26 – Friends
Na-estatwa ako sa sinabi niya. I cannot look away. I froze and my heart was beating so loud. Pakiramdam ko ay tumigil ang ikot ng kamay ng orasan dahil sa mga salita niya.
"Do it, Anastasia.. Break your rules.. Do it for me.."
I gulped hard. Nanubig na naman ang mga mata ko. Ni hindi ko alam kung paano sasagot o magbibigay ng reaksyon. My mind went blank.
"A-ayden.."
He stood still and stared at me straight in to my eyes. Lalo along hindi nakagalaw nang maramdaman ko ang kagustuhang titigan ang mukha niya, lalo na ang mga mata niya.
His arms were still wrapped around me. Kahit na nagwawala ang puso ko ay nakaramdam ako ng kapayapaan. I even feel something different. Something unfamiliar. I don't know what it is.
There's something in him that I still can't figure out. Up until now..
"Sinabi niyo ba kay Ayden ang dahilan kung bakit ako umiyak nang gabing iyon?"
Napatigil si Amethyst at Faye sa pagtatawanan saka sabay na lumingon sa akin. They stared at each other and their eyes went to me again. Pinanliitan ko sila ng mata.
"Not me.." Amethyst looked away.
Faye cleared her throat and pointed at the grass. "Tignan mo, Amethyst. Kulay berde ang damo."
Kahit na naiinis ay natatawa kong binato sa kaniya ang junk food na dala ko. She laughed and covered her head.
"Ikaw ang naglaglag sa akin, 'no?" Asik ko saka umupo sa bleachers, katabi nila.
She immediately shook her head and forced herself not to smile. Si Amethyst naman ay nanahimik habang kinakain ang junk food. She's glancing at me.
"Ikaw ba, Amethyst?" I groaned. "Paano niya nalamang si Danica ang problema ko?"
Agad siyang tumingala sa langit. Faye laughed loud.
"Tignan mo, may ibon." She pointed at the sky.
"Amethyst!"
She ran away from me while laughing. Kinuha ko ang bote ng tubig saka iyon binukasan. I ran after her. Iwinisik ko sa kaniya ang laman no'n para basain. Tumatawang sumunod sa amin si Faye habang may hawak ding bote ng tubig. She threw it to me. I laughed and bit my lower lip to catch her.
"Madaya! Wala akong tubig!"
Nang mahuli ko si Amethyst ay hinila ko agad ang uniform niya. She screamed and shouted for help. Faye ran towards us and pushed herself. Imbis na alalahanin ang puti naming uniform ay wala kaming ibang ginawa kung hindi magtawanan habang basang nakahiga sa damuhan.
Entering 10th grade was easy. Hindi na ako nahirapan dahil naging maganda ang hatak sa akin ng organization na sinalihan ko. Of course, all of us passed.
Bumalik sa normal ang relasyon namin ni Ayden gaya noon. He stopped sneaking into my room every night. Napalitan na lang iyon ng facetime hanggang sa makatulog ako. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa na bumalik kami sa dati o gusto ko ng mas malalim pang relasyon. We didn't really talk about the "rules" he's mentioned to me. Hindi rin naman ako nagtanong pa kung anong ibig niyang sabihin. We just stayed the way we used to be. I should be okay with that but something inside me is demanding for more.
Matapos yakapin si Joaquin at Daniel ay hinagilap ng mata ko ang isa pa. Moving up ceremony was finished and we are now accepted to be a senior. Ang lahat ay kumukuha ng pictures. Luminga ako at nakita ko si Faye na marami ang nakapila upang makipag-selfie sa kaniya.
BINABASA MO ANG
It Had to be You (Valdemar Series #2)
Fiksi RemajaVALDEMAR SERIES #2 Anastasia Elissa is a modern woman in every sense of the word. She enjoys shopping, going out on the town, partying all night, and living life to the fullest, but only until their illustrious firm began to falter. She was obligate...