Suporta

6 1 0
                                    

Nandito lang ako.
Handang sumuporta sa bawat laro mo.

Hindi mawawala ang tulad ko-
Na maghihintay sayo.
Mula umpisa hanggang dulo,
Manalo man o matalo.

Nandito ako, handang sumuporta sayo
Handang damayan ka sa bawat pagkatalo
Handang palakpakan ka sa bawat panalo

Handang maghintay sa bawat pagbawi mo mula sa mga talo
Handang sumabay sa kasiyahan at pagdiriwang ng bawat panalo mo.

Nandito lang ako,
Sa mga panahong ikaw ay dismayado
Nandito ako, nandito lang ako.
Palaging handang sumuporta sayo.

Ngunit ang sabi mo ay huminto na ako
Marahil isa lang ako sa mga bangungot mo
Paalam na mahal ko!

Tinig ng TintaWhere stories live. Discover now