Chapter 2

4 0 0
                                    

"Ginabi ka yata ng uwi anak, saan ka nagpunta?" usisa ni mommy.

"Nag stroll lang mom, kain na po tayo." pag iiba ko ng usapan. Naligo na ako at nagsipilyo dahil baka dumikit sa akin ang amoy ng babae sa hotel at ang amoy alak na amoy ng nakakainis na babaeng iyon, mahirap na baka maghinala si dad.

Maya maya lang ay nagumpisa na akong sumubo.

"Hindi ka na naman ba nambabae anak?"

"HUK!"

"Drink this... " abot ni dad ng tubig nang masamid ako.

"N-no dad" awkward kong sabi. "Bakit naman ako mambababae? I respect them."

Peke akong tumawa.

"That's good. Huwag kang gumaya sa magpipinsang Miranda na ginagawa nang libangan ang pambabae araw man o gabi!"

Nambabae din ako pero hindi naman tulad nila! Kumbaga sa sa isang buwan, isandaan ang babae nila samantalang ako ay isa lang...

Siguro nagtataka kayo kung bakit nadamay ang magpipinsang iyon.

Ito ay dahil isa sa mga Mirandang iyon ay ang boss ko. Gusto ni dad na gayahin ko sila pagdating sa business pero sa social life ay kabaliktaran daw ang gawin ko. Tama si dad, sila na talaga ang pinaka babaero sa lahat.

Iba ang babae sa school, sa bar, sa trabaho, at kung ano ano pa.

"Y-yes dad"

Nagpatuloy ang pagkain namin hanggang sa nag aya na silang umalis.

"Bakit kasi bumukod ka pa?"

Eto na naman po kami.

"Mas malapit to sa school mom saka nasa legal age na po ako."

"She's right son, may kotse ka naman kaya hindi ka mahihirapan kung sa mansiyon ka pa rin titira."

"I'm okay here dad, besides madalas naman kayong dumalaw dito at lagi din akong pumupunta sa mansiyon." pagpipilit ko.

"Ikaw ang bahala." kibit balikat na sabi ng aking ama. "Oh pano? Alis na kami, kapag iinom ka, wag sobra at huwag ka ding mambababae, naiintindihan mo?"

"Yes dad"

"Hindi kaya masyado kang mahigpit sa anak mo? Hindi na siya bata para pigilan natin sa mga gusto niyang gawin."

I agree.

"Ikaw tong ayaw siyang paalisin ng mansiyon tapos sasabihan mo ako ganiyan? Baka atakihin ka kapag nabalitaan mong ang kagalang galang mong anak ay nahawa na sa kalandian ng mga kalalakihang Miranda."

"Sabagay, sundin mo na lang siya Ham" she tapped my shoulder.

"Of course mom, I don't like the taste of liqour though, and I don't want to be a womanizer also."

God, forgive me for lying.

"That's my boy" he pat my head, hug me and we fist bomb. My mom, then, kiss and hug me as they always do.

"Bye!" they shout in chorus before leaving my door.

I lay on my bed and let myself sleep.










SIKAT na ang araw ng magising ako kinabukasan at tumingin sa orasan.

Shit! Malelate na ako!

I'm Her CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon