Danger

642 21 0
                                    

nakasakay na sila K sa kotse pauwi habang si Val naman ay hindi pa rin mawala sa isipan ang sinabi ng matandang babae sa kanya kanina sa studio. Sa sobrang lutang niya ay muntik na siya makabangga ng kotse. Agad siyang nagbreak at huminto sa gilid ng karsada.


"val!" napasigaw si K. Buti na lang nakaseatbelt sila. Chineck niya kaagad kung okay lang ba si JM sa backseat.

"Okay lang ba kayo?" tanog ni Val.

"Okay lang kami. Ano bang nangyayari sa'yo?"

"Sorry K..... To be honest with you, May nakasalubong akong matanda kanina... At sinabi niya na isa daw sa mga kaibigan ko ang mapapahamak, at may batang mawawala." paliwanag ni Val.

"I think it's either you or anne and JM"

napakunot naman ng noo si K, "Val, unang una, hindi mo kilala yung matanda. And pangalawa, wag ka basta bastang maniniwala sa mga sinasabi ng ibang tao. Walang katotohanan yan."

"Sorry K. nag aalala lang talaga ako. Mag iingat kayo lagi. Mas mabuti na rin yung nakakasiguro."

"palagi naman kaming nag iingat. And diba you said na ikaw ang bodyguard namin."

"oo naman. Sisiguraduhin kong hindi mangyayari yung sinabi ng matanda."

"yun naman pala pakner eh! uwi na tayo, nagugutom na ako," hirit ni JM sa likod. Natawa naman sina K at Val


Nakarating na sila sa bahay at naunang kumain si JM dahil nga gutom na ito. Sumunod na si K at aling Cynthia pero hindi kumain si Val. Minabuti niyang mag isa muna sa balcony.

nag aalala din ako kay Anne. Cguro dapat ko siyang puntahan. Nag iisa lang siya sa bahay nila kasi may inaasikaso si Erwan out of town. Delikado talaga.

nahinto ang muni muni ni Val nang ginulat siya ni K,

"huy!!" bulyaw nito mula sa likod. Napaigtad naman siya na parang bakla,

"uyyy, nagulat ko siya." tuwang tuwa si K.

"Hindi kaya," nagbelat si Val sa kanya. "Ginawa ko lang kaya yun para matuwa ka," nagbelat siya ulit.

"haha whatever. Ano na naman ba ang iniisip mo?" tanong ni K.

"wala... Si JM tulog na?" pag-iiwas ni Val.

"Oo tulog na. Teka nga, bakit mo ba iniiwasan ang tanong ko?"

"Kasi wala naman talaga akong iniisip no," pero halata sa mukha niya ang pag-aalala.

"Wag mo na torturin ang sarili mo. Wag mo na isipin yun," hinaplos ni K ang balikat niya.

"Ang touchy mo forevs," sabi ni Val. Tinigil ni K ang haplos.

"Kapal ng mukha mo. Cinocomfort lang kita," di na nagrespond si Val. Natahimik ang paligid

"uyyy, ano ba.. Pinagmumukha mo namang walang sense itong conversation natin." sabi ni K habang binebraid ang hair niya.

"Ano ba gusto mong topic?" sagot ni Val. "Mukhang busy ka naman na diyan sa buhok mo."

natawa lang si K. "wag na nga lang, matutulog na ako."

"Ang bipolar mo talaga." sabi ni Val, "goodnight beh"


Umalis na si K sa balcony at pinagsisihan tuloy ni Val na hindi siya nag open up ng topic. Edi sana may moment sila ni K sa gabing yun.


SUS! ANG BANBAN MO TALAGA!!!! argrrgrrhhhhhh BANBAN BANBAN BANBAN!!!!!


Second Chance - ViceRylle fanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon