nine

2 1 0
                                    

nine

[Anna's POV]

Nakarating na kami sa mall ni Kyle. Gosh! Alam niyo ba, hanggang ngayon naiilang ako nang hindi ko alam yung dahilan. As in.

Pakiramdam ko kapag makikita ko siya, kakabog lang nang malakas yung dibdib ko tapos, POOF! WALA NA! MAHIHIMATAY NA KO.

Habang naglalakad kami, mas lalo pa kong naiilang kasi yung ibang tao tumitingin din samin. AHHHH! YUNG IBA NGA NAGPIPICTURE PA E. Siguro kasi sobrang gwapo din ni Kyle talaga.

Para siyang artista kasi lalo na sa suot niya.

"Bakit ka nag-sweater Kyle? E ang init ah!" sabi ko nalang.

"Wala lang. Ito kasi yung una kong nakita. Didn't really expect that we'll turn out matchy matchy. Ikaw ha, gaya-gaya ka." pang-aasar niya pa kaya naman nakatikim siya ng malakas na hampas.

"Gaya-gaya ka dyan. Suntukin kita e." sagot ko.

"Sorry na po, boss." AHHHHH AYOKO NA ANG CUTE NIYA TALAGA. GRR.

Anyways, so ayun na nga, bago pa ako tuluyang mahulog SA KANAL charing, tumungo na kami doon sa isang boutique na puro suits and other clothes for men.

"What do you think? I just wanna look pleasing, that's it. Nothing extravagant." aniya.

"Besh, ano ba. Kahit ano ngang isuot mo, gwapo ka. Gusto magsuot ka ng basahan do'n. Panigurado titilian ka pa rin." pang-aasar ko sa kanya.

"But still, I still want to look good."

Habang naghahanap-hanap kami, inapproach na kami ni Ate Girl.

"Hi! So what are you looking for?" omg. Ang prim naman nitong magsalita.

Tumingin sakin si Kyle na para bang nahingi siya ng tulong and suggestions.

"Uhm miss, do you have some maroon collections? Polos and suits." sabi ko. Yes Kyle, pagmumukhain kitang gwapo pa lalo. I swear.

"This way, Ma'am, Sir."

Nang makarating na kami, kaagad na akong naghalungkat.

"Eto!"

Kasi ang dami kong iniisip na pwede niyang isuot. Naisip ko na bagay sa complex ng skin niya yung maroon kaya naghanap ako ng maroon na polo na medyo made of silk and then medyo mas dark na maroon mixed with black na coat na medyo may kaunting makintab na habi lang ng maroon para kahit papaano, contrasting and hindi naman parehas na makintab.

Kinuhaan din namin siya ng black slacks.

"Come on! Try it. Feeling ko kasi bagay sayo 'yan." sabi ko.

"Really? Babagay ba ko sa'yo sa gabing 'yon?"

UTANG NA LOOB, KYLE. ANG SABI KO ISUOT MO 'YAN. HINDI KO SINABING PAKILIGIN MO KO, OKAY? HAHAMPASIN NA TALAGA KITA.

"Bagay ka dyan. Baliw. Sige na."

Napatawa naman siya agad, and pwede ba labi! Makisama ka! Huwag ka namang masyadong obvious.

Naghahanap pa ako ng iba pa niyang pwedeng isuot nang biglang magsalita ni Ate Girl.

"You really look cute ng boyfriend mo." aniya.

DUMAGDAG KA PA ATE! SIGE NAKAKATULONG KA TALAGA!

"Ay hindi ko po siya boyfriend. Hehe." sagot ko nalang.

"Really? Aww. How sad? You really look cute together."

Jusko Ate, hinay-hinay tayo. Naloloka na nga ako e. My goodness.

In Another Life [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon