3

2 0 0
                                    

Pabalik balik ako ng lakad,kagat kagat ang hintuturo ko

Pano kung totoo?..pero di pa kami nagaano di ko pa nga nakakatabing matulog yun,pero paano kung may witch na nagsumpa na magkakaanak kami?napahinto ako di naman ata totoo ang mga witches

Sino yung mga batang yun?teka-

Ako ba yung babaeng nagdakip sa kanila?!OMG!bat di ko maaalala?!kailan yun?!lord sorry,pakiusap wag niyo kong isumbong

"Doc Ezlynn,what are you doing?"parang binuhusan ako ng tubig ng makita ko si Clyde,baka marinig niya yung iniisip ko,ayokong makulong,gusto ko pang magkapamilya,gusto ko pang mapangasawa si Clyde huhu

Nanginginig akong lumapit sa kanya

"W-wala" kahit sa pagpihit ng door knob nanginginig ako,napahinto ang pagbukas ko ng pinto ng hawakan niya yung kamay ko

"The hell!,are you sick?,you're sweating bullets!" binawi ko agad ang kamay ko,baka mahalata niya ako,ayokong makulong please

"Ano kasi-" di ko na natapos ang sasabihin ko ng hilahin niya ako paupo sa sofa

"Tell me"seryoso niyang sabi,kinakabahan parin ako,pano kung ako talaga yung nandakip?sa mga batang yun?pano kung anak namin yun ni Clyde waah!yoko na

" k-kasi...Waaah!!nanaginip ako!may dalawang batang nandoon sa isang madilim na lugar!iniisip ko kung anak ba natin sila,baka humihingi ng tulong!o baka ako yung babaeng nandoon sa panaginip ko..yung mukhang bruha at lasing"hinawakan ko ang dalawa niyang kamay,at tiningnan siya sa mata,nagulat naman siya,maluhaluha ko siya ng tinitingnan

"Wag mo akong isusumbong Clyde!baka dakipin nila ako,promise di ako ang gumawa nun,di pa ako umiinom,baka paluin ako ni Mama"tinaas ko pa yung kanang kamay ko para mangako,pero wala siya ng sinabi at tumayo nalang

"Tss..don't over think everything maybe that was just a pure dream or nightmare" sabi niya saka umalis,napaisip naman ako bat ba di ko yun naisip agad na panaginip lang yun at di totoo!namroblema pa ako kakaisip nun,napabuntung hininga nalang ako at bumalik na

"Hoy!bat ka natagalan,ikaw ah maraming pasyente yan tuloy tambak kanina si Doc Vargas" nahirapan pa tuloy si Clyde ng dahil sa akin,naipatong ko nalang ang mukha ko sa palad ko,nakanguso ako habang tinitingnan ang isang nurse na inaayos ang mga medicines sa harap ko,

"Doc!pwede patulong?" napalingon ako kay Doc Dizon,sinenyasan niya akong lumapit kaya tamad akong tumayo,lumapit ako kung saan siya,tumitingin siya sa isang CT scan ng pasyente

"Doc,nalilito po kasi ako sa CT scan ng pasyente"

Tiningnan ko naman ang tinutukoy niya,sa isang tingin mo malilito ka talaga,pero paginulit mo makikita mo kung ano talaga iyon

"Tingin ko pancreas tale" tinuro ko naman kung ano ang mga,iniisip ko tungkol dun sa CT scan,ng matapos iyon ay bumalik uli ako sa ginagawa ko kanina,nakatukod ang mukha sa palad

Napatayo ako ng makarinig ako ng iyak,nilingon ko kung saan ng gagaling iyon,nakita ko ang isang batang lalaking namimilipit sa iyak hawakhawak ang sugatang braso,dali dali akong lumapit doon

"Anong nangyari?"bungad ko sa kasama niya,mukhang kapatid tong kasama niya,maluhaluha niya akong tinugon

" Na bato po siya ng bote sa kamay"tinawag ko naman yung nurse at pinakuha yung nga kailangan sa panggagamot

"Tiisin mo baby ha" napa'aray' naman siya ng dumaan ang bulak sa kamay niya,nang matapos na ay niligpit ko na ang gamit at tumayo,nagulat ako ng hinawakan niya yung kamay ko

"Doc. may boyfriend kana po?" Natawa naman ako sa tanong niya,umiling lang ako,pagkatapos pinisil ang pisngi niya

"Wag po muna kayong magboyfriend,hintayin niyo po ako,papakasalan ko po kayo" sabi niya ng may guhit na ngiti sa labi

Cured HeartWhere stories live. Discover now