Konting interruption muna galing sa cute niyong ughthor hihi. Sa nakakabasa na po ng naunang dalawa kong story na 'Next to you' at 'I belong to you' humihingi po ako ng tawad dahil hindi na po ako nakakapagUD doon dahil masyadong busy po ang Lola niyo pero don't worry po dahil ipagpapatuloy ko po yung mga iyon. Maybe habang ginagawa ko itong RPW ay isasabay ko sila or tatapusin ko po muna ito bago iyon hihi.
Enjoy reading~
-Khezmeh
Chapter 5
"Ang gwapo niya! Zed yung name niya mga sis! I don't know his apelyedo, basta Zed lang ang alam ko. Bagay na bagay ang pangalan niya sa kagwapohan niya! Kyahhhh." Rinig ko pang sinabi nong babae na may matinis na boses bago sila nagtitili at bago sila nakatikim ng pangaral mula sa dumaan na teacher.
Zed?
Hindi naman siguro iisa yong Zed na nakilala ko doon sa Marevert nong hinatid ko si Kier sa resort na yon right?
I mean. There's a lot of Zed in the world and I don't know either his last name.
Fvck. I don't even have the plan to know his last name. Never!
Maybe this is just a coincidence. Yeah right. Madami naman talagang Zed sa buong mundo at hindi lang ang nakakainis na lalaking iyon na kapatid ni Zion na kaibigan naman ni Kier ang Zed na sinasabi nong babaeng may matinis na boses. I know magkaiba sila.
Teka? Ano bang pakialam ko don? Wala naman.
"Hoy!" Biglang tawag sakin ni Akeyah.
"Ay zed!" Gulat akong napatakip sa bibig ko dahil sa sinabi ko.
Fvck! Bat ko ba nasabi yon?! Stupid Khez!
Tinaasan naman ako ng kilay ni Akeyah saka sumandal sa hamba ng pintuan ng classroom namin. "Teka nga muna? Sinong Zed ang pinagsasasabi mo ha? Kilala mo yong Zed na tinutukoy nong ipis?" Inginuso niya ang lugar ng nagtitilian kanina na ngayon ay wala ng tao.
"Pft. Ipis?" Wrong timing naman pero hindi ko mapigilang matawa dahil sa sinabi niya.
"Oo ipis. Bwesit ang sakit sa tenga ng boses niya myghad." Inis na sabi niya saka umirap.
"Pft. Yaan mo na nga. Pasok na tayo. Malapit ng mag-1pm oh." Wika ko at bahagya siyang hinila para makapasok na sa classroom. Nakakahiya naman na dito pa talaga kami sa pintuan nag-uusap.
"Hoy teka nga!" Pigil niya sakin. "Akala mo nakakalimutan ko na yung Zed ah? Sino muna iyon? Kanina nag-eemote ka dahil kay Dos, ngayon may Zed ka na? Aba matinde! Ang bilis!"
"Hoy manahimik nga nga. Iyang bunganga mo talaga kahit kailan." Sita ko sa kaibigan ko. Ito talagang bunganga niya walang preno.
At paano naman napasok si Dos sa usapan? Myghad.
Tinaasan niya ako ng kilay. "Eh sino nga yung Zed? Alam mong hindi kita tatantanan Khezanmei Rivas kaya sabihin mo na."
Bumuntong-hininga naman ako. May magagawa pa ba ako sa kakulitan nito? Sarap isilid sa sako sabay hagis sa ilog eh.
YOU ARE READING
Role Player's World
RandomTAGALOG/ENGLISH STORY Two words to describe RPW or role player's world...Fake world. But even though Khezanmei Rivas knows that this world doesn't exist, she still enter this world only her feelings and heart is with her. She met new friends and e...