Kung panaginip lang kita,
Ayaw ko nang gumising pa.
Kung sa panaginip ko lang madarama na mahal mo din ako sinta,
Wala ng dahilan para salubungin ang bawat umaga.
Libre lang mangarap sabi nila-
Panaginip at pangarap ba ay magkaiba?
Pangarap ay isa sa aking rason
Kaya nandirito pa ako ngayon.
Pangarap ang siyang motibasyon
At siyang napapaalab sa inspirasyon
Siyang dahilan kaya matapang humarap sa bawat hamon
Panaginip ang ugat ng pagkahumaling sa kasiyahan
Panaginip na sa pagtulog lamang napagbibigyan
Panaginip na hindi palagi kayang diktahan.
Pareho ang mga itong sa isip lahat inuumpisahan
Magkatulad na nakaaapekto sa emosyon
YOU ARE READING
Tinig ng Tinta
PoetryHindi ko mailarawan. Story Dedication Ito ay para sa lahat ng mga mambabasa at sa mga interesado sa mga nabanggit na hashtag (#) 😛.
