Sayo at sayo pa din babalik.
Ikaw at ikaw lang ang tanging dahilan nang pananabik.
Ang araw ko ay buo na
Kapag matamis na mensahe mo ang mababasa
Hindi ko nga maialis ang aking mga mata.
Tinatanong ko ang sarili kung ito ay totoo ba?
Init ng iyong pag-ibig ay ipinaramdam mo sa akin uli
Pagmamahal mo sa akin ay ipinahayag mong muli
Kung pwede lamang na ganito na lang palagi...
Ngunit alam kong hindi
Daraan tayo sa buhay na may iba't ibang bahagi
Gayunpaman, nawa malagpasan muli natin ang bawat pighati,
At magsasama pa tayo hanggang sa huli.
YOU ARE READING
Tinig ng Tinta
PuisiHindi ko mailarawan. Story Dedication Ito ay para sa lahat ng mga mambabasa at sa mga interesado sa mga nabanggit na hashtag (#) 😛.
