CHAPTER 8

264 3 0
                                    

AUTHORS' NOTE:

Sorry po sa late update. Sana po ishare niyo to sa mga kakilala niyo para atleast may inspiration naman kami para mag update :'(

ON THE RIGHT:

We Came As Romans- Roads That Dont End and Views That Never Cease.

ENJOY ^_^

-----------------------------------------------------------------------------------------------------

HAYY... One hour nalang ang natitira bago mag dismissal. Pakibilisan naman ng oras oh. Bored na talaga ako. Pumasok na yung last subject teacher namin. Magdadasal na sana kami nang bigla nalang may pumasok. Working Scholar ata.

"Excuse me maam. May emergency meeting daw po yung mga teachers until dismissal time."

"Okay, susunod nalang ako. Salamat Shella."

Ngumiti yung babae at saka umalis na ng classroom. Halos di ko maguhit yung mukha ko sa sobrang saya dahil sa narinig ko. Akalain niyo yun? Narinig ni God yung prayers ko. Wala kaming pasok sa pinakahatest kong subject. To be specific, SOCIAL STUDIES.

Alam niyo ba kung bakit? Siyempre hindi noh. Ano kayo manghuhula? Ahaha. Teka, teka seryosong sagot. Hatest ko yan dahil.. Malamang.. Yung sinasabi nilang significant people, records and past events tas pag-aaralan namin. Para san pa? Eh nasa PRESENT na tayo. Tsaka PATAY na pinag-aaralan nila.

Nananahimik na nga yung tao ginagambala pa nila. Aba, baka gusto nilang madalaw ng mga yun ng di oras. Para bang gustong tumalon ng puso ko sa saya. But I have to keep my cool. Ayukong masira yung image ko. Mabait pa naman ako sa mga mata ng teachers ko.

"Miss Constantino."

Napatayo ako kaagad.

"Yes maam?"

"Since you're the class president. I want you to take over and be responsible okay?"

"Yes maam."

Pagkatapos nun ay umalis na siya. Shoo, Shoopi. Gulat kayo noh? Oo ako yung class president. Kung tinatanong niyo kung bakit di  ko sinabi kaagad, eh di niyo naman ako tinanong eh. I'm not that showy type.

Nagtinginan lahat ng classmate ko sakin.

"Anong tinitingin tingin niyo diyan?" Tanong ko sa kanila.

Kitang kita ko sa mga mata nila ang panginginig. Eh sino ba naman ang di manginginig sakin, One wrong move lang nila patay sila sakin. Strict ako when it comes to discipline. Kaya nga ako yung napili bilang Class President at PRO sa student council.

Oo, student council member ako. May angal? Biglang tumahimik yung paligid. Natutulog na pala yung mga kaklase ko.

"Good."

Bumalik narin ako sa upuan ko. Makaraan ng ilang sandali, Bigla nalang akong nakarinig ng ingay.

Tsk.Tsk. NOISE POLLUTION, not allowed. Galit akong tumayo sa kinauupuan ko at lumabas ng classroom. Hinanap ko kung sang lupalop nanggagaling ang bwesit na ingay na yan. I'm sure galing ito sa fourth year building. Napadaan ako sa classroom ng 4-B. Wala naman ah. Dumaan ako sa classroom ng 4-C. Wala rin.

Kaya nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa nakarating ako sa labas ng classroom ng 4-D. Napatigl ako. Ito na nga! Ito  na nga yung source ng ingay. May naririnig akong tumutugtog sa loob. Kahit soundproof yung classroom, rinig parin yung ingay sa labas. Meron ring kumakanta. A-anong halimaw kaya ang nandito.

KUYA FOR RENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon