Chapter 5

18 0 0
                                    

Magagalit

Maaga akong gumising at nag-shower dahil maaga rin ang aming call time.

Alas siyete pa lang ng umaga ngunit pagbaba ko, hindi ko pa rin naabutan ang mga Villamor bago sila umalis.

Minabuti kong kumain ng agahan dahil malayo layo nga ang aming pupuntahan.

"Sierra's here!" Whitney announced when she saw me.

Agad namang lumapit si Xander sa akin para kuhanin ang aking dala at inilagay sa loob ng kaniyang sasakyan.

"Happy birthday, Vien!" I greeted Vien then gave her a warm hug.

I handed her a small gift that I prepared for her. "Aw, thank you, Sierra." She said as she receive it.

"Si Leo na lang ang kulang. Nasaan na ba siya, Joyce? Na-contact mo na ba?" Tanong ni Xander pagbalik.

"Ewan ko ba roon. Kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi sumasagot." Inis na sabi ni Joyce habang sinusubukan pa ring tawagan si Leo.

"Chill lang, Joyce. We still have time. At saka parang hindi ka naman na nasanay sa kaniya." Pagpapakalma ni Vien.

"I know that pero ngayon lang niya ako hindi kinausap, kagabi pa, actually." Reklamo ni Joyce.

"May LQ na naman kayong dalawa. Tinaon niyo pa talaga sa birthday ni Vien." Sabi ni Whitney.

"Contact-in ko na lang din." Ani ni Xander.

Ilang saglit pa kaming naghintay bago dumating si Leo na agad namang pinuntahan ni Joyce.

"Oh? Okay ka lang ba, pre? Mukha kang sabog." Puna ni Xander.

Gulo gulo pa kasi ang kaniyang buhok at nananamlay.

"Okay lang ako. Hindi lang nakatulog ng maayos." Sagot niya at tumingin sa akin. Agad ko namang inilihis ang aking tingin. Mabuti na lang ay walang nakapansin.

"Tara na!"

Pumasok na kami sa loob ng kotse at nagsimula nang mag-drive si Xander.

"Hay nako! Magbati na nga kayong dalawa. Wag niyo namang sirain ang araw ni Vien." Kantyaw ni Whitney nang mapansing hindi sila nag-iimikan.

Hindi ko na sila nilingon. Isinuot ko na lang ang aking earphones at nagpatugtog habang tinatanaw ang mga dinadaanan namin. Hindi nagtagal ay nakatulog ako.

Nagising lang ako nang tumigil sila para mag-cr. Mukhang bati na rin sila Joyce at Leo dahil nagkukulitan na sila ngayon na para bang walang nangyari kanina.

Sa halip na matulog ulit, pinakita nila ang mga nadadaanan naming lugar sa akin. Kung minsan pa ay bumababa pa kami para kumuha ng litrato.

I'm quite not sure pero parang pamilyar na ang mga lugar na nabanggit nila sa akin. I may not remember but something inside me feels I already have been there.

Tirik na ang araw nang makarating kami sa aming destinasyon. Tanaw ko mula rito ang ilog at kung gaano ito kalinaw at kalinis.

"Mukhang madaming tao ngayon, ah." Pagpupuna nila.

Malawak naman ang lugar kaya kahit medyo marami nga'ng tao, hindi pa rin kami magsisiksikan.

Inilabas ko ang aking cellphone para sana i-message si Zildjian na nakarating na kami.

"Wag mo nang subukan, Sierra." Sabi ni Vien nang makitang nagta-type ako.

Nagtataka ko naman siyang tiningnan.

"Walang signal dito. Obvious naman sa lugar di'ba?" Sabat ni Whitney.

"Kung meron man, malabo ka pa rin makakapag-send ng message sa sobrang hina." Ani ni Xander.

Drawn Close To You (Villamor Brothers Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon