"Nahhh, hindi ako natutulog, magdamag lang kitang binantayan."

Talaga?

"Ahmmm, l-labas tayo. Alam mo gusto kong puntahan 'yang bonggalo at 'yang gubat, gusto kong malaman kung anong meron."

"Let's go, then."

***

Tahimik lang kaming naglakad ni Xaviour hanggang makarating kami sa tapat ng bonggalo house, at tama nga ako na matagal na talagang walang nakatira dito. Lumapit kami sa may pinto at sinubukang buksan ito pero nabigo kami.

"Naka-lock, Xaviour pano 'to? Mukhang sa gubat na lang ata ang punta natin." Hindi pinansin ni Xaviour ang sinabi ko at dali-dali siyang nag lakad patungo sa pinto. Akala ko ay susubukan niyang buksan pero hindi, tuloy-tuloy lang siya sa pag lakad hanggang lumampas na siya sa pinto.

Wahhhh! Tumagos siya sa pinto? Malamang, multo eh. Pero, OMG!

Akala ko rin ay pagbubuksan niya ako ng pinto mula sa loob pero ilang minuto ang lumipas ay walang pintong bumukas at walang Xaviour na lumabas.

"Xaviour? Andyan ka pa ba? Pabukas naman ng pinto oh, Xaviour?" Halos mag dabog na ako sa labas pero wala pa ring nangyari. Hindi ko alam kung anong problema ni Xaviour 'di ko pa rin talaga siya maintindihan.

Napaupo na lang ako sa gilid at yumuko sa mga tuhod ko, halos makaidlip na ako sa kakahintay kay Xaviour hanggang sa...

Narinig ko na lang ang pagdaing ni Xaviour sa gilid ko. Ngayon ay nakaupo na rin siya sa tabi ko at nakahawak sa kaniyang ulo habang iniinda ang sakit.

"O-okay ka lang?" Hindi ko na naman alam ang gagawin ko, hindi ko nga rin alam kung bakit nangyayari ito kay Xaviour.

"Dream, some memories.... Ahhh!" Hindi maituloy ni Xaviour ang sasabihin dahil sa sakit ng kaniyang ulo. Tanging nagawa ko na lang ay ang hawakan ang mga kamay niya at alalayan siya.

"It's okay,Xaviour. Huwag mo munang piliting alalahanin ang lahat." Ilang saglit pa ay may mga luha nang tumulo sa mga kamay ko na nakahawak kay Xaviour.

Umiiyak siya? Sa unang pagkakataon, ngayon ko lang siya nakitang lumuha. Mukhang hindi na talaga niya kaya.

"How can I comfort you, Xaviour?" Lalong humigpit ang hawak ko kay Xaviour dahil pati ako ay nakakaramdam na rin ng sakit, nasasaktan ako dahil nakikita kong nahihirapan at nasasaktan si Xaviour.

That Ghost in my Room Where stories live. Discover now