Chapter 1

45 4 0
                                    

Boyfriend

"Sa wakas, gising na siya!" Rinig kong sabi ng isang lalaki habang dahan-dahan kong minumulat ang aking mata.

Malabo pa ang paningin ko at hirap ding makagalaw dahil parang may kung anong nakalagay sa aking leeg.

Nilibot ko ang aking paningin at nakita ang mga tao na kasama ko sa kuwarto.

May isang ginang sa aking kanan habang sa kaliwa naman ay ang isang matandang lalaki, marahil sila ay mag-asawa at sa aking palagay ay nasa 50 pataas na ang gulang nila.

Napansin ko rin na may isa pang taong nakaupo sa isang couch na tapat ng aking higaan ngunit hindi ko maaninag ang kaniyang mukha.

"Zeus, anak, call the Doctor." Agad namang tumayo ang lalaki para tawagin ang Doctor tulad ng sinabi ng kaniyang ama.

Kumunot ang noo ko dahil wala akong matandaan at naguguluhan ako sa nangyayari.

"N-Nasaan ako? Sino k-kayo?" Hirap na sambit ko habang pinipilit na bumangon.

"Hija, magpahinga ka muna." Sabi ng matandang lalaki habang pinipigilan ako sa aking pagbangon.

Hindi na ako nagpumiglas pa dahil wala pa akong lakas at umiikot pa ang aking paningin.

Maya-maya pa ay dumating na ang isang Doctor at may kasama pang dalawang Nurse na agad namang lumapit sa akin.

"Nasaan po ako?" Ulit kong tanong.

"Nasa isang ospital ka, hija. Can you follow my finger with your eyes?" Tanong ng Doctor habang nakataas ang kaniyang hintuturo.

Ginalaw niya iyon at sinundan ko naman ng aking mata.

"Natatandaan mo ba ang nangyari sa iyo pati na rin ang iyong pangalan?" Patuloy pa ng Doctor.

Mabagal kong iniling ang aking ulo bilang sagot.

Tumikhim muna siya bago bumaling sa matandang lalaki. Hindi ko na narinig ang pinag-uusapan nila dahil lumayo sila sa aking higaan.

Inayos naman ng anak nila na si Zeus ang aking kumot habang inaasikaso naman ako nung nurse at ilang saglit pa ay nakaramdam na ako ng antok.

Paggising ko ulit ay tanging ang isang ginang na lang ang naroon na nagbabantay sa akin.

"Gising ka na pala. Nagugutom ka ba? O nauuhaw? Gusto mo ng tubig?" Tanong niya.

Umiling ako bago nagtanong. "Sino po kayo?"

Mukha naman siyang nabigla sa aking tanong.

"H-Hindi mo ko matandaan? Ako 'to a-anak. Ako ang nanay mo." Sabi niya ng emosyonal at nangingilid pa ang luha.

Nagulat naman ako sa sinabi niya at malapit nang lumuha ngunit nang bigla siyang tumawa, umatras ang aking luha at naguluhan na ako.

"Sorry Ma'am pero biro lang talaga 'yon. Baka maniwala kayo, ah." Pagbibiro niya.

Nalaglag naman ang aking panga. "Muntik mo na talaga akong mapaniwala, Ate."

"Sabi ko na artistahin talaga ako, eh. Naawa lang talaga ako dahil baka masapawan ko yung iba 'pag ako na bumida." Pagbibiro niya ulit kaya natawa ako.

"Sino po ba talaga kayo?" Seryoso ko nang tanong.

"Ako talaga si Meredith Manuel, totoo na po 'yan, pero tawagin niyo na lang po akong Ate Edith. Pinapapunta ako rito ni Sir Villamor kapag walang nagbabantay sa iyo. Busy kasi silang tao pero wag kang mag-alala, dumadalaw pa rin sila sayo." Tumango na lang ako bilang sagot.

Drawn Close To You (Villamor Brothers Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon