"Do you really love me, huh?"
Hindi ako makaimik, gusto ko na lang maglaho. Bakit ganito?
"No. Kung ano man ang narinig mo ay kalimutan mo na lang." Agad akong tumayo at lumabas ng kwarto ni Kit, nakita ko namang bahagya siyang natawa at the same time ay parang gulat din dahil kay Xaviour.
Nagmadali ako sa paglalakad hanggang sa maramdaman ko na nakasunod sa akin si Xaviour.
"Ano ba, Xaviour?! Huwag mo nga akong sundan!" inis na saad ko. Pakiramdam ko ay sobrang namumula na ang mukha ko.
"Okay, pero ulitin mo muna yung sinabi mo." Narinig ko pa ang mahinang pagtawa niya. Kinikilig ba siya?
"Ano ba, Xaviour?! Huwag mo nga akong sundan!" ulit ko sa sinabi ko kanina kahit pa alam ko naman kung ano talaga ang mga katagang dapat kong ulitin.
"Damn! Hindi 'yan, Dream. Please, ulitin mo yung sinabi mo kanina."
"Inulit ko naman ah." Patuloy pa rin ako sa paglalakad hanggang marating ko na ang tapat ng silid ko at sa puntong ito at huminto na ako at hinarap siya ngunit hindi pa rin ako makatingin ng deretso sa mga mata niya.
"Ulitin mo yung kanina..."
"Alin ba do'n?!"
"Yung kanina nga!" Parang pati siya ay naiinis na rin.
"Alin nga do'n? Marami akong sinabi at alin doon ang dapat kong ulitin?!" Gusto ko rin kasing marinig mula sa kanya ang mga sinabi ko kanina.
"Yung..."
"Yung ano?!"
"Yung... mahal mo ako." Napaiwas siya ng tingin. "M-mahal mo ako, tama?"
Pakiramdam ko ay sasabog na ako sa mga oras na ito. Hindi na talaga ako makaimik. Lalo pang bumilis ang pintig ng puso ko. Tama. Mahal na nga kita.
"Haha! Iyon ba ang sinabi ko kanina?" pagtatanggi ko. Napatingin naman siya sa akin na para bang naiinis ngunit nagtataka rin.
"Oo. Iyon ang narinig ko, hindi ako nagkakamali"
"Narinig mo naman pala bakit pinapaulit mo pa? Tsk!" Hindi ko na hinintay ang sunod niyang sasabihin, agad akong pumasok sa loob ng silid ko at dumeretso sa kabinet kung nasaan ang mga libro. Kunwari pa'y mamimili ako ng babasahin ngunit hindi 'yon ang totoo, hindi lang talaga ako makakilos ng maayos.
Bahagya naman akong napalingon kay Xaviour na ngayon ay nakaupo sa kama ko, dyan naman talaga niya hilig na umupo.
"Ibig bang sabihin na tama ang narinig ko? You love me, didn't you?" tanong niya habang nakangisi. Muli kong itinuon ang aking pansin sa mga libro. "Dream, hindi ka naman magbabasa, I know. So, come here." Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Hayst! Ano bang mayroon sa multong ito at nahuhuli niya ako.
"Dito na lang ako." Hindi pa rin ako lumilingon sa kanya. "Kung ano man 'yong narinig mo ay kalimutan mo na lang."
Kahit totoo iyon, kahit totoong mahal kita ay mali pa rin.
"No. Hindi ko kakalimutan, Dream bakit hindi mo ba maamin na mahal mo ako?" Ramdam ko ang kanyang paglapit. Unti-unti niyang hinawakan ang bewang ko at ipinatong ang kanyang ulo sa aking balikat. "You love me, right? I love you too." Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko.
"X-Xaviour, hindi tayo pwede." Lalong humigpit ang pagkakayakap sa akin ni Xaviour mula sa likod. "Imposibleng mag mahalan ang tulad mo at tulad ko..."
"Bakit? Dahil ba patay na ako. Dream, kahit ngayon lang... please, aminin mo na mahal mo ako."
Dahan-dahan akong humarap sa kanya. "I love you!" mariing sabi ko. "I really love you. Hindi ko magawang aminin dahil natatakot ako." Tiningnan ako sa mga mata ni Xaviour.
"Bakit ka natatakot? Dahil ba multo ako? Tsk!"
"Oo. Dahil multo ka, patay ka na... natatakot ako na isang araw bigla ka na lang maglaho at hindi na bumalik pa. Kapag natapos mo na ang unfinished business mo maiiwan ako." Humagulgol na ako ng iyak at agad naman akong niyakap ni Xaviour. "Paano kung ganoon ang mangyari? Natatakot ako."
"Don't be afraid, Dream. Kahit ngayon lang, kahit sa mga natitira kong oras dito sa mundo ay muli kong maramdaman at maranasan ang pagmamahal."
Naiintindihan ko si Xaviour, mahal ko na siya at mukhang hindi ko naman na mapipigilan 'yon. Hindi ko batid kung bakit ganoon ako kadaling nahulog sa kanya, basta ang alam ko lang mahal ko na siya at gagawin ko ang lahat para sa kanya. At kung ito ang makakapagpasaya kay Xaviour at susugal ako, kahit alam kong sa huli at ako rin ang talo.
Yinakap ko si Xaviour pabalik, napakahigpit ng yakap ko.
"Sasamahan kita hanggang sa huli. Yayakapin kita hanggang sa matapos ang oras. At mamahalin kita hanggang sa katapusan ng mundo."
Inangat ni Xaviour ang mukha ko. Habang nakatingin ako sa kanyang mga mata ay nakakita ako ng lungkot ngunit saya ang nangingibabaw dito.
"Salamat, milady. I love you!" Mahina ngunit damang-dama ko ang mga katagang ito.Unti-unti niyang inilapit sa akin ang kanyang mukha at hindi naman ako lumayo. "Can I kiss you?" Bahagya na lang akong napatawa dahil nagpaalam siya. Tinanguhan ko lang siya at napangiti naman ito. Lalong bumibilis ang pintig ng puso ko habang palapit nang palapit ang mukha niya. Tiningnan niya ang mga labi ko at marahang hinawakan ang aking pisnge... I close my eyes. Unti-unti kong naramdaman ang paglapat ng aming mga labi. Marahan niya akong hinalikan. Masarap pala sa pakiramdam.
Xaviour is my first kiss.
YOU ARE READING
That Ghost in my Room
ParanormalAng sabi nila, nakakatakot daw ang mga multo. Pero paano kung isang araw magulat ka na lang dahil may multo nang nakatambay sa kuwarto mo? And that ghost will give you the love that you deserve, matatakot ka pa rin kaya? Dream was a teenager that a...