Chapter 4

1 0 0
                                    

"You're late" pambungad na bati ng matandang dahilan ng halos lahat ng problema ko.

Ngayon ang unang pagkikita namin nang apo niyang hindi na makapaghintay maikasal. Kung bakit sobrang aga, hindi ko din alam. Baka para maaga siyang makapili at maaga ding may mareject sa lahat ng irereto ko.

"I'm not, you're just early"  naghugis bilog ang labi niya.

"Wews, not in the mood Ham?"

"Yes" sagot ko na magkasalubong ang kilay. "Where's your grandaughter by the way?"

"Comfort room." I nod. "By the way, how did you convince your boss?"

"I don't want to talk about it." Napapikit ako ng mariin nang maalala kung paano ko nakumbinsi ang boss ko. Iyon na yata ang pinaka malalang bagay na nagawa ko para lang hindi pagpiyestahan ng mga tao ang nagawa ko nang gabing iyon. Bumuga ako ng hininga para pakalmahin ang sarili ngunit hindi iyon nangyari. "God! I almost kneel--nevermind."

I sip the coffee she ordered for me, hoping that it would help to calm myself. I was supposed to finish some stuff in school by this time yet here I am, arranging a date and finding a suitable husband for a stranger girl.

"Is she planning to leave the comfort room? We will be late if she's not here in 10 minutes."

"I dont know--here she is!"

Sinundan ko siya ng tingin pero sa halip na tingnan ang apo niya ay nangunot ang noo ko nang mapansing nandito ang babaeng nambato ng takong. Mukha lang ang tanging kita sa kaniya dahil doon siya dumaan sa may counter kung saan may nakaharang na atleast five and a half feet na wall.

Anong ginagawa niya dito?

Ibabaling ko na sana ang tingin ko sa apo ng katabi ko nang bigla siyang malanding kumaway at kumindat sa akin.

Napanganga akong tumitig sa kaniya at hindi ko na din nabilang kung ilang beses akong pumikit at nagmulat dahil sa ginawa niya.

Suot ang hapit na hapit na mini red dress at sobrang taas na takong ay tumayo siya ng tuwid sa pwestong iyon na akala mo ay magpapapicture, tinaasan niya ako ng kilay habang ginagawa iyon saka kinagat ang labi.

"Hah! Baliw na ba siya?!" Akala ko ay diretso na siya sa exit ngunit hindi niya inalis ang tingin sa akin saka lumakad na para bang siya ang may-ari ng daang nilalakaran niya.

Pansin kong halos lahat sa loob ng restaurant na iyon ay nakatingin sa kaniya dahil maging ako ay ganoon din. Ngayon ko lang siya nakitang hindi lasing. Ibang klase! Mas malala pa yata ang tama niya kapag walang alak sa katawan.

Teka, bakit ba titig na titig siya sa akin?Nang iinis ba siya?! Nang aakit?! Saka ano ba talagang ginagawa niya dit---

"Sir?" lito akong tumingin sa waiter na hindi ko alam kung bakit nasa harapan ko.

"Ayos lang po kayo?" tumingin pa ako sa likod, inaalam kung ako ba talaga ang kausap niya at mukhang ako nga.

"Yes, I'm okay. Is there any problem?"

"Are you sure Sir?"

"Yes, bakit naman ako hindi magiging okay?" I smile at him. Nag aalangan naman siyang tumango at umalis din.

"Pati yung waiter nakakahalata sayo tsk tsk!" I almost jump in surprise when someone whisper at my ear. I think I don't need to tell who she is.

"Anong nakakahalata?"

"Na nadistract ka sa ganda ko" sabay kindat.

"Hah! Excuse me? Sinong nagsabing nadistract ako?"

I'm Her CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon