10

1 1 0
                                    

Isa lang ang salitang naisip ko ng marinig ko yung sinabi niya

Patay..wag kang tatawa Ezlynn please lang...wag kang tatawa

"Pfft!...Bwahahahah...ang dakilang Clyde di marunong...bwahahahah"tawa ko..di ko talaga kayang pigilan ang tawang yun hinahampas ko pa siya sa braso sa sobrang tuwa..yung mukha niya parang batang may kasalanan pfft!

Pero agad iyong naputol ng nakita ko ang mukha niyang seryoso

"Ha..ha-w could you say you love me~" kanta ko,nilingon ko pa ang ibang direksiyon at di sinasalubong ang mga mata niya masyadong nakakatakot..feel ko pwede nang pang samurai yung talim ng tingin niya sakin

Lumiwanag ang mukha ko ng makita ko yung bus na huminto,sasakay na dapat ako ng hawakan niya yung braso ko,may parang kuryente akong naramdaman sa hawak niya..wow grabe kuryente talaga di naman kami electrician char!kung poste ako pwede pa..ah!pwedeng kable so Clyde at ako yung poste!bwahah waley!

"That's not the right bus" agad akong napalingon sa bus at tiningnan kung tama ba yung sinasabi niya Baka mamaya wow mali lang to..tsaka di kaya siya marunong

Pero ganon nalang ang pagka pahiya ko ng makita ko kung saan patungo yung bus...hehe papunta pala yung probinsiya kaya pala yung mga sumakay mga naka empake

Nang umandar na yung bus,nabawasan naman ng tanong umuupo roon kaya umupo na ako sa may gilid ng upuan ng bus stop,habang si Clyde naman ay nakatayo sa harap ko

Tiningnan ko yung relo ko..nanlaki ang mga mata ko ng makita ang oras

Shit!isang oras na kaming late!lumapit ako kay Clyde tsaka hinila yung manggas ng damit niya

"Clyde!late na tayo!" madiing bulong ko sa kanya

"I know"

"Pero--" naputol ang reklamo ko ng huminto yung bus sa harap namin binasa ko muna kung tama ba yung lugar na hihintuan niya..nang masigurado kong tama sumakay agad ako at hinatak so Clyde para sumakay

Puno na yung upuan kaya tumayo kaming pareho at kumaput sa may hawakan,nagaalanganin pa sila Clyde pero no choice na siya dahil nagsimula ng umandar yung bus

"Fuck this!" dining kong bulong ni Clyde, medyo natutumba pa siya pag tumitigil yung andar ng bus,pinipigilan ko lang matawa dahil pinagtitinginan kami ng mga tao sa loob nito

"Clyde OK kapa?"tanong ko pagkababa namin dahil mukhang maputla siya

"I'm dizzy"

Huminto muna kami sa paglapakad saka ko siya niyayang umupo,bumili muna ako ng tubig saka ipinainom sa kanya

Di AKO makapaniwala,di ko alam na ang magiting na so Clyde ay madaling mahilo sa byahe(kahit ang lapit lang naman)

"Sa susunod kasi i check mo yung kotse mo,para di na tayo sumakay sa bus"

"Tss"

Pagkatapos niyang magpahinga ng kaunti,tuloy uli kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang hospital,late na talaga kami ng todo todo

"Anyare ba't late ka ngayon?,balita ko malapit lang bahay na linipatan mo" tanong ni  Fia,nandito AKO ngayon sa locker ko at kinukuha ang scrub uniform ko dahil may operasyon AKO ngayon

"Secret"tanging sagot ko saka, umalis na para magbihis

"We're conducting a laparoscopic surgery..we will remove the patients gallbladder,stay focus" pagkatapos ko iyong sabihin ay hiningi ko muna ang permiso ng anesthesiologist bago  simulan ang operasyon

"Trocar"

"Camera" inabot agad iyon sa akin,ng matagpuan ko ang aking pakay ay ginawa ko agad ang kailangan,medyo natagalan ako sa pagsasagawa noon

"Needle Driver "sabi ko saka sinimulang tahiin ang sugat sa loob

Ng matapos ang operasyon ay hinubad ko agad ang mga soot ko sa mukha saka iyon itinapon,agad akong pumunta sa tagapagalaga ng pasyente

"Thankfully the operation was successful, we've done the laparoscopic surgery,earlier as expected..pero kailangan pa po nating hinatayin ang paggising ng pasyente para sigurado po talagang successful yung operasyon"tumango naman yung guardian

Ipinaliwanag ko pa sa kanila pangalwang epekto ng operasyon,saka ako pumuntang opisina para kunin yung coat ko at kumain,kahit kakakain ko palang gutom agad ako dahil sa operasyon na iyon

"Ash..pwede akin nalang yang isa?"tanong ko sa pinsan ni Clyde charot!

Ugh..natatakam talaga ako sa beef noodles na yan!kahit pa bigyan ako ng steak steak na yan,di ko ipagpapalit ang beef noodles,kung papapiliin ako,kung anong hayop ang gusto ko..pipiliin ko agad ay baka,pero mas bet kung alaga si spongebob di kaya si Patrick

"Alam mo may napapansin ako sainyong dalawa ni Doc.Fia"sabi sabay hinahalo yung seasoning sa noodles

Nabilaukan naman siya dahil sa sinabi ko..bakit may masama ba ro'n?

"Pano mo nasabi?"

"Lah lang,pansin ko lang"at sinimulan ng kumain..grabe ang sarap,huhu..ma check nga mamaya sa kung may noodles bang stock si Clyde

Habang kumakain Panay Ang sulyap ko kay Ashton dahil Panay ang 'aray'niya mukhang napapaso dila niya..hay tanga

Ano kaya ang feeling maging baka,sa masarap mong karne,gatas..ow seyt!nung una gusto ko pag mareincarnate ako gusto ko maging baka di kaya maging spongebob..waah!naiimagine ko na ang sarili ko bilang spongebob..una ko talaga ng gagawin aalamin ko yung recipe ng crabby patty para maipagluto ko si Clyde wahahah

"Doc..may tanong ako"napatingin ako sa kanya

" Ano?"

Hinalohalo niya muna yung noodles niya...abah sino nagturo sayo niyan?!wag mong babastusin ang beef noodles ko!isang beses lang dapat haluin yan!

"Yung..ano Kaibigan ko kasi..ano humihingi ng advise sa'kin..kung pa'no daw manligaw..di ko alam kung ano yung sinasabi niya..ano wag mo nalang pansinin yung sinasabi ko"nakatungo niyang sabi

Ngumisi naman ako dahil sa sinabi niya..mga lerler

" Bibigyan ko ng advice yang kaibigan mo"sabi ko habang subo yung kutsara sa bibig ko,bagangat naman siya ng tingin,tsaka lumapit ng kunti para nakinig..infairness mabuting friend siya,kesa kay Clyde,tingin ko nga walang kaibigan yang si Clyde palagi ko siyang nakikitang magisa

"Una..kailangan mong bigyan ng flowers ganun,kagaya ni Fia favorite yung tulip"napansin ko ang panlalaki ng mata niya

"Ano pa?"

Nagisip muna ako ng sasabihin

"Ano bigyan mo ng kwintas ganun..dapat magtapat siya ng nay dala, ang panliligaw kasi parang nagoopera yan,kung manliligaw ka ng walang dala,para ka lang nagopera ng walang pasyente"

"Pag di gumana yung naisip mo?"

Pag di gumana?abah!kailangan na ng naruto teknik yang babaeng yan!

"Pag di gumana..."nakinig naman siya ng maigi at naghihintay ng sasabihin ko

"Pag di gumana..abah!hambalusin mo ng walis!sayang yung pera!pabebe pa siya!"wala ng libre sa mundo pssh

Cured HeartWhere stories live. Discover now