Chapter 26: Amnesia

1.8K 44 11
                                    

Kinabukasan ay pumunta kaming dalawang mag-asawa sa gubat para kumuha ng mga kahoy para patuyuin at para magamit namin sa aming pagluluto.Ang raming natumbang kahoy dahil sa ulan kagabi kaya tama lang na ngayon kami mangangahoy.Napadaan kaming dalawang mag-asawa sa ilog ng may mapansin ako sa tabi ng ilog.

"Ruben, nakikita mo ba yung nasa tabi ng ilog, parang tao ata yun ah" sabi niya sa asawa, tiningnan naman ito ng kanyang asawa.

"Oo nga ,tao iyon, puntahan natin baka anurin ng ilog"

Nagmamadali kaming pumunta sa tabi ng ilog para kunin ang kawawang tao, pag kakita nila ay nagulat sila sa nakita, isang dalaga na maraming sugat at pasa sa mukha at katawan.May nakita pa silang sariwang sugat sa braso nito.

"Buhay pa ba yan?" tanong niya sa kanyang asawa

"Oo buhay pa,"

"Halika, dalhin natin sa bahay, diyos ko naman"

Nagmamadali silang bumalik sa bahay para gamutin ang kawawang dalaga.Hindi nila alam ang nangyari dito, kung biktima ba ito ng bagyo o kung ano.Pagdating nila ng bahay ay mabilis silang nagpakulo ng tubig at kumuha ng halamang gamot.

"Sino kaya ang batang ito? taga Special Academy kaya ito Ruben"

"Abay ewan ko, pero bakit andito ang bata, eh bawal namang pumunta dito sa gubat ang mga estudyante ng SA" sabi pa ng kanyang asawa

"Wala rin namang ibang tao ang pwedeng pumasok dito, kaya malamang taga SA yan,"

"Naku, bihisan na muna nga yan, para maibsan naman ang ginaw at lagnat"

Pagkaalis ng kanyang asawa ay pinunasan niya at binihisan ang dalagita, wala siyang anak na babae kaya ang kanyang duster na muna ang ipinasuot niya.Tatlo lang silang naninirahan dito sa bahay, ako , ang kanyang asawa at ang kanilang nag-iisang anak na lalaki na kasalukuyang nag-aaral sa SA, 2nd year college na.Nakapag-aral ang kanyang anak dito dahil matagal na silang naninilbihan sa Special Academy, kaya hindi sila pinagbabayad sa mga bayarin para sa pag-aaral ng kanyang anak.

Tiningnan niya ang dalagita, maamo ang mukha nito at talagang maganda ito.Taga SA nga siguro to, pero ano kayang nangyari dito.Nasa ganun siyang pag-iisip ng may pumasok sa bahay.

"Ma, andito na po ako" dumating na pala ang kanyang anak na si Justin

"Anak, andito ako" sabi ko dito at pinasok naman nito ang kwartong pinanggagalingan niya at nagulat ito sa nakita

"Ma, sino yan?" tanong nito

"Hindi namin alam ng papang mo, nakita lang namin siya sa tabi ng ilog, kawawa naman kaya dinala namin dito sa bahay"

"Ganun ba, dapat ibalita natin yan sa Admin ma"

"Wag na muna anak, hanggat hindi natin nakakausap ang bata, "

"Sige kayo ang bahala, asan si papang?"

"Andun ,pinagpatuloy ang pangunguha ng kahoy"

"Ganun po ba, magbibihis na muna ako at ng matulungan ko kayo diyan"

"Sige anak, salamat" napakabait talaga ng kanyang anak, kaya maswerte sila ng kanyang asawa dito.

"Hmmm" gumigising na ang dalagita

"Ineng,"

"Sino po kayo?" tanong nito at dinama ang ulo nitong may sugat

"Nakita ka namin ng aking asawa sa ilog, kaya andito ka ngayon sa aming bahay, ano bang pangalan mo ineng? at estudyante ka ba ng SA?" sunod sunod niyang tanong dito upang malaman nila ang gagawin

Special AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon