six

3 1 0
                                    

six

[Anna's POV]

Natapos yung classes namin today and puro bigayan lang ng exams. Nakakatuwa nga kasi after this week, next week, Senior High School week na before mag Christmas Break kaya puro na kami walwal! OMG! First Sem done na talaga!

Kaso may aasikasihun pa kaming PRARE2 nung mga kagrupo ko. Defense na din namin this week kaya medyo hapit hapit lang din.

Good thing natapos na namin lahat bago palang mag-exams.

Kasama ko ngayon si Jim and hinahanap namin si Cate ngayon. Hanggang sa matapos kasi yung class namin sa Physics, hindi ko pa siya nakikita.

"Be. Nasaan naman kaya si Cate? Hindi ba siya nagsasabi sayo? Baka naman kasi may problema pala ang bruha hindi nagsasabi." ani Jim.

"Be, wala talaga. Promise."

"Ano naman kayang problema no'n? Hay Cate Alhambra."

Habang naglalakad pa kami, nakasalubong namin yung barkadahan nila Kyle.

"Hey! Jim!!!!" as usual, yung bungad na sigaw ni Faith sa kumare niyang si Jim.

"Sissy!!! Omg! Hi! Long time no see ha!"

At ayon, nagharutan na sila.

"Hey, Anna. Mamaya ha, dinner house. Mom's already enjoying sa pagpprepare." ani Kyle as he approached me.

"Oo naman. Hindi na ko makapaghintay na matikman yung luto niya."

"Nasaan nga pala si Cate?" tanong ni Harris.

"Ayun nga e, hinahanap namin. Kanina pa siya wala kaya hindi namin kasama." sagot ni Jim.

"I'm here!!"

Nagulat kaming lahat nang biglang sumulpot ang masigla na parang hindi tuliro kanina na si Cate.

"Be, saan ka ba galing ha? Nag-alala kami sayo!" sigaw ko sa kanya.

"OA mo naman, Anna. Ayos na ako. Nakausap ko na din si Sir Howell tungkol doon. Pero! Ang mahalaga, maayos na lahat." aniya.

Hay, buti naman. Akala ko talaga sobrang down na down itong babaeng ito.

Nakakasad pa man din kapag si Cate ang nalungkot. Bihira lang kasi siyang sumpungin ng lungkot. Kapag malungkot siya, malungkot na malungkot talaga siya.

"Ano? Let's go home na?"

Nagulat ako kasi, bigla akong inaya ni Kyle na umuwi na. Wow! Perks of having a kapitbahay na may kotse! CHARENG!

"Oh siya sige! Tara."

AT AYUN NA NGA PO! (Hindi ako kinikilig guys, HINDI!!!) Pinilit na sinama ni Jim at Faith si Cate na magshopping daw sila. Gusto ko nga ring sumama sa kanila kaso nga may dinner kami mamaya.

"Ang galing mo mag-drive, Kyle. Ngayon lang kita na-observe na magmaneho. Sana all." sambit ko.

"Tinuturuan na ko ni Dad noon pa na magdrive para less hassle na sa paghihire ng driver, which is tama rin naman. Iisa lang kasi si Manong Jun na tagahatid ni Dad sa work lagi kaya, ayun."

Malapit na sana kami sa Jefferson Estates, yung subdivision namin, nang magulat ako na nilampasan niya 'yon.

"Huy? Kyle! Ayun na yung Jefferson!"

"Yup! I know! I just want to bring you to my favorite coffee shop."

EHEM. OKAY HINDI AKO KINIKILIG OKAY?

"At saan naman 'yon aber?" tanong ko pa.

"Basta, you'll discover later."

Medyo naexcite ako do'n ha. Kaya naman hinayaan ko nalang siyang dalhin ako doon sa sinasabi niyang coffee shop. Tamang-tama, gusto ko rin mag-kape ngayon.

In Another Life [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon