2

2 0 0
                                    

"Ez,snack muna tayo merong in order si Ashton na pizza" nawala ang malalim kong pagiisip ng marinig ko ang sinabi ni Fia,sumunod ako sa kanya papuntang office namin,nadatnan ko si Ashton na bubuksan palang ang pizza

"Snack tayo Ez" sabay alok niya sa akin ng pizza,tinanggap ko naman iyon at umupo,nagkwekwentuhan kami tungkol sa kung ano ano,kung anong nangyari nung mga nakaraang buwan sa amin,at kung ano pa,kahit magkakasama kami sa isang office pero di naman kami palaging nagkwekwentuhan katulad ngayon,di naman kami tulad ng iba dahil kunti lang ang libreng oras ang meron kami pag may trabaho,di namin magawa kahit ang umidlip kaya gonoon nalang ang tulog namin pag day off di kaya di gaanong marami ang pasyente

"Balita ko kanina meron ka daw niligtas Ez" dalawa silang napatingin sakin ng banggitin iyon ni Ashton,kumuha muna uli ako ng pizza bago sumagot

"Syempre natural lang sa'tin yun,nabigla nga ako ng natumba si Lola habang umiinom,buti nalang bumalik yung pulso niya" pagkwekwento ko,sasagot na dapat si Fia ng bumukas ang pinto

"Oh,bro halika dito kumakain kami sabay kana" napalingon naman ako,at doon nanlaki ang mata ko ng makita ang lalaking papakasalan ko char!nakapamulsa siya,bakit ba sa kanya bagay na bagay ang coat niya?,nagulat ako ng umupo siya sa tabi ko at kumuha ng pizza

"Bro,musta?" tanong ni Ashton sa pinsan niya,kunot noo naman si Clyde na bumaling kay Ashton

"What do you mean?"

"Humihinga pa ba?" ngisi niya sabay taas baba ng kilay,sinamaan naman siya ng tingin ni mylabs

Biglang nagvibrate ang phone ko kaya tiningnan ko iyon

"Guys,tawag ako sa E.R,salamat Ashton ha.."tumango naman siya bilang sagot,napanguso ako dahil di pa ubos yung pizza ko,pero inilapag ko nalang iyon at umalis na

"Doc.andoon po sa hybrid room yung pasyente"pumunta agad ako sa hybrid room para makita yung pasyente

" Anong nangyari sa kanya?"tanong ko sa kasama ng pasyente

"Kanina pa po kasi sumasakit yung tiyan ng boyfriend ko" muntik na akong masuka sa lambing ng boses nitong babae,diyos miyo tong mga batang to,asan nanay niyo?!

"Let me check him" pinaayos ko muna siya ng higa,namimilipit siya sa sobrang sakit,tinapat ko muna ang palad ko sa may tiyan niya saka ko bahagyang tinulak ang kanyang tiyan,sumigaw naman siya sa sobrang sakit,pero nagulat ako ng tinampal ng babae yung kamay ko

"Anong ginagawa mo sa boyfriend ko!bat di mo siya gamutin?! pinapahirapan mo lang siya eh!di mo kita?!"grabe yung sigaw niya pang the voice,nakatingin naman sa amin yung ibang nurse tsaka doctor

" Excuse me po Nay,ginagawa ko po ang trabaho ko,di ko po pababayaan ang anak niyo"pero para yatang mas nagalit siya dahil sa sinabi ko

"Di ko siya anak,can't you see boyfriend ko siya" tumango ako at ibinalik ang tingin sa pasyente,ginamot ko muna siya ng di pinapansin ang pagtatalak ng jowa niya mga bata nga naman oh

Katatapos palang ng panggagamot ko ng may dumating nanaman

"Anong nangyari?"tanong ko

"Aksidente po doc,dalawa po yung malala,tapos isa naman ang may mga kaunting sugat"

Iginaya ko sa kanila kung saan ang hybrid room,lumapit ako sa isang nurse para pakiusapan na tawagin ang ibang doctor

Lumapit ako sa isang pasyente,may mga bubog pa sa kamay niya,may dugo din sa ulo niya,paglapit mo palang maaamoy mo agad ang baho ng alak,di na ako humakbang pa dahil sobrang nangangamoy,napaatras  ako,pero sa tingin ko dead end na dahil may pader na sa likod ko,humarap ako at di ko inaasahang si Clyde pala

"Can't you clean his wounds?" masungit niyang sabi,tumango naman ako habang nakakapit sa ilong,bumuntong hininga siya saka lumapit sa pasyente,ginawa kung anong dapat na gawin,kung ako siguro yan sumuka na ako sa sobrang baho,pero siya parang wala lang,hero ko talaga siya

"Someone needs you're help ,go there and stop staring,tss"

Sumunod naman ako sa sinabi niya baka magalit ng sobrang sobra

"Scalpel" sinimulan ko ng buksan, yung tiyan ng pasyente ng iabot sa akin yung scalpel,inooperahan namin yung pasyente kanina,lumabas sa CT scan na may bleeding sa tiyan niya,ako yung lead surgeon habang assistant naman si Clyde,pagmaging mag asawa kami under talaga to sakin

Hinanap ko agad ang pinagmulan ng bleeding,binigyan niya ako ng clearer view para makita ko yun agad

"Vascular Clamp" sabi ko sabay lahad ng aking kamay,inipit ko agad iyon para tumigil yung pagdudugo

"Suture"tinahi ko agad at ng matapos na

" Grabe kapagod,nakakagutom Fia,bili moko ng snacks!"sigaw ko habang nakasandal sa sofa,umaga palang kapagod na,tatlong magkasunod na operasyon ang ginawa ko!,nakakawala ng energy,asan naba yung asawa ko at ng mapagutusan!char!,buti pa si Fia dalawa lang pero pagod parin siya dahil siya yung nagcheck ng mga pasyente

"Eat,this you two"napamulat ako ng aking mga mata,at nakita ko ang maraming snacks,ugh laway na ako

" Thanks,Ash-"napatigil ako ng makita kong si bebe pala ang naglagay nito,sinamaan niya ako ng tingin

"My cousin's not here" sabay talikod

"Thanks!..my labs" humina na ang boses ko ng banggitin ko yung huling salita,napalingon naman ako kay Fia na ganado sa pagkain,at dahil kay mylabs to uubusin ko ito

Umidlip muna ako,dahil wala namang pasyente

"Wag kanang umiyak,bahala ka papangit ka" napatigil yung bata sa pagiyak ng marinig ang mga salitang iyon,ngumuso siya ng tumingin sa lalaki ng kasama niya

"Kaya kaba gwapo kasi di ka umiiyak" inosenteng tanong,tumango naman siya at pinisil ang pisngi ng batang babae,mas lalong humaba ang nguso ng batang babae dahil sa pagpisil sa pisngi

Bigla silang natigilan ng kumalabog ang pintuan at pumasok roon ang isang babaeng mahaba ang buhok,makapal ang makeup at pagewang gewang na parang lasing,ang dalawang bata ay takot na takot naghahawak kamay sila dahil papalapit ng papalapit ang babae

"Alam--"

Bigla akong nagising,habol ang hininga,anong ibig sabihin nun?sino yung batang babae?yung lalaki?

Napatakip ako sa bibig ko ng may maisip ako di kaya--

MAY ANAK NA KAMI NI CLYDE?!

Cured HeartWhere stories live. Discover now