Sir
Malimit na lang ako makarinig ng bulungan tungkol sa amin nila Xander at Whitney nang mapalitan iyon ng bago.
"Yung ex ko yung hiniling ko na bumalik, hindi si Sir."
"Nai-stress na ako! Hindi ko na kaya!"
"Ang dami na kaagad pinagawa ni Sir sa amin."
Ilan sa mga narinig kong reklamo nila.
Bumalik na kasi si Sir Dacumos kahapon lang ngunit ang dami ko na agad na naririnig na negatibong komento tungkol sa kaniya.
Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat dahil doon.
Ngayong araw pa lang siya papasok sa amin, hindi ko alam kung totoo ang mga sabi-sabi nila pero sana nama'y hindi.
Nakakapanibago dahil lahat sila ay nakaayos na at tahimik ‘pag pasok ko, hindi katulad noon na nagkukumpulan pa.
"Okay class, bring out one whole sheet of paper." Sabi ni Sir Dacumos pagpasok niya pa lang ng silid.
Wala naman nagreklamo at agad naglabas ng papel.
Nagsimula na siyang magsulat sa board ngunit nagulantang kaming lahat sa hirap ng kaniyang mga binigay na problem.
"Oh, dapat masagot niyo yan. Mga 3rd year na kayo, madali na lang iyan." Sabi ni Sir Dacumos 'tska umupo sa desk niya at itinuon ang pansin sa kaniyang laptop habang hinihintay kaming magsagot.
Lahat kami ay hirap na hirap at walang maisagot sa papel ngunit wala pa din nagrereklamo.
Sinubukan ko na lang i-analyze mabuti ang bawat problems.
Bigla namang nagtaas ng kamay si Whitney. "S-Sir,"
Napansin naman iyon ni Sir. "Yes, Ms... what's your name again?" Naghihintay na sabi ni sir ng kasunod.
"Whitney." She answered trying to sound brave.
"There's a new student over there and I just thought that maybe we should welcome her." Turo sa akin ni Whitney.
Nanlaki ang mata ko. Hindi akalain na iyon ang kaniyang sasabihin.
"Oh?" Tiningnan ako ni Sir Dacumos. "Stand up and tell me your name." Utos niya pa.
Tumigil ang lahat sa pagsagot at itinuon ang pansin sa akin.
"I'm Sierra Caroline De Luna, Sir." Sunod ko sa utos niya.
"Okay, everyone stop answering." Utos niya din sa aking mga kaklase. "Don't you think it's unfair for others if she won't have a special ceremony on her arrival too?"
Mukhang alam naman nila ang espesyal na seremonyang tinutukoy ni Sir. Hindi sila sumagot pero pasimple silang natuwa dahil naligtas sila sa araw na ito.
"Sierra, bilang pag-welcome namin sa iyo, go in front of the board and answer those problems." He commanded.
Tatlo lang naman ang problem na iyon pero sa totoo lang, kahit isa roon ay wala akong ideya kung paano iyon i-sosolve.
Kahit hindi ko alam ang aking isasagot, sinubukan ko pa din kaysa sumuko na lang ako basta.
Pagkatapos ko ay nanatili akong nakatayo sa gilid habang sinusuri ni Sir ang aking sagot.
He looked at me with disappointment. "Did you analyze the problems properly? Ang dali na nga lang ng binigay ko, hindi mo pa rin nasagot?" Tanong niya ngunit nanatili akong nakayuko. "Sit down."
Bumalik ako sa aking upuan ng nahihiya.
It's okay, at least I tried, right?
"Any other answers?" Tanong niya ngunit walang nagtaas ng kamay. Wala ring ibig makipagtitigan kay Sir.
BINABASA MO ANG
Drawn Close To You (Villamor Brothers Series #1)
RomansSierra Caroline De Luna, a simple girl living her simple life, but that was before the tragedy happened. She lost her memories and was drawn close to Zildjian Troy Villamor. He is a stranger, perhaps, just in her eyes, but he claimed to be her boyfr...