"Good Afternoon Hamper!" bati ng schoolmate ko.
"Good afternoon" tugon ko nang nakangiti.
"Hi Hamper"
"Hello, how's your study?" tanong ko naman sa isa pa ng nakasalubong ko na kung hindi ako nagkakamali ay tinuruan ko sa isang subject.
"I'm doing great!" she exclaimed. "Thank you so much for the last time!"
"No problem, don't hesitate to call me if you need an assistance."
"I'll gladly do that." She grinned until someone called her, her friend, I think. "I gotta go Hamper, see you around!" with that, she left.
"Tulungan ko na kita" alok ko sa lalaking hindi na magkandaugaga sa dami ng librong dala.
"Uhh, thanks." nahihiyang aniya. Matapos siyang ihatid sa faculty ay nagpatuloy naman ako sa paglalakad palabas ng school. Kaliwa at kanan ang bumabati sa akin at lahat ay sinusuklian ko ng ngiti, karamihan ay puro babae. Hindi ako heartthrob, hindi ako yung tipong makikipaglandian sa eskwelahan o kahit sa kung saan saan. Hindi ko rin ugaling makipag away o makipag basag ulo sa iba. At mas lalong hindi ako nagbubulakbol sa eskwela.
Pinalaki akong magalang, mabait, masunurin, at may respeto sa kapwa ng aking magulang. Malaki na ako pero kung iturong nila ay parang 10 years old pa din. Paaalalahanang kumain at matulog ng umaga, huwag damihan ang inom at lalong huwag mambababae. Halos lahat ng masama, bawal. Hindi ako nagrereklamo dahil responsibilidad kong sundin sila at naniniwala din akong para sa akin ang pinapayo nila. Nasa kalagitnaan ako ng pagngiti sa iba ng tumunog ang cellphone ko.
"Hey dad?" I don't know but I have this feeling that he just called to give an advice.
"Hello son, how's school?"
Pag-aari namin ang school pero hindi ako yung tipo ng tao na naghaharian dito. Normal na estudyante din ako tulad ng iba. Iyan ang dahilan kung madaming nakakakilala sa akin.
"It's fine, as always."
"And your work?"
Oo. May trabaho na ako. Isa akong secretary ng batchmate ko. Kung paano nangyari iyon? Mahabang kwento.
"It's okay. Wala pa rin pong pinagbago ang boss ko." napangiti ako habang inaalala ang ugali ng boss ko.
"Wala na yung pag asang magbago!" I chuckle. "Sige na umuwi ka na at magpahinga."
"Yes dad."
"That's my son and remember.. bawal--
"Bawal mambabae" pagtatapos ko.
We laughed until he said good bye.
Nagmadali akong maglakad para pumunta sa bar at kunin ang pinareserba kong alak sa kaibigan ng boss ko at masasabing kaibigan ko na din. Sa paningin ng magulang ko at ng ibang tao, isa akong perpektong anak. Totoo naman iyon, hindi ko rin alam kung bakit ako ganito pero hindi ako nagrereklamo dahil para sa akin, tama ang ginagawa ko.
Sasakay na sana ako sa kotse ng makitang may taong nakaharang doon. Balot na balot ng damit ang lahat ng katawan maliban na lang ang mukha at buhok.
Sumama ang timpla ng mukha ko ng malaman kung sino ang wirdong babae. Damit pa lang niya, kilalang kilala ko na.
Kapag minamalas nga naman!
"Hindi ka ba nagsasawang abangan ako sa school araw araw?"
"No" nangingiting aniya.
BINABASA MO ANG
I'm Her Cupid
RomanceMatalino, gwapo, magalang, disente at may respeto. Bihira lang ang ganiyan hindi ba? Dahil halos lahat ng lalaki puro pagwapo at kung hindi babaero ay puro naman basagulero. Pero ibahin niyo ang ang lalaking ito, Si Hamper Ong........... Ang lalak...