eight

1 1 0
                                    

eight

[Anna's POV]

O///O

OO! Nagbblush pa rin ako! Nakakainis mga ang ateng at kuyang! Hindi ko naman kasi inaasahan na ganun yung sagot niya e! Malay ko ba?

Hindi tuloy maalis yung ngiti ko sa mga labi ko, as in. Jusko.

"Hey, why are you smiling?" tanong ni Kyle habang iniinom niya yung sago't gulaman niya.

"Wala lang. Natutuwa lang ako para sayo! Double celebration para sa qualification mo sa dream college mo plus! Nakapasok ka na sa game! I am pretty sure makikita na ng coach mo yung potential and malay mo diba, makasali ka na sa Team A."

"I really hope so too. Perhaps, I think I've already done my best. Sabi ko nga, once na hindi ako mapili dito sa meet na 'to, I'll quit the varsity and just focus more sa studies since it's last sem already but, yeah. God really has His own plans." sagot niya sabay ngiti.

Gwapo na. Down to Earth na. GOD-FEARING PA. MAMSH ANONG KULANG SA LALAKING 'TO? Nag-eexist ka pala, Kyle? Ang astig mo.

Lumaon ang gabi at puro tawanan lang kami nang tawanan nitong lokong ito.

Nakadalawang set na nga kami ng dating gawi, aba! Hindi pa rin nauubusan ng kwento.

"Oh hey, uhm. May sasabihin nga pala ako." sabi niya kaya naman napalingon ulit ako sa kanya.

"Ano 'yon?"

"I got picked by the class to represent doon sa pageant daw sa ball? I don't know but, what should I wear? I mean, the heck I'm really not fond of attending parties or galas."

"Hala omg? Talaga ba? Omg! Sana manalo ka! Si Cate nga din panlaban namin e. Pero ikaw? Ikaw pa talaga ang nahirapang maghanap ng susuotin? My goodness Kyle, sa gwapo mong 'yan—"

OH MY GOSH! Napatigil ako sa pagsasalita ko. GAGA KA ANNA. ANG DALDAL-DALDAL MO. Minsan nga daw talaga, sa sariling bibig pa mahuhuli ang may itinatago.

HAY JULIENNE ADRIANNA. YOU ARE SO GREAT.

Nakita ko yung reaction niya. He really smiled as if he was blushing. Ang gwapo mami, nakakainis.

"I mean— oo. Gwapo ka naman talaga ah! I am pretty sure babagay sayo lahat ng damit na itatry mo." Good job! Naitawid mo Anna. Naitawid mo.

"Well, if that's the case. I really need you to help me then. How about tomorrow? Can we go out?"

Dugdug. Dugdug.

Inaaya niya ba kong mag-date? GAGA ANONG DATE AGAD?

Pero kasi, 'Can we go out?', hindi ba date nga 'yon? ANO BA ULIT ANNA 'WAG KANG FEELER. BABALATAN KITA NANG BUHAY.

"Ah! Papasama ka para mamili ng susuotin mo? Sure! Gusto mo ayain mo na din sila Faith, para the more the merrier!" sabi ko. Syempre na besh 'no, minsan kailangan mo rin magpakipot! Ayain mo rin yung friends niya para kunwari hindi naman obvious na gusto mo KAYONG DALAWA LANG! Okay! Tip # 1 'yan!

"Can we just go, alone?" AH UHM!!!! TIP # 2, HINTAYIN NA SIYA ANG MAG-INITIATE NA DAPAT KAYONG DALAWA LANG! OHA! NAKAKAKUHA KAYO SAKIN NG TIPS-ILOG HA!

Gosh my mouth. Nahahawa na ko kay Jim.

"Asus. May pa-essence of surprise ka pa e. Oo naman! Pwedeng-pwede."

///

Kinabukasan, nagising ako sa balibag ng pinto ni Kuya Andre.

"Anna! Ano ba? Hindi ka pa gising?"

In Another Life [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon