Masaya Ka

9 1 0
                                    

Ayos lang ako.
Ayos lang na maiwan dito.
Basta para sa ikasasaya mo.

Nakalulungkot, inaamin ko
Ang pait na ng panlasa ko
Masakit na kulang/sobra ako
Masakit na hindi na ako-
Ang gustong pagbahagian ng lumbay at ligaya mo,
Ang pipiliin mong makatabi sa gitna ng tagumpay at pagkatalo,
At ang nais na makahawak kamay sa pagitan ng mundong pabago bago
Pero anong magagawa ko?

Suportahan ang ikakasaya mo
At ikatutuwa na hindi ako hadlang dito.

Mahalaga ang nararamdaman ko 'sing importante ng iyo,
Kaya hangga't kaya ko,
Iibigin rin ang iniibig mo, P-protektahan yaring iyong bagong tahanan.

Tinig ng TintaWhere stories live. Discover now