Chapter 2

322 88 60
                                    


"Ate! Ate, gising! Bubuhusan na kita ng tubig sige ka." Gising sa'kin ni Kit.

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Bumungad sa 'kin si Krish at si Kit na may dalang isang basong tubig. Aba't balak talaga akong buhusan ng tubig nito.

Bumangon ako at naupo sa kama ko. Wait what? Kama ko?! Paano ako na punta dito eh kagabi lang...

Hala!

Flashback

"Waaahhhh!!! Multo!" napasigaw ako ng napakalakas, at halos mapaos na ako.

Sabi na e, may multo dito sa mansion na ito at nasa kwarto ko pa talaga ah.

Halos madapa ako sa pagtakbo habang habol ang hininga ko. Sanay na akong makakita ng mga multo dahil sa third eye ko, pero hindi ko alam kung bakit sobra akong kinabahan ng makita ko yung lalaking 'yon. Kakaiba yung kaba eh.

Nakarating na ako sa tapat ng hagdan at nasa punto na ako ng pagbaba ng biglang may kumudlit sa likod ko at dahil sa takot at gulat ko ay nahulog ako.

"Waaahhhh!" Ay charot 'di pala ako nahulog, muntik lang.

Kasalukuyan akong nakapikit ngayon at ramdam ko na may nakahawak sa bewang ako. Hala sino sumambot sa'ken? Oh my gosh! Oh my gosh! Ayaw kong imulat ang mga mata ko dahil baka yung multo ito.

"Hey! open your eyes, Dream. You're safe now," dinig ko ang malamig na boses ng isang lalaki. Hindi ko alam kung kinikilig ba ako o kinikilabutan sa takot. Bakit alam niya ang name ko?

Hindi pa rin ako binibitawan ng lalaking sumambot sa'kin, at alam kong yung multo iyon dahil ako lang naman ang tao dito sa bahay at siya. Pero tao ba siya? Waaahhh! I can't take this anymore! Oh I forgot. Narito rin sila lola, Kit, at Krish pero nasa loob sila ng kanilang mga silid.

"Please open your eyes, come on," sabi pa niya. Susundin ko ba siya? Wala naman sigurong mangyayaring masama kung susubukan ko diba. Mukhang hindi naman siya nakakatakot eh.

Ito na. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at sa puntong iyon ay nakaramdam ako muli ng kaba. Ang bilis ng pintig ng puso ko. Bakit ganito ang feeling? Can someone explain?


"Pwede bang b-bitawan mo na ako?" nauutal na sabi ko, at bahagya s'yang natawa. Baliw.

"Kapag ginawa ko 'yon, mahuhulog ka milady." Ay oo nga may point siya, ba't di ko naisip yun?

Nangangalay na ako sa pwesto namen pero bakit parang okay lang ang pakiramdam? I mean, bakit parang walang reklamo ang katawan ko sa posisyong ito?.

Dahan-dahan niyang binago ang puwesto namin at sa puntong ito ay binitawan na niya ako. Nakaligtas ako sa pag kahulog dahil sa kanya, pero hindi rin naman mangyayari 'to kung 'di dahil sa kanya. Eh kung di naman siya bigla na lang susulpot sa kwarto ko.

"takot ka ba sa'kin?" tanong niya, habang hindi pa rin nawawala ang mga ngiti sa labi.

"Ha? A-ako takot? S-sayo? Hahaha, of course not!"

"totoo ba?"

"Oo!"

"Eh bakit halos madapa at mahulog ka na dahil sa pagtakbo? Hindi pa ba takot ang tawag don?" medyo natatawa niyang sabi. Napakunot naman ang noo ko do'n.

That Ghost in my Room Where stories live. Discover now