04 - Endgame
Taas noo akong lumabas ng kotse nang makarating kami sa mansiyon ng mga Valdemar. Si mommy ay naiwan sa loob, pinapaypayan ang sarili at pinakakalma.
I sighed. I am used to this. Wala na dapat ikakaba at ikatakot. Palabas lang naman ang pagpunta pa namin dito. I know Atlas have a plan. Hindi kami maikakasal. Hindi ako maitatali. Siguro nga, matutuloy ang kasal ko ngunit nasisiguro kong hindi sakaniya. Mom is eager to sell me for the company. Kahit sinong mayamang pwede kong pakasalan ay papayagan niya basta't para sa kompaniya. Hindi ako naniniwalang Valdemar lang ang gusto niya para saakin. She wants money!
Narinig kong bumukas ang pinto ng kotse at lumabas do'n ang aking ina habang inaalalayan ni Cressida. Hindi ko na siya nilingon at tinitigan na lamang ang bulto ng mga kasambahay na naglalakad patungo saamin.
"Tumataas talaga ang presyon ko dahil sa batang iyan!"
I rolled my eyes. My pride is higher than her presyon or whatever!
"Madam.. Kumalma kayo.."
A woman in a corporate attire stood infront of us. Sa likod niya ay dalawa pang babaeng na sa parehong kasuotan habang limang lalaki naman ang kasunod nila.
The woman smiled at me. I didn't smile back. I'm in a bad mood. I don't feel like being nice.
My mother smiled at her. Iilang palitan ng salita ang binitiwan nila bago kami tuluyang tumulak papasok. I am shocked that Tita Alondra pushed this early dinner. Akala ko ay sa susunod pa gayong katatapos lamang ng party nila kagabi.
Agad na tumawa si mommy nang mamataan si Tita Alondra sa magarbong front door ng mansiyon. She is smiling widely while walking towards us. Sa likod na ay tatlong mga babaeng nakasuot ng scrubs.
"Anastasia!" Maligayang sigaw niya saka tumungo saakin. "Oh my! You look absolutely stunning!"
"T-tita!" I nervously laughed. "You look stunning, too!"
I forced myself to smile. Nakangiwing nakatingin saamin si mommy. Tita Alondra kissed my cheek before caressing my hair.
Nanatili ang ngiti niya saakin. Nilingon ko si mommy na nakabusangot na ngayon."Hello!" Agaw niya sa atensiyon ni Tita Alondra. "Your bestfriend is here!"
Lumingon sakaniya si tita at agad na tumawa. Nilapitan niya si mommy saka niyakap din. My mother pouted. Umaaktong nagtatampo dahil ako ang unang pinansin ni tita. Kahit na parang nakakainis tignan ang reaksiyon niya ay napairap na lang ako habang natatawa.
My sight shifted to the walk way and saw a man leaning on the wooden door. Lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa gulat. Kinakabahan kong ibinalik ang tingin ko kay mommy. She can't see him!
I looked at him again. A small smile appeared on his lips, showing his little dimple. Kumunot ang noo ko dahil sa ngiti niya. Nag-angat siya ng kilay, tila nang-aasar pa.
Palihim kong i-nginuso sina mommy at tita na nag-uusap at nagtatawanan. Well, he clearly knew that my mother despise him! Nanlalaki ang mga mata ko habang sinesenyasan siyang umalis at huwag na munang magpakita.
Lumawak ang ngiti niya sa ibig kong sabihin. Imbis na umalis ay ngumuso pa saakin ang kumag. Kasabay ng malakas na pagkabog ng dibdib ko ay ang pagpatid ng maiksi kong pasensiya.
"Go away." I mouthed.
Agad na nawala ang ngiti niya at nagseryoso. Umayos siya ng pagkakatayo, mukhang aalis na. Nakahinga ako nang maluwag. Buti naman at lalayas na.
Isinuksok niya ang kamay niya sa bulsa ng kaniyang pantalon at dahan-dahang humakbang palabas. Nanlaki agad ang mga mata ko. Humampas nang malakas ang dibdib ko habang pabalik-balik na tinitignan sina tita.
BINABASA MO ANG
It Had to be You (Valdemar Series #2)
Novela JuvenilVALDEMAR SERIES #2 Anastasia Elissa is a modern woman in every sense of the word. She enjoys shopping, going out on the town, partying all night, and living life to the fullest, but only until their illustrious firm began to falter. She was obligate...