four

4 2 0
                                    

four

[Anna's POV]

Habang nasa canteen na kami, todo asikaso ako kay Cate. Jusko ang beshiewaps ko! Nakakaloka. Ayan kasi baka nga hindi siya nakapag-breakfast kasi nagmamadaling pumasok gawa't late na.

Habang nasa upuan na kami, todo kwento sakin si Faith. Hala! I swear. Ang bait niya!

"Omg! So what strand are you? I bet you're not from ABM din. Hindi ko kasi kayo masyado namumukhaan e!" aniya.

"Ah oo, taga STEM kasi kami."

"Wow! That's good naman! Omg. You know what, it's really my first time to have girl friends like you!"

"Ay nako! I'm pretty sure magiging masaya ka kapag kasama kami! Lalo na't NANDITO AKO!" biglang singit naman ni Jim!

"OMG! You're so funny! I love you na!" sigaw ni Faith sabay apir apir sa aming tatlo.

"Omg. Where's Kyle ba, Harris?" tanong ni Faith uli doon sa Harris.

"Ewan ko— oh ayan na pala."

Naaninagan namin si Kyle na papasok ng canteen and agad na tumungo kay Cate.

"Ah eto. Gamot from clinic. They also gave me this, mukhang white flower ata. Pampatanggal ng hilo." bungad ni Kyle habang hinihingal-hingal.

"Uy, thank you. Hindi mo naman kailangan mag-abala pa. Pero thank you pa rin Kyle." ani Cate.

Okay GUYS. ANG BAIT NIYA TALAGA. Mabait siya. I swear.

Nag-order na kami ng food and syempre, ako na umorder para kay Cate.

Habang namimili ako kung saan ako bibili, kaagad namang tumabi sakin si Kyle.

"Uy! Ano? Nakapili ka na kung anong bibilhin mo?" tanong ko sa kanya.

"Wala nga akong mapili e. Kung ano nalang din bibilhin mo." sagot niya sabay ngiti.

"Grabe sigurado ka ba? Dali na sumabay ka nalang sakin mamili! Itong batang 'to." sagot ko.

Burger Steak. Mashed Potato. And Strawberry Smoothie.

YAZ. I love my lunch.

Binilhan ko na din si Cate ng pagkain niya. Ayaw niya ng Steak kaya Chicken nalang inorder ko sa kanya.

Maya-maya, habang iniintay kong maka-order si Kyle, natapos na rin naman agad siya at—

"Oh. Bakit ayan rin binili mo?"

Paano ba naman, burger steak, mashed potato, at strawberry smoothie rin yung hawak niya ngayon!

"Wala nga kasi akong maisip na pagkain and, mukha namang masarap din kaya ginaya na kita." aniya sabay tawa. Loko-loko talaga e.

Nang makabalik na kami, ibibigay ko na sana kay Cate yung pagkain na inorder ko for her nang biglang abutin niya yung steak.

"Ah be, ito inorder ko sayo. Ayaw mo ng—"

"Parang natatakam ako sa steak ngayon be. Okay lang ba ito nalang muna akin ngayon?" sabi niya.

"Okay, sige. Ayos lang naman." sagot ko nalang sabay abot sa kanya nung order ko dapat.

Nakita kong malaki yung ngiti niya ngayon. Anong meron sa bruhildang 'to ngayon?

Kaya no choice, akin itong chicken.

Habang kumakain kami, usap lang nang usap si Jim at Faith! Grabe parang mag-long-lost sisters na 'tong dalawang 'to e!

Si Cate naman, kinakausap si Kyle ngayon. Okay, wala akong kau—

In Another Life [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon