one

8 2 0
                                    

one

"Roaring, Soaring, Red Dragons! Red Dragons! Let's go, Richwelle High!"

Wooooh! Grabe! Intramurals namin ngayon and nanunuod kami ng barkada ko ng Basketball game. Nag-invite kasi yung school namin ng taga-ibang school na basketball team tapos— ahhhh! Let's go Richwelle High!

"LET'S GO SARMIENTO! LET'S GO BABY!" sigaw nung bakla kong bff.

Sarmiento... Sarmiento... naghahanap ako ng Sarmiento na jersey sa loob ng court pero wala akong mahanap?

"Hoy Jim, sino si Sarmiento?" siko ko sa kanya sabay tanong.

"Ay si baby! Ayon nasa bangko!!!"

Puñeta ka, Jim. AKALA KO NAGLALARO NAMAN SIYA NGAYON! Paglingon ko sa bangko, ayon nahanap ko na ang Sarmiento.

Natapos yung game and nanalo yung opposing team. 3 points lang lamang nila! Sayang! Kung hindi lang sana mintis yung 3-points nung isa, mag-overtime pa sana!

Pabalik na kaming lahat sa kani-kaniya naming classroom nang bigla naman akong ayain ni Cate, yung bestfriend din namin ni Jim, sa kung saan.

"Dali na, Anna! Please! Pipicture-an mo lang naman ako! Ako magaapproach sa kanya, promise." aniya.

"Kanino ka nga ba kasi magpapapicture?"

"Doon nga kasi sa Sarmiento!"

"Yung crush ni Jim? Yung naka-bangko?"

"Sige ipangalandakan mo pa. Oo nga! Kahit na 'no! Crush ko kaya 'yon since Junior High. Ngayon lang ako nagkalakas ng loob na magpa-picture sa kanya kaya, tara na!" aniya sabay hila sakin.

Oh well kahel, ano pa nga bang magagawa ko?

Hila-hila na niya ako pabalik sa may court nang biglang—

"ILAG!!!!!"

OH SHET! OH SHET! OH—

***

"Besh, ano? Kaya pa? Hindi naman nawala yung formula ng Physics dyan sa utak mo?"

Minulat ko yung mata ko at nasilaw ako sa ilaw.

"Hayaan mo Anna, hindi ka pa naman susunduin ni San Pedro. Hindi mo pa daw deserve na umakyat sa langit." dagdag pa ni Jim.

Pinanlisikan ko siya ng mata. Itong baklang 'to, kukurutin ko singit nito e.

Medyo nananakit pa yung ulo ko kasi kanina, pakiramdam ko parang bigla nalang akong nahilo at POOF, nawala na sa wisyo.

"Teka, ano bang nangyari?"

"E kasi naman, nagppractice pala yung Basketball Team ng Yellow Team tapos— BOOMCHICHIWAP! Tumama sayo ang jumbola!" ani Jim. Siya lang yung kasama ko ngayon. Aber! Nasaan ang bruhildang Cate? Parang kanina siya lang kasama ko ah!

Nagpalipas pa ako ng ilang minuto doon bago namin mapagdesisyunan na umalis na.

"Surebols bang keribels mo na maglakad, Anna? Ha? Baka mamaya maging KNIGHT IN SHINING ARMOR mo ako!!! YAKAKAK! Princess dapat ang eksena ko!!!" dakdak pa niya.

"Alam mo Jim, kung pinapayagan mo lang akong manligaw sayo, edi sana matagal ka nang may jowa!" sambit ko.

Kasi promise talaga, kung hindi bakla itong si Jim, siya yung tipong laging aabangan ng mga lower batch sa pintuan ng classroom namin tuwing umaga, recess, lunch, at awasan! As in! Gwapo na! Matangkad! Matalino! Kaso lalaki din ang hanap kaya, ehem, hanap nalang kayong iba. Huwag itong bruhilda kong frennie.

In Another Life [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon