"Hay!"buntong hinga ko,katatapos palang ng operasyon ko sa isang pasyente tas meron na naman sobrang nakakapagod,idinuldok ko nalang ang mukha ko sa mesa,at pinikit ang mata
"Have some coffee" napaangat ako ng tingin ng marinig ko ang boses na iyon,parang mawala lahat ng pagod,gutom,at pagkaantok ko ng makita ko kung kanino mukha yun
Mukha ng isang diyos shit!ang nagiisang asawa ko at kabit ang buong mundo!
Clyde Jace Vargas!
"Stop staring at me,and drink that coffee,marami pang pasyente" masungit niyang sabi,pero kahit marami pang pasyente at magsungit pa siya,okay lang dahil sa isang kape,tuloy ayaw ko nang inumin gusto ko nalang iyong ilagay sa collection ko!,gusto ko siyang pigilan at sabihing i labyou pero Baka suntukin lang ako nun!
"Oh bat ngiting ngiti ka?"sabi ni Fia ng makapasok siya sa office namin,tatlo kami sa isang office,Si Fia,ako,tsaka, si Ashton pinsan ni Clyde,kaya ganun nalang ang kilig ko ng makita ko siya sa office namin,feel ko sinadya niya talaga ako yieie
"Eh,kasi si crush binigyan niya ako ng kape"about langit na ngiti kong sabi,two years ko na siyang crush,ang tindi ng paghanga ko noh?di maubos,naging crush ko lang siya ng sabay kaming matanggap sa hospital,feel ko crush niya ko,feel ko sinundan niya talaga ako
Feeler
"Alam mo para kang kinder,ang tanda muna,crush crush kapa din tumulad ka sakin may jowa na"
"Ayokong tumulad sayo di ko alam manligaw ng lalaki,gusto ako ang nililigawan"nawala ang ngiti niya,dahil sa sinabi ko,,tinarayan ko lang siya ng sinamaan niya ako ng tingin,hay gutom na ako iinumin ko nalang to,muntik ko nang madura ang kape nato dahil sa sobrang pait,pero pinigilan ko Baka kulang sa asukal,para narin mabuhay ang diwa ko
"Ez,may tawag galing E.R" dali dali akong tumayo,hay another patient,naawa na ako sa kanila,sa twing may sinusugod na pasyente, di ko mapigilang malungkot kailangan talagang magingat
"Anong nangyari?" tanong ko pagkalapit ko sa isang pasyente,at saktong si mylabs ang naka assign doon
"There's a bleeding in her abdomen,we should operate her ASAP"kumurap ako ng tatlong beses
"W-we?"nauutal kong tanong,as in ako at siya sa isang kwarto?!gosh dream come true para sa mga umaasa!
" You will be my assistant, since you're here"kahit maid pa!ako taga laba ng brief mo!ganun ako ka adik sayo,sinundan ko siya gamit ang magaganda kong mga mata,nakaka in love talaga siya,kaya marami akong karibal dahil diyan sa mukha mo,ikaw ba naman ang makakita ng lalaki ng matangos ang ilong, mapupulang labi,mahabang pilikmata,tsaka makapal na kilay!,at eto ang favorite ko ang mahaba niyang legs,minsan pinapanaginipan ko ang legs niya hehehe
Bago magsimula ang operasyon,ipinaliwanag niya muna saamin kung anong case at kung anong dapat gawin
"The vitals are stable,you can start" sabi ng anesthesiologist
"Scalpel" ibinigay sa kanya ng nurse ang hinihingi niya,sana ako nalang ang nurse para nahawakan ko pa mga kamay niya,ang gwapo talaga niya kahit naka mask siya
"Please give me a clearer view"
"Yes,Doc" sagot ko ginawa ko naman ang utos niya ginamit ko ang sunction para mabigyan siya ng view
"Clamp" nagulat ako ng ganoon niya kabilis mahanap ang bleeding area,di naman to ang first time na nag assist ako sa kanya pero ito ang first time na makita ko siyang mabilis na nahanap ang bleeding
"Suture" swabe ang pagtatahi niya,mabilis pero maingat,mas mabilis pa siyang sakin ah,kahit sa mga seniors
Tinanggal ko ang mask at gloves ko pagkatapos nung operasyon,pagod na ako!gusto kong isigaw yun pero di pwede maraming pasyente ang kailangan naming tutukan
"Good job,doc" bati ko kay Clyde,tumaas naman ang kilay niya at tinapunan ako ng tingin pero wala siyang sinab,agad siyang tumalikod at umalis
"Ezlynn!bumangon kana!ano ba malelate ka!"
"Ma!mamaya pang alas diyes!" sigaw ko sabay hablot mula sa kanya ng kumot,napapa'aray' ako dahil pinapalo niya ako,inaantok pa ako
"Ano kabang bata ka!alas diyes na!" agad ako napatayo ng marinig ang oras,dali dali kong kinuha ang suit,at bag ko saktong naka bihis pa ako,naalala ko sa sobrang pagod di na ako nagbihis
"Ano kabang babae ka!di ka maliligo!" pahabol na sigaw ni mama wala na akong choice dahil medyo malayo pa ang bahay namin
Nagpasalamat naman ako dahil,di gaanong marami ang pasyente, dumiretso ako sa opisina namin at para doon maligo,may mga damit naman ako doon scrub suit nga lang,nanlaki ang mata ko ng madatnan kong naguusap si Clyde tsaka yung pinsan niyang si Ashton
"Good morning,Ez" bati ni Ashton,tinakpan ko agad ang mukha ko gamit ang bag na dala ko,nakakahiya pala Baka maturn off si Clyde sakin!
"Ez!good morning" natigil ako sa paglakad ng marinig ko ang boses ni Fia,ngiting ngiti siya na akala mo ay nanalo sa lotto,lumapit siya at akmang hahalik sa pisngi ko ng bigla siyang suminghot,tiningnan niya rin yung soot ko at kumunot ang noo
"Ezlynn!Hindi ka naligo?!"sigaw niya,nakarinig naman ako ng mahinang tawa sa gilid ko,wala na na turn off na siyang sakin,babatukan niya sana ako ng dali dali akong pumuntang banyo para maligo
Kasalukuyan akong nagpapatuyo ng buhok habang pinapagalitan ni Fia at take note nandito parin si Clyde
"Diyos ko Ez,bat kaba pumasok ng di naliligo?" nakapameywang niyang sabi,sinulyapan ko muna si Clyde,pero busy siya sa pakikipagusap sa pinsan niya buti nalang may space di gaanong naririnig
"Napasarap yung tulog ko"
"Kaya,walang nagkakagusto sayo eh"
"Of course meron,mapa bata matanda may crush sa akin"
Umiling iling nalang siya na para bang di siya kumbinsido sa sagot ko,totoo kaya yung kapit bahay naming bata may crush sa akin dahil binigyan nila kami ng pansit nung birthday niya,oh diba ang ganda ko may nagaalay sakin ng pagkain
Pagkain
"Fia,kakain lang ako sa labas,gutom na ako" pagpapaalam ko,narinig ko pa siyang pinapagalitan ako,pero di ko na siya nilingon
"Salamat ate"sabi ko ng maorder ko ang pagkaing gusto ko,kailangan kong mabusog dahil di ako nakakain,bukod kay Clyde eto lang ang source of energy ko,dalawang servings ng rice,fried chicken,adobo,sabaw ng sinigang at tubig ansarap dito sa karinderya
Nang matapos akong kumain ay bumalik agad ako Baka may mga pasyente na,tiningnan ko muna ang mga pasyente ko,chineck ko kung stable ang drop ng urine nila,at kung ano ano pa
"Nay,kumain na ho ba kayo?"nakangiti kong tanong sa matandang bantay ng pasyente, mukhang wala pa siyang tulog
" Inom po muna kayo"inabot ko ang tubig na nasa bulsa ng coat ko,kinuha niya naman iyon at ininom pero laking gulat ko ng mabitawan niya iyon at natumba siya,dali dali akong kumilos,humingi ako ng tulong sa mga naroon,chineck ko yung pulso niya,
Cardiac Arrest
Pinatong ko ang dalawa kong tuhod sa hinihigaan niya,I pushed her chest back and forth, I continue pumping her chest to return her pulse,itinigil ko muna iyon at tiningnan kung bumalik ba ang pulso niya,nakahinga ako ng maluwag at tiningnan ang nurse na nasa harap ko
"ROSC" (return of spontaneous circulation)
maikli kong sabi,na nagbalik sa ngiti ng nurse,inihabilin ko namang ipascan yung pasyente, himas himas ko ang kamay ko ng mapadaan ako sa gawi ni Clyde"Good morning Doc Vargas" pormal kong bati,tinapunan niya naman ako ng tingin,sinuyod ang aking katawan mula ulo hanggang paa
"Good morning too Doc Perez" umabot ang ngiti ko ng marinig ko iyon,kahit masyadong pormal ang pagkakabigkas niya ay napakasarap sa tinig iyon,sapat na para mabuo ang araw ko
Balak ko pa namang baguhin ang apilyido ko,balak kong maging isang Vargas,pwede kayang magpa ampon?gusto ko ay ampunin ako ng mama ni Clyde para maging kapatid na kami,at kung maging magkapatid na kami papasukin ko siya sa kwarto bwahahaha, ang laswa!
YOU ARE READING
Cured Heart
RomanceCuring someone is just a job for a handsome doctor named Clyde Jace Vargas,life for him is not easy due to his past,there is one word to describe his past HORROR,he was traumatized,without his parents knowing he was kidnapped.After that incident he...